PHASE 04

20 7 0
                                    


I was busy typing on my laptop and doing my research.

Dalawang araw nang nakalipas at busy ako kaya hindi na kami masyadong nagkikitaan ng mga kaibigan 'ko. Halos nabakante rin ang gimik namin sa gabi sa dami nang naging abalahin namin ngayong linggo. At magmula kaninang alas sinco y media pa lamang ay nasa bahay na agad ako. Hindi na nga kami nagkita nila Becca at Mickey sa hapon dahil magkakaiba ang schedule naming tatlo. Kaya hanggang ngayong alas sais ng gabi, mula nang makauwi ako, abala pa rin ako sa aking ginagawa.

I can also smell the food that Mama is cooking for our dinner later—bukas kasi ang pinto ng kwarto ko kaya pumapasok ang amoy ng nilulutong niyang ulam dito. While si Papa naman, nasa Maynila dahil sa kanyang trabaho.

House wife kasi si Mama, halos si Papa lang ang kumakayod sa amin. Well, maganda naman din ang trabaho niya, sapat na yung natutustos niya sa aming Pamilya. Hindi naman kami sobrang yaman, may kaya lang at kahit papaano ay nagawa pa rin akong papasukan ng magulang ko sa private school mula Elementary hanggang High School, kahit na nitong nagka-College na ako.

Though, today is Friday, nakatambak ang mga modules at bukas ang laptop at iPad ko para gumawa ng reviewers sa darating na midterms next week.

Halos maghati-hati ang utak ko sa gagawin at nagawa 'kong pagsabayin. Katulad ng madalas kong ginagawa kapag alam kong magagahol ako sa oras. Hindi ko na lang maiwasang maloka sa tambak na reviewers na iniwan sa amin ng Prof na kailangan naming aralin! Isama na rin ang mga Minors na mas malala pa yata sa Major kung magpapasa ng mga requirements. Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nang biglang mag pop-up sa messenger ko ang nickname ng isang bruhilda.

Nang tingnan ko iyon;


Mickey Mouse:

sis, r u G?


Hindi ko muna pinansin iyon at nagpatuloy lang muna ako sa pagsusulat bago matapos. Siniguro kong na-list 'ko ang lahat ng mga keywords para mapadali ako sa pagsasaulo at kaunting definition para maunawaan 'ko. Hindi ko pa man nababasa ang message sakin ni Mickey ay nadinig ko ulit ang pagtunog ng messenger ko at tiningnan ulit 'yon.


Mickey Mouse:

ano 'te, seen?

reply, ASAP!


Bumuntonghininga ako ng malalim at nilapag ang ballpen 'ko sabay kuha ng phone 'ko at sumandal sa aking upuan.


Ako:

Slr. Gumagawa lang akong reviewer. Ano ba 'yon?


I replied. Pagka sent ko, agad ko naman nakita ang pag seen niya, kaya tatlong tuldok pa lang ay gumagalaw na. Alam kong nagtitipa na agad siya.


Mickey Mouse:

naks! sipag-sipagan! malayo pa naman ang midterms!

sis, sat na bukas. tara sama ka


Napakunot ako. Nagtipa ulit ako.


Ako:

saan naman?


Yea, Saturday na nga bukas. Ang pinakamagandang araw para sa'ming tatlo nila Mickey. Meaning, wala kaming pasok! Kaya nga hapon pa lang, nang matapos ang last period namin, nagdesisyon na agad akong kanina gumawa ng reviewer dahil alam kong weekends na. Magyayaya na naman ang mga itong mag-inom!

Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon