PHASE 08

29 7 0
                                    


The next day was a normal day. Like, usual.

Medyo wala kaming ganap ngayong linggo dahil simula noong matapos ako sa midterms ko sa loob ng dalawang araw, ay naging busy naman ang dalawang kaibigan ko sa paparating na midterms nila. Sa totoo lang ay panghuling araw na nila 'yon ngayon, mas nauna lang ako natapos dahil mas nauna kami ng araw nagsimula. But, aside from the fact that we have a different schedule, I'm not sure if Mickey has anything else to say about what we'll be doing this week.

Mabuti na rin 'yon dahil kahit papano ay makakapagpahinga naman kami, pati na rin ang mga bituka namin ngayong linggo para sa alak. At para naman hindi 'din makapag-isip ng kung ano ang magulang ko sa dalas na pag-alis ko sa bahay dahil sa mga nagiging lakad ko.

And since the last incident they witnessed... my friends and I haven't properly discussed the issue. They still don't understand because I haven't told them until now. Hindi na rin naman sila nangulit muli dahil ayaw ko nga munang pag-usapan pa iyon. Siguro, saka ko na lamang isasalaysay kapag malakas na ang loob ko at wala na lamang sa akin 'yon.

Like I said, it was a normal morning day.

That's what I thought...

I was wrong...

Hindi ko rin alam na dadating ako sa ganitong punto.

Na para bang sa kalagitnaan ng maaliwalas na kalangitan, ay biglang kang kikidlatan para magimbal ang araw mo sa inaakala mong maayos at normal na panahon.

At hindi ko rin inaasahan na ang palagi kong inaalala't, iniingat-ingatan, at iniisip ay darating at darating talaga ang pinaka kinakatakutan ko. Na inakala kong malabong mangyayari.

It feels like echoing. Para bang kahit anong gawin nilang bulong ay nahahagip at nahahagip ng pandinig ko habang binabaybay ko ang daan sa loob ng eskwelahan, walang kamalay-malay, habang nanunusok ang lahat ng kanilang tingin sa akin—ako'y nalilito.

It's as if I'm just an outcast to a lot of people, and I'll suddenly become a star.

Like, they were amused, mocked, and disgusted.

That was the only thing that washed over their faces as they looked at me. Like, everyone is full of shit and a fucking asshole.


"Hindi ba siya 'yung nasa scandal?"

"Fucking slut!"

"So, siya talaga yung girl sa Business Department na nakahalikan ni David mula sa Engineering Department?"

"Really? Si David Alvarez? Yung basketball player? So, totoo pala talaga 'yon?"

"Hindi ba't may girlfriend si David? Nakita ko sa post na may nag-tweet na ibang babae na nahuli yung boyfriend na nambababae. And she's pertaining to a star player, and then boom, she dropped his name. I didn't know na taken pala si David at may long-time girlfriend! Ano yung isa? Kabit?"

"Ewan. Baka siya nga yung kabit. Balita ko rin kasi pinagpustahan lang rin yata siya for only ten thousand pesos para lang sa halik no'n."

"Paano mo nalaman?"

"Edi nakita ko sa comment section! Ang daming issue, 'te! Basahin mo, hinay-hinay lang at baka malito ka!"

"Mukhang need ko ng popcorn, ah? Ang daming issue!"

"Pwe! Ang cheap naman! Tang ina! Hindi ba't kaibigan 'yan nung Mickey mula sa Tourism?"

"Ah, yung mukhang malandi? Now I know! Kaya naman pala, hindi na 'ko magtataka. Nasa loob ang kulo."

Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon