Malimig ang sumalubong pagkapasok pa lamang namin sa loob. We are greeted by the guard and welcomed us with a smile. Na kahit may kalaliman na ang gabi ay para bang hindi sila pagod at nanatiling may mga ngiti pa rin sa kanilang mga labi.
Yun nga lang, sa tuwing napaparaan kami ay may ilan agad napapatingin sa'min, at alam ko kung saan mas bumabagsak ang paningin ng iba kun'di... sa tabi ko pa talaga.
I knew it. This man is really the center of attention. The kind that will catch your eye and make it hard for you to avoid looking at him anymore.
Napabuntonghininga ako nang malalim at mas binagalan ang aking hakbang nang 'di niya namamalayan, habang dire-diretso siyang dumireksyon papunta sa counter.
He's still shirtless, pero napapatungan ng kanyang black leather jacket ang kanyang pang-itaas. Mas halata pa rin ang kahubdan at abs ng kanyang katawan habang siya ay naglalakad. Hindi ko alam kung may damit pa ba siya at hindi nag-abala pang magsuot ng shirt mula kanina. Sa tangkad niyang iyan ay kapansin-pansin, may pagkakataon rin na may ilang crews, servers na ilang babaeng napapahagip nang tingin dahil sa kanya. At kahit ang mga umoorder at kumakain, hindi pa nakatakas sa paningin ko na may isang nabangga pa mula sa pagkatulala at muntik pang madulas habang may nagma-mop dahil sa makalaglag pangang lalaki nitong kasabay ko.
"Hindi mo naman kailangan pang ilibre ako. May pera naman ako." ani ko nang maunahan niya ako magbayad.
Napalunok ako ng malalim. Baka sakali magbago pa ang isip niya. Dahil nakakahiya na talaga sa kanya!
"I know."
"Sana ako na lang nagbayad." I bit my lips.
Masyado maraming naorder niya at lahat ng iyon ay gustung-gusto ko talaga. Halos malanghap ko pa ang amoy ng pagkain na lalong kinasakit ng sikmura ko senyales na gutom na talaga ako. Hindi ko na lang pinahalata sa kanya at lalo lamang ako mahihiya.
"It's okay. Told you. I'd make it up to you..."
"T-Thank you..." that's all I can say.
Dahil naging abala na ang utak ko sa pagkain na kakainin namin ngayon. Gutom na talaga ko!
"You're welcome." he smiled. "Wag kang mag-alala, wala akong balak na singilin ka. At lalong hindi ko rin tatanggapin, sakaling magbayad ka. Gusto lang talaga kitang ilibre. Mabait naman ako, e."
Pinigilan kong mangiwi sa madalas na litanya niya sa akin sa tuwing mag-aalinlangan ako.
"T'saka pambawi na rin dahil hindi ko man lang naisip na baka nagugutom ka at diniretso kaagad kita sa bar kanina." paliwanag pa niya. "Sorry for not asking, really,"
Hindi naman niya kailangan sabihin 'to. Kasalanan ko rin naman kasi. Hindi naman magkadugtong ang bituka naming dalawa para makonsensya siya't dapat pinakain niya ko kanina.
"Thank you, I guess," I said.
And then I sighed and gave him a small smile.
Medyo nahihiya pero dahil malakas talaga ang trip niya ay hindi na ako makaatungal pa. Kasi ba naman, ano ba namang klaseng tao siya na bigla siyang mag-aayang tumaas kami para lang puntahan ang playground mismo dito sa loob ng Jollibee?
Seriously? Is he for real?
Dito pa niya na-trip-an na kumain sa loob. Akala ko kakainin na lang namin ang inorder namin sa labas dahil nagpa-take out siya... hindi ko naman inaasahang ganito ang dahilan niya.
Medyo nahihiya rin ako sa kanya na bukod sa pahatid na nga niya ako, nilibre pa niya talaga ako!
"So are you gonna stay quiet, hm?" basag niya sa katahimikan.
BINABASA MO ANG
Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)
Fiction généraleTIS #2 TRIGGER WARNING : Obsessive-Compulsive. Psychotic Thriller. Have you ever experienced incarceration? Or being tied up? Tumakas ako. Itinakas niya ako. Lumayo ako. Inilayo niya ako. Umalis ako. Sinamahan niya ako. Gusto niya ako. Mahal niya...