Justine Mae's POV
Four days na naka-confine sa hospital si Joshua at pinaghahanap na ng mga pulis yung kotse na bumunggo sa akin.
Nasa school ako ngayon dahil kailangan ko rin makahabol sa mga lessons. Nakakapagod pero kailangan dahil dito nakasalalay ang magiging grado ko this first semester.
Kasalukuyan akong nagbabasa nang maramdaman ko na nag-vibrate ang aking cellphone. Napatigil ako sa pagbabasa at kinuha sa bulsa ko ang cellphone.
New message from unknown number...
Napataas ang kilay ko sa aking nakita. Who is this? Wrong send maybe?
I open it at nagulantang ako dahil hindi wrong send this kundi threat sa hindi kilalang number.
Hi, maghanda ka na at sisiguraduhin ko na magsisisi ka na minahal mo SYA. Don't worry honey, hindi naman agad-agad. I just want to feel you miserable and regret.
Hindi ko alam pero kinabahan ako matapos kong mabasa ang text. Sino ba ito?!
Hindi b*b* para hindi malaman na si James ang tinutukoy nya na SYA dahil sya lang naman ang nag-iisang mahal ko.
Nataranta akong napatayo at inayos ang mga gamit ko na nasa mesa tsaka lumabas ng library. I need to tell this to him. Natatakot ako dahil first time ko na makakuha ng ganitong banta sa akin.
Lakad-takbo ako patungo sa dean office. Napapatingin at napapalingon sa akin ang mga nadadaanan ko pero wala akong pakielam dahil kailangan kong makapunta agad sa office ng dean.
"Excuse me." Sambit ko at umiiwas na may mabunggo.
"Justine, what's wrong?" Napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong at hawakan ni Trevor ang braso ko pero agad ko itong tinanggal.
"Nothing, may bibilhin lang ako. Sige, una na ako, bye." Nagmamadali kong palusot at umalis na hindi hinihintay ang sasabihin nya. Nice brain!
Buti na lang gumana ang utak ko haha.
Hinihingal akong nakarating sa harap ng dean office. Inayos ko muna ang aking itsura at kumatok ng tatlong beses.
"Come in." Malamig na boses ang narinig ko mula sa loob. Kaya binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin na si hubby ay tutok sa kanyang laptop at nakakunot pa ang noo.
"What do you need again, Grace?" Malamig nyang tanong.
Napataas ako ng kilay at humalikipkip sa harapan nya. "Grace? Is that your ex, right HUBBY?" I said in sarcastic way.
Tila natuod sya sa kanya kinauupuan at dahan-dahang syang napatingala sa akin. Namumutla ang kanyang mukha at napapalunok. Nakakatakot na ba ako sa paningin nya?
"W-wifey?" Nauutal nyang sambit.
Napatangu-tango ako at humalikipkip. "Yes, the one and only... Anyway, naparito ako para sabihin sa'yo na may nagtext sa akin na threat. Baka sakaling alam ko kung kaninong number ito?" Malamig kong sabi tsaka inilagay sa mesa nya ang cellphone ko.
Napanguso sya. "Halika muna dito, wifey please?" Malambing nyang aya.
Napataas ang kilay ko. Ang init ng ulo ko ngayong araw na 'to, feeling ko high na high ang emotion hormones ko.
"At bakit, James?"
Mas lalong humaba ang nguso nya. Ang cute nya pero huwag marupok, pagtripan ko muna haha.
"Call me Hubby not James, wifey ko... Basta halika muna dito, I want to recharge. Pagod na pagod ako ngayong araw." Malumanay nyang saad.
Biglang lumambot ang puso ko sa sinabi nya. Kawawa ang hubby ko. Ako na ang marupok pero sa kanya lang.
Lumapit ako sa kinauupuan nya, nakatayo lang ako sa harapan nya ngunit nagulat akong hilahin nya ako kaya na ayun nakaupo na ako sa hita nya. Pinulupot nya sa bewang ko ang makisig nyang mga braso at inilagay sa leeg ko ang mukha nya.
Nararamdaman ko ang hininga nya sa leeg ko at mga ilang buntong hininga. Pagod nga sya.
"Na-miss kita, wifey ko." Malambing nyang sabi.
"Na-miss rin kita, hubby ko." Malambing ko rin na tugon. Biglang pumasok sa isip ko yung talagang sadya ko rito.
"Hubby, tingnan mo yung number na nagtext sa akin." Sabi ko.
"Ah, oo nga pala." Dinampot nya mula sa mesa ang cellphone ko pero nakapulupot sa bewang ko ang kanang braso nya. Walang lock 'yun kaya malaya nya ito nabuksan.
"What the heck!" Biglang nyang sabi. Kaya napatayo ako at tinignan sya na may pagtataka. Madilim syang nakatingin sa cellphone ko.
"Bakit?"
Napatingin sya akin na biglang nagbago ang ekspresyon nya na lumambot ito pero sa mga mata nya ay may halong lungkot na agad ito napalitan ng saya. Pero bakit parang mali?
Tumikhim sya. "Nothing, wifey... Ako na ang bahala sa text na ito." Tumayo sya at niyakap nya ako.
"Kahit anong mangyari hinding hindi ka magsisisi na minahal mo ang isang tulad ko. Hindi ko hahayaan na maging miserable ang buhay mo dahil mahal na mahal kita, wifey ko." Dagdag nya tsaka hinalikan nya ang noo ko. Kahit naguguluhan ay niyakap ko sya pabalik at napangiti dahil sa sinabi nya.
Sana nga.
Umupo kami sa sofa na mahaba at nagulat na lang ako ng bigla syang humiga sa ibabaw ng hita ko.
"Iidlip muna ako, wifey." Nakapikit ang kanyang mga mata habang sinasabi iyon. I brushed his soft and smooth hair using my fingers.
"Paano yung next subject ko?"
"Tuturuan na lang kita basta dito ka na lang muna. I miss you so much, wifey. Ilang araw na hindi kita nakikita simula noong isang araw dahil sa tinapos ko na yung ibang trabaho ko sa kompanya kaya pagbigyan mo na ako, hmmm?" Mahina nyang sambit.
Napangiti ako. "Okay, nandito lang ako." Pero wala akong nakuhang tugon mula sa kanya. Ang bilis naman matulog ng hubby ko.
***
Nagising ako nang maramdaman ko na may humahaplos sa pisngi ko at nakatitig sa akin. Dahan-dahan akong dumilat at bumungad sa akin ang isang gwapo nilalang. Ang gwapo talaga ni hubby ahihihi.
"Good afternoon, wifey ko."
Napatingin ako sa aking sarili at nagtaka dahil nakahiga na ako tapos may kumot at unan akong gamit. Nilingon ko sya muli.
"Anong oras na?" Tanong ko.
"It's 4:30... Uwian na ng mga studyante at alam kong hindi ka pa nakain ng tanghalian kanina, wifey ko." Nag-alala nyang saad.
Ang haba pala na naitulong ko. Tama rin sya, hindi pa ako nakain ng tanghalian. Napahawak ako ng tiyan ng tumunog ito kasabay no'n ang mahinang tawa na mula kay hubby. Napanguso ako ng palihim. Ay bad si hubby.
"Let's go, wifey. Nagugutom na ang baby natin." Ngising sabi nya kaya namula ako sa sinabi nya.
"W-wala tayong baby, anacoda meron." Sabi ko. My goodness! Kailan kami nag anu eh hindi pa naman.
Napanguso sya. "Okay... Pero ako, baby mo ba ako, wifey?"
Ngumisi ako sa kanya. "Hindi." Kibit balikat kong tugon.
Napakunot sya ng noo. "Sino pala 'yan?" Malamig nyang tanong pero may halong pagtatampo at humalikipkip.
Napahalakhak ako. Nagseselos ang hubby ko haha. Wala naman talaga akong baby eh.
"Hindi kita baby... Dahil asawa kita err hindi pala... Future asawa pa lang HAHAHA." Bawi ko at kumindat sa kanya.
Nakita ko na namula sya kaya mas lalo akong humalakhak ng malakas. Kinikilig ang hubby ko.
"Si hubby kinikilig HAHAHAHA." Pang-aasar ko.
"Wifey naman eh!" Iwas nyang tingin sa akin pero namumula pa rin ang tainga nya. Haha ang cute kiligin ni hubby.
To be continued...
06/26/2022
© 2022 SweetQueen_24
YOU ARE READING
Book 2: I Love You Sir! 👑
RomanceBook 2 of Be Mine Sir! "Come back is real!" Iyan ang nasabi ni Justine sa sarili na pagtungtong nya ng kolehiyo sa Grayson University na minsan syang nag-aral ngunit sa pagbabalik nya ay marami ng nagbago. *** Struggles is real! Someone is waiting...