I know that when I opened my eyes again, and my spirit was completely awakened—I felt something different.
Parang sinasabayan ng kabog ang dibdib ko hudyat na umaalingawngaw ang bawat taktak na tunog nang grandfather's clock sa loob ng kwartong tinutulugan ko. Talagang nakakagising nga ng diwa ang orasang ito. Muntik ko na tuloy makalimutan na panahon pa ng mga kastila ang mansyong 'to at alaga pa rin sa gamit ang mga malulumang bagay rito. Kaya bihira lang siguro palitan ang mga bagay lalo na kung matibay pa. At kahit itong kamang tinulugan ko, bukod sa may pakurtina ang istilong nakasabit sa itaas para siguro 'di ako lamukin, ay halatang gawa rin siya sa antique.
Halatang babae ang tumutulog dahil din sa istilo na may floral beige, lavender, and brown vintage ang wallpaper ng buong ding-ding. Ibang-iba sa istilo ng kwarto ni Darcy.
Isang malalim na hikab ang kumuwala sa aking labi. Pupungas-pungas ay natulala muna ako saglit sa kisame.
Wondering what will happen on this day at ano ang kaya magandang gawin.
Natanto kong... pangalawang araw ko na pala rito.
Hmm... hindi na rin masama dahil naaaliw ako sa lugar na 'to. Mas lalo pa akong nasasabik sa isiping may dagat sa tapat ng mansyong 'to. At anytime, pwede kong puntahan hanggang pagsawaan.
Napabuntonghininga ako ng malalim nang wala sa sariling kusang lumipad ang palad ko—dagling sumapo papunta sa labi ko.
Para bang unti-unting umangat ang puso ko at dagling bumaon para lalong maramdaman ang dagling pagkalabog nito.
I know... I know.
We kissed.
And now, it's weird.
Tila'y may saglit na paru-parong nagtipon sa tiyan ko sa lalong paglalalim ng pag-iisip ko.
Huminga ako ng malalim. Saglit kong iginulo ang aking buhok at parang baliw na naiiling, na para bang sa paraang iyon ay mabubura 'yon habang patuloy na naiiwaksi ko sa isipan ko ang kagabing hindi inaasahang pangyayari. Masyadong madami... at masyado rin mabilis.
And thinking about Darcy claiming my lips last night makes me want to die—or pass out even for a moment, because I'm not ready to face him this morning!
Sanay na ako sa kalandian niya, pero hindi ko lubos na akalain na hahantong siya na halikan ako!
My cheeks fucking reddened again!
Hindi ko pa man nasisilayan ang kasinagan ng haring araw ay para bang tinutusta na ako rito dahil sa dagling pag-iinit agad ng mukha ko na kumalat sa buong katawan ko.
Nanlulumong—marahas ako bumuga ng hangin. Hindi pa nga ako gumagalaw ay parang hahapuin na yata ako kapag naiisip ko ang mukha niya... at ang bawat galaw, lapat ng labi, bawat kagat, at lalo na ang mapanuksong dila niya—ay talaga namang—!
Parang ramdam ko pa rin...
Pa'no na...?
Hindi ko yata alam ang gagawin ko sa oras na magkasalubong kaming dalawa! Hindi ko alam kung ano ang iaakto ko kapag nagkaharap kami. Hindi ko rin alam kung ano ang aking sasabihin. At lalong hindi ko rin alam kung kaya ko pa bang lumabas sa kwartong 'to.
Mabuti na lamang ay magkabukod kami ngayon at isiping malaki ang mansyon ay labis na nagpatanggal ng panlulumo't, ilang, at kabang nararamdaman sa'kin!
Siguro naman, paglabas ko pa lang, hindi ko agad siya makikita? Ano kaya ang ginagawa niya? Umalis kaya siya? Gising na kaya siya? Sana tulog pa...
Parang hindi ko rin yata kakayanin kung sakaling maghahati din kami ng kama katulad nung magising ako kahapon sa kwarto niya. Lalo na't may wisyo pa naman ako, mabuti ay hindi talaga siya ang katabi ko.
BINABASA MO ANG
Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)
General FictionTIS #2 TRIGGER WARNING : Obsessive-Compulsive. Psychotic Thriller. Have you ever experienced incarceration? Or being tied up? Tumakas ako. Itinakas niya ako. Lumayo ako. Inilayo niya ako. Umalis ako. Sinamahan niya ako. Gusto niya ako. Mahal niya...