Justine Mae's POV
After kong magbihis ng pang-alis ay lumabas na ako ng kwarto, wala sila papa ngayon dahil business meeting sa iba pa namin business.
"Magandang umaga po ma'am este Justine. Saan pala ang punta nyo at bihis na bihis ka iha?" Bungad na tanong sa akin ni manong Oscar pagkapunta ko sa kusina para uminom ng tubig at kumuha ng sandwich.
"Magandang umaga rin po manong. Pupunta po ako sa Grayson University para makapag-enroll at entrance exam, alam nyo naman po college na." Kibit balikat kong tugon at kumain.
"Hatid na kita iha, kaysa naman na mamasahe ka pa." Alok nya.
Ngumiti lang akong maliit at tumango. "Oo nga po hehe."
"Sige iha at aayusin ko saglit ang sasakyan para makaalis na tayo." Paalam nya. Tumango lamang ako bilang tugon.
Pagkatapos kong kumain ay tumungo na ako sa garahe at nandoon na si manong na kakatapos ayusin ang sasakyan. "Manong tara na po, baka ma-late pa ako sa entrance exam."
Pinagbuksan nya ako ng pinto kaya nagpasalamat ako. Habang sa biyahe ay nakaramdam ako ng kaba at sabik na makita ang school na iyon. It's been 2 years, ano na kaya itsura ng Grayson University?
Hanggang sa pagdating namin sa harap ng school ay mas lumala ang kabang nararamdaman ko. Take a deep breath. Inhale... Exhale...
"Salamat manong."
"Ingat ka iha at galingan mo." Tumango na lamang ako at lumabas ng sasakyan.
Marami rin'g estudyante dito dahil sa mag e-eroll din sila gaya ko. Sana naman maging maayos ang araw ko ngayon. Cross finger.
"Come back is real!" May kalakasan kong sabi sa sarili.
Napabuntong hininga muna ako at tumuloy pumasok sa college campus. Napapatingin ako sa paligid at malaki ang pinagbago. Mas umaliwalas ang campus kaya mas marami ang pumapasok dito.
Culinary ang kinuha kong course para ako ang magmanage ng business ng family namin na sila papa ngayon ang namamahala doon. Tsaka mahilig akong mag-bake.
Pumunta ako sa enrollment area at ginawa ang business doon. Matapos akong makapag-enroll ay pumunta na kami sa isang room kung saan kukuha kami ng entrance exam kung anong course ang kinuha mo, culinary ang kinuha kong course kaya sa room ng department na iyon kami mag-e-exam. May iba't-ibang room na iba't-ibang din na course ang kinuha.
Matapos kong mag-take ng exam ay lumabas na ako. Nagutom bigla ako. Habang hinahanap ang cafeteria ay biglang dumilim ang paningin ko pero literal talaga dumilim haha.
"Sino po ito?"
"Hulaan mo." Malalim na boses nyang sabi.
Pero wait! May kaboses sya... Joshua?! Napangiti ako.
"Bakla ikaw ba 'yan?!" Tuwang-tuwa kong tanong.
Natanggal bigla ang kamay na nakatakip sa mata ko. Napatili ako sa gulat ng mapunta sya sa harapan ko.
"Tadaa!" Sigaw nya.
Grabe! Mas gumwapo si bakla! Lalaking lalaki ang bihis tapos ang ayos tingnan ang buhok nya.
Dahil sa tuwa na makita sya muli ay napayakap ako sa kanya nang mahigpit. "Kyaahhhh! Ikaw nga Joshua! Na-miss kita grabe!" Ang bango talaga ni bakla.
Niyakap nya rin ako. "Na-miss din kita, chararat."
I miss that endearment from him.
"Mas na-miss kita, badaf."
YOU ARE READING
Book 2: I Love You Sir! 👑
RomanceBook 2 of Be Mine Sir! "Come back is real!" Iyan ang nasabi ni Justine sa sarili na pagtungtong nya ng kolehiyo sa Grayson University na minsan syang nag-aral ngunit sa pagbabalik nya ay marami ng nagbago. *** Struggles is real! Someone is waiting...