Jazrel Mikaela's POV (Justine Mae)
"Welcome to Philippines to all of you! We're here now and enjoy!"
Nagising ako bigla dahil doon. Nandito na pala kami. I miss my country. By the way, after three days ang kasal ng kaibigan ni Kel. Kaya May tatlong araw pa na maglibot-libot hehe. Tsaka ganun din na hindi lamang kasal ang pupuntahan namin dito dahil may pupuntahan din kaming party, which is 35th anniversary ng Grayson's company na syang family company ni Kel.
Napakusot ako ng mata. Nakatulog pala ako sa balikat ni Kel na nakatingin na sa akin habang nakangiti.
"Sorry, napasarap ang tulog ko. Nangalay ka ba?" Nag-aalala kong sambit.
Umiling lamang sya at natawa. "It's okay. Ayaw kitang gisingin sa himbing ng pagkakatulog mo and don't worry about. Let's go para makakain tayo ng almusal."
Dahil sa sinabi nya ay napalingon ako sa bintana. Tama ang sinabi nya, umaga na pala dito sa Pilipinas. Sa bagay iba iba ang oras sa bawat bansa.
Napatakip ako ng bibig at napahikab. Inaantok pa rin ako eh. "Okay." Tanging tugon ko. Narinig ko naman na napatawa sya.
"Don't worry, after natin kumain matulog ka na muna sa hotel na pinareserve bago tayo umuwi."
Ay handa yarn?
"Mabuti pa nga. Ilang room ang pinareserve mo, huh?" Taas kilay ko tanong.
Napanguso sya at tila nalulungkot. "Dalawa po." Parang bata nyang sabi.
"Oh anong problema doon at ganyan ang itsura mo? Haha." Natatawa kong tanong.
Mas lalong humaba ang nguso nya. "Gusto ko kasing tabi tayong matulog eh."
Pinitik ko ang noo. Siraulo eh! "Haist! Magtigil ka nga!"
Napailing na lamang sya habang sapo sapo ang noo na pinitik ko.
Pagkakababa namin ay sumalubong sa akin ang malamig na hangin galing sa aircon ng airport at maingay na paligid dahil sa dami ng tao dito.
Pagkatapos ng maraming achuchu ay sa wakas nakalabas na rin kami. Nagugutom na rin kasi ako. Sumakay kami ng taxi at tumungo sa malapit na restaurant dito pero sikat iyon.
"Woah!" Tanging sambit ko nang makapasok kami sa nasabing restaurant ang 'foodstery', kakaiba ang pangalan kaya mukhang kakaiba rin ang mga pagkain nila dito.
Iba-iba ang mga pagkain dito. Mula appetizer hanggang dessert meron pero kakaiba lang yung ayos nito. Mukha rin itong buffet restaurant pero may waiter hindi katulad ng iba na 'do it on your own' ang peg. Sosyalin! May wine at champagne pa!
I suddenly craving a ramen and matcha milk tea that somehow of that kind of flavor is familiar with it.
Typical gentleman si Kel, inalalayan nya pa kasi ako sa pag-upo kahit kaya ko naman mag-isa.
"Thank you." Nakangiti kong pasasalamat. Ngumiti lamang sya ng matamis at hinalikan ang likod ng kanang kamay ko.
"You're welcome, honey..." Sabay taas nya ng kamay at lumapit ang isang babaeng waiter sa amin tsaka inabutan kami ng menu na hawak nito.
Tinignan ko ang menu. Biglang nagniningning ang mga mata ko nang makita ang hinahanap ko. Ramen at Matcha milk tea.
"What do you want, honey?"
"I want Ramen and Match milk tea, honey please?" Malawak na ngiti kong request. Nakita ko na sandali syang natigilan ngunit ngumiti lamang ito.
"O-okay, honey." Tsaka sya bumaling sya ng tingin doon sa babae na parang nag-papacute.
Tsk!
"Ano po 'yun, sir?" May halong malandi nitong tanong, may pagkagat labi pa syang nalalaman at nagpapapungay ng mga mata. The heck!
Trabaho ba ang ginagawa nya? O harot lang?
Tinignan ko ang reaksyon ni Kel na ngayon ay nakangiwi ito.
"Miss, isulat mo ang sinabi ng GIRLFRIEND ko bago pa kita ipasesante sa trabaho mo, tsk!" Sabay irap nito sa babae na namumula na ang mukha. Mukhang napahiya ito kaya dali dali nitong sinulat ang sinabi ko at ang order ni Kel.
Yumuko ng kaunti ito na bakas pa rin ang pagkapahiya dahil na rin sa mga may ilang customer na napatingin sa pwesto namin. "Y-your order will coming u-up. S-sorry po." Nauutal nitong paumanhin at dali-dali itong umalis.
Napabuntong hininga na lamang ako. Napatingin ako kay Kel nang bigla nyang hawakan ang kamay ko at ngumiti sya sa akin.
"I'm sorry about that, honey."
Umiling lamang ako at ngumiti rin pabalik. "No, it's okay."
Naiintindihan ko naman pero naaawa rin ako doon sa babae baka nga mawalan sya ng trabaho pero leksyon na rin sa kanya iyon dahil mas inuuna nya pa ang ganung bagay kay ang magtrabaho.
Maya-maya ay dumating ang inorder namin. Nagsimula na rin kaming kumain.
Ahh... Ang sarap talaga ng ramen tapos samahan pa ng matcha milk tea ahihihi. Hindi ko muna tinignan ang kaharap ko kahit ramdam ko ang titig nito. Bahala sya d'yan!
Pagkalabas namin ng restaurant ay wala sarili na napahawak ako sa tiyan na busog na busog at napadighay, gosh! Narinig ko ang mumunting tawa ng katabi ko kaya tinignan ko sya na nakakunot ang noo.
"You ate so well earlier that you hardly looked at me." He smirked with his soft laugh.
Napanguso ako. "Eh sa gutom ako... Tsaka masarap naman talaga yung pagkain nila kaya heto solve na solve na ako hehe. Baka nga tumaba ako pagnagkataon."
Inakbayan nya lamang ako at hinalikan sa sintido ko. "Okay lang na tumaba ka haha, ang cute ko kaya pagganun ang itsura mo."
Inirapan ko lamang sya at proud na ngumiti. "Che! Alam ko naman 'yun kaya huwag mo na ipaglandakan pa."
"Hangin..." Hindi ko rinig na bulong nito.
"May sinasabi ka, huh?" Taas kilay kong tanong ngunit umiling lamang.
"Wala... Ang sabi ko tayo na sa hotel na pina-reserve ko."
"Whatever... Pero ilan ba ang pina-reserve mo?"
Umakto pa syang nag-iisip at ngumiti ng nakakaloko. "Isa?..." Hahampasin ko sana sya sa balikat nang itaas nya ang kaliwa nyang kamay kaya nabitawan nya ang maleta. "Kidding, honey. Syempre dalawa. Hindi naman mabiro eh."
"Raulo." Tanging sambit ko. Tinanggal ko ang pagkakaakbay nito sa akin at nauna na maglakad para makahanap ng taxi.
"Sorry na po, honey! Hey! Wait for me!" Sumisigaw nyang sabi at alam kong sumunod ito sa akin ngunit hindi ko ito pinansin at nagpara na lamang ako ng taxi nang makakita na bakante.
To be continued...
04/03/2023
© 2023 SweetQueen_24
YOU ARE READING
Book 2: I Love You Sir! 👑
RomanceBook 2 of Be Mine Sir! "Come back is real!" Iyan ang nasabi ni Justine sa sarili na pagtungtong nya ng kolehiyo sa Grayson University na minsan syang nag-aral ngunit sa pagbabalik nya ay marami ng nagbago. *** Struggles is real! Someone is waiting...