Liam James POV
Nakangiti at maaliwalas ang mukha ko habang nakatingin sa kanya malapit sa kanila. She's even more beautiful and become a lady.
But biglang nag-iba ang ekspresyon ko nang may lalaking umakbay sa mahal ko. Tss.
Hindi pamilyar sa akin ang mukha ng lapastangan na lalaking umaaligid sa mahal ko, I want to cut his arms immediately kung pwede lang.
*Phone rings*
Grace Calling...
Isa rin toh, tsk!
I answer the call...
"What?" Walang gana kong bungad.
"Love naman... Wala ba'ng hello man lang, huh?"
"Anong kailangan mo at napatawag ka? Money?" Ngising tanong ko.
"A-ano parang ganun na nga, k-kasi ipapasyal ko si Althea."
"Fine." I turned off the call before she could speak.
Alam ko kung saan nya iwawaldas ang pera ko, hindi kay Althea but I need more evidence.
Kapag napatunayan ko na hindi ko talaga anak si Althea ay umalis na sya sa buhay ko. I secretly investigate that matter, nagpakuha na ako ng DNA test para malaman agad ang katotohanan dahil imposibleng maging anak ko si Althea. Never ko ginalaw si Grace kailan man dahil may respeto ako sa babae.
Napamahal na sa akin ang bata kaya kapag lumabas na ang resulta ay kukunin ko sya mula sa nanay nya na lagi itong sinasaktan ng physical at mayroon akong ebidensya tungkol d'yan.
"Hahahaha kinakawawa mo naman ang kapatid mo hahaha." Tumatawa na saad ni Justine.
I automatically smiled. Nakakatuwa ang tawa nya ngunit bigla ako nalungkot dahil hindi ako ang dahilan ng pagtawa nya ngayon.
Sino ba ang lalaking iyan? Tss, ang lakas makadikit sa mahal ko.
I glare him kahit hindi nila ako nakikita.
Justine Mae's POV
"I felt chilling right now." Giniginaw na saad bigla ni Trevor.
Nasa lilim kami ng puno, mula sa pwesto namin ay tanaw na tanaw namin ang mga estudyanteng napaparito at paroon.
Nilingon ko sya na nakakunot ang noo. Ang init init kaya.
"Pinagsasabi mo. Ang init init ng panahon tapos sasabihin mo giniginaw ka."
"Ewan, pero parang may nakatingin sa atin kanina pa." Kibit balikat nyang sambit na lumingon lingon sa paligid.
Napalingon na rin ako baka sakaling mahanap ko kung sino ang tinutukoy ni Trevor. Napasinghap ako ng mahina ng mahanap kung sino iyon.
S-si... Liam?!
Nang magtagpo ang aming mga paningin ay biglang umaliwalas ang kaninang madilim nitong mukha. Ngumiti ito sa akin ng pagkatamis-tamis. I blushed.
Napaiwas ako ng tingin at harap na lamang tumingin muli. My goodness ang puso ko na naman, ang rupok grabe!
"Bakit ka namumula d'yan, Justine?" Nag-aalala na tinig ni Trevor. Hindi ako makatingin sa kanya kaya dali-dali akong tumayo at kumaripas ng takbo nang hindi ko sya nililingon kahit na tinatawag ako nito.
1 hour ang vacant namin kaya doon na lamang ako sa dati kong tambayan noong highschool pa lang ako dito sa college campus.
I have memories na kasama ko si Liam dito. Napangiti na lamang ako noong binigyan nya ako ng paborito ko dahil nagsisimula na ako mag-move on noon pero natigil rin dahil sa nakita kong pag-asa pero ngayon... Aish! Kainis.
YOU ARE READING
Book 2: I Love You Sir! 👑
RomanceBook 2 of Be Mine Sir! "Come back is real!" Iyan ang nasabi ni Justine sa sarili na pagtungtong nya ng kolehiyo sa Grayson University na minsan syang nag-aral ngunit sa pagbabalik nya ay marami ng nagbago. *** Struggles is real! Someone is waiting...