His voice was soft, kind, and gentle. Para bang bukod sa mga mata niya, matatangay niya na naman ako pati sa banayad na boses niya.
"Pero Darcy... k-kailangan ko munang umuwi—"
"Are you serious? Itatanan kita, tapos gusto mong umuwi—"
Sa pagkatigagal 'ko, ako naman ngayon ang pumutol sa kanya.
"Tanan agad!?" sa malalim na pagsinghap ay napatigagal ako.
"Ano ba sa tingin mo? Hindi ba't... tanan na ang nangyayari dito? Inilayo kita, sumama ka, at inuwi kita rito sa bahay 'ko. Ang kaibahan lang ngayon... mas mailalayo kita rito." it's like he's justifying himself more and feel like para ako pa 'yong magmukhang mali mag-isip at magdesisyon sa aming dalawa.
And I can't believe he's saying that to me right now!
At kahit minsan, ni hindi sumagi sa isip ko na tanan na pala ang nangyayaring ito! Hindi naman ako na-informed!
"Malayo? A-Anong..." nalilito sa kanya.
Oo nga't tama naman siya, na kusa talaga akong sumama sa kanya. Pero 'di 'ko naman inaasahan na aabot sa ganito ang pag-iisip niya. Pero wala talaga sa plano 'ko ang lalong magpakatagal at magpakalayo kung tama man ang naiisip kong suhestiyon niya! Kaya hindi 'ko din magagawang sumang-ayon sa gusto niyang mangyari.
"Malayong-malayo."
Umiling ako. "H-Hindi ko kailangan magpakalayo... Sumama lang ako sa'yo, pero pansamantala lang 'to. Hindi ako magtatagal..." nakita ko ang unti-unting pagbabago ng ekspresyon niya.
Napalunok ako. Mahigpit pa rin akong umiiling, hindi pa rin kumbinsido at walang balak na magpakumbinsi.
"Hindi ako pwede lalong magtagal. Uuwi ako, Darcy. Hindi pwede 'yang gusto mo. Marami akong naiwan. Marami pa akong kailangang balikan. Marami pa akong kailangan gawin. Lalo na't nag-aaral pa 'ko..."
"Then I will help you." he said it with finality, as if he didn't want us to argue and prolong the conversation.
Kasi ang gusto niya, pumayag lang ako agad.
"Darcy..." napapagod kong suway sa kanya.
Naguguluhan na ako sa kanya. Paano ang pamilya ko? Ang mga kaibigan ko? At lahat ng mga taong malapit sa'kin kung iiwan 'ko? Pati pag-aaral 'ko? Paano 'yun kung pati lahat ng buhay ko ay iiwan ko rito? Hindi niya ba man lang naisip ang magiging sitwasyon ko sakaling sumama ako sa kanya?
Hindi naman sa sinasabi ko rin na... baka mapasama ang kalagayan ko sa kamay niya. Hindi 'yon ang mas nangingibabaw sa isip ko, hindi, kun'di ang mga importanteng taong tatakasan ko at tuluyang iiwan 'ko. Lalo na ang sarili 'ko... at hindi pa ako handa. And I'm not too naïve to realize that his age gap is bigger than mine.
"Kung uuwi ka... paano naman ako?"
I stunned. Hindi agad ako nakapagsalita. There's a sadness that reached Darcy's eyes, but he tries to disguise it.
Malalim akong napalunok. Mukhang hindi 'ko napaghandaan at napag-isipan ng mabuti ang sinabi niya. Kahit ako, napatanong 'din sa sarili.
Paano nga naman ba siya?
Paano rin ako?
Paanong kaming dalawa?
Kahit ako, hindi ko rin alam...
Lumunok muna ako ng malalim at bumuntonghininga, bago siya seryosong sinalubong ng tingin.
"K-Kung 'yun ang pinag-aalala mo—"
BINABASA MO ANG
Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)
Aktuelle LiteraturTIS #2 TRIGGER WARNING : Obsessive-Compulsive. Psychotic Thriller. Have you ever experienced incarceration? Or being tied up? Tumakas ako. Itinakas niya ako. Lumayo ako. Inilayo niya ako. Umalis ako. Sinamahan niya ako. Gusto niya ako. Mahal niya...