Justine Mae's POV
Habang nasa kalagitnaan ng paglilinis ng condo ko. Nang may nag-doorbell. Napatigil ako sa pagwawalis ng sahig at agad tumungo sa pinto para pagbuksan ng kung sino man. Wala naman akong inaasahan na bisita ngayon.
Nag-doorbell muli ito. "Nand'yan na! Teka!" Sigaw ko.
Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Darell na nakangiti.
"Anong—"
Hindi ko natatapos ang sasabihin ko ng yakapin nya ako nang mahigpit. Naramdaman ko isinubsob nya ang mukha nya sa balikat ko.
"Na-miss kita ng sobra, Mae!" Tuwang-tuwa nyang sabi.
Mas humigpit ang yakap nya sa akin na tila ayaw nya akong pakawalan pa. Grabe naman ang lalaking toh haha. Still the same.
Mga ilang minuto bago sya kumalas sa pagkakayakap sa akin at tinignan nya ako nang nakangiti ng malawak.
Napangiti na lamang ako ng maliit. "Uh, pasok ka muna hehe." Aya ko. Niluwagan ko ang pinto para makapasok sya nang tuluyan.
Pina-upo ko muna sya sa couch sa sala. Napansin ko na tinitingnan nya ang buong condo ko at ngumiti. "Kumain ka na ba?" Habang dinadakot ang dumi at inayos ang mga ginamit kong panlinis.
Tanghali na kaya kailangan ko nang magluto. He unexpected visitor. Pero paano nya nalaman na nandito ako sa condo?
Nilingon ko sya na nakapout na at hinihimas ang tiyan nya. "Hindi pa nga eh."
Ngumisi ako ng nakakaasar. "Ayan kasi, excited pa haha."
Mas lalong humaba ang nguso nya. "Mae naman eh!" Maktol nya na parang bata.
Natawa na lamang at umiling iling. "Hahaha. Magluluto muna ako ng pananghalian natin." Nakangiti kong saad at tumungo sa kusina.
Narinig ko ang nga yapak nya na alam konh sumunod sya. "Doon ka muna sa sala at magluluto ako ng pananghalian natin." Sabi ng hindi man lang tumitingin sa kanya.
"Tulungan na kita para mapabilis." Alok nya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan sa magkabilang balikat sa likuran.
"Hindi pwede at bisita kita dito kaya dapat ako ang magluluto tsaka saglit lang ito." Tinulak tulak ko pa sya pabalik sa sala.
"Pero-"
"Walang pero, pero. Doon ka na sa sala, please?" Agaran kong pakiusap. Ang kulit eh.
Narinig ko na bumuntong hininga sya at napakamot sa ulo. "Fine... Pero kapag may kailangan ka, tawagin mo lang ako." Pagsuko nya at nakataas sa ere ang dalawang kamay.
Tumawa lang ako ng tagumpay. Napapailing lamang sya sa kabaliwan ko at pumunta na sala.
Pagkapasok nya sa sala ay agad akong pumunta sa ref at naghanap ng sangkap sa lulutuin kong sinigang na baboy. Crave ko ang sinigang ngayon kaya walang basagan ng trip. Nagsaing muna ako bago ko sisimulan ang ulam na lutuin.
After kong isalang sa rice cooker ay next step naman ang ulam.
Sinimulan kong hugasan ang mga sangkap hiwain ito. Pinakuluan ko muna ang baboy para lumambot ito. Nang okay na ang baboy ay nilagay ko na ang gulay at pampaasim.
Habang hinihintay na maluto ay nagtimpla naman ako ng pineapple juice at dinalhan si Darell ng pineapple juice na nasa sala at alam kong nanonood ng tv.
Ngunit nagkamali pala na akala ko na nanonood ng tv si Darell ay bumungad sa akin ang nag ma-mop ng sahig at pawisan na ito.
"Darell." Tawag ko sa kanya.
YOU ARE READING
Book 2: I Love You Sir! 👑
RomanceBook 2 of Be Mine Sir! "Come back is real!" Iyan ang nasabi ni Justine sa sarili na pagtungtong nya ng kolehiyo sa Grayson University na minsan syang nag-aral ngunit sa pagbabalik nya ay marami ng nagbago. *** Struggles is real! Someone is waiting...