Justine Mae's POV
Dumaan ang mga araw at kakatapos ang 3rd semester exam namin. Sa mga araw na iyon ay naging normal ang buhay ko. Tumigil yung kung sinoman na siraulo na nagte-text sa akin ng threatened text na araw-araw kong natatanggap.
Naubusan siguro ng pambili ng sim HAHAHAHA. Tsk, tsk, sayang pera nya tapos dumami ang basura sa Pilipinas dahil sa kanya.
Pero something I found out lately pero secret kung ano 'yun.
Maayos at nakalabas rin si Joshua kaya nakahinga ako ng maluwag. Kinuwento nya sa amin ni hubby yung nangyari kaya ayun ang hubby ko galit na galit sa nangyari sa amin. He investigated, nakita daw kasi sa Cctv yung pangyayari dahil malapit lang sa school iyon.
Nandito ako sa labas ng university at kumakain ng fishball tapos yung iba pang street foods na binebenta nila dito. Kasama ko rin si Trevor na enjoy na enjoy sa kinakain nyang kwek-kwek, hinila ko sya dito. Yung una ayaw nya pero no'ng pinatikim ko ayun haha mas matakaw pa sa akin.
Marami rin mga studyante na nandito at outsiders na rin. Pero dahil sa mayayaman ang ibang nag-aaral dito sa Grayson University, hany naku na lang. Mas maarte pa sa maarte sila, hindi kasi sila sinanay ng mga magulang nila na huwag maging mapili sa pagkain.
"Dahan-dahan lang Trevor haha, hindi ka mauubusan. Kita mo 'yun ang dami pa'ng tinda si manong haha. Diba manong?" Natatawa kong sabi habang pinapanood na kumain si Trevor, sunod-sunod kasi ang subo.
"Aba syempre ineng kaya hinay-hinay lang totoy baka 'yan pa ang ikamatay mo haha." Natatawa rin na saad ni manong.
Napatigil sa pagkagat si Trevor at nahihiyang napakamot sa ulo. "Hehe sensya na po, ngayon lang po kasi ako nakatikim ng ganitong pagkain dahil usually po sa mamahalin na restaurant lang ang alam ko." Saad nya habang nanguya.
"Gano'n ba? Mabuti naman at pinakain ka ng ganito ng girlfriend mo."
Dahil sa sinabi ni manong ay nabilaukan ako sa kinakain kong fishball.
Grabe si manong, wala manlang pasakalye. Pasmado masyado haha.
Nataranta si Trevor kaya agad nya ako inabutan ng buko juice na agad ko rin ininom. Wews! Akala ko katapusan ko na earth, imbes na kay Trevor yung sinabi kanina ni manong sa akin pa nagkatotoo.
Pagkainom ko agad akong umiling iling at ngumiti ng alinlangan. "Hindi ko po sya boyfriend, hindi po talaga. Kaibigan ko lang po itong si Trevor, manong." Todo tanggi ko.
Gusto ko rin sana sabihin na may manliligaw na ako at sya po ang mahal ko ngunit hindi pwede baka kung ano ano pa ang itanong nila, madulas pa ako hehe. Dapat akong mag-ingat sa mga sinasabi ko, mahirap na.
Nakakalungkot dahil mahirap matanggap ng lipunan ang pag-iibigan na katulad sa amin ni James. Hindi tanggap ng maraming tao dahil daw sa mas matanda at sitwasyon na mayroon kami pero kahit ganoon ay kakayanin namin ni hubby.
Umiwas sya ng tingin. "Alam ko naman 'yun dahil may..." Hindi ko narinig yung sunod nyang sinabi.
"May ano?" Takang tanong ko habang nakain. Tumingin muli sya sa akin, ngumiti at umiling lamang sya. Nagkibit-balikat na lamang ako.
"Justine, pwede ba tayong mag-usap mamayang uwian d'yan lang sa kalapit na cafe shop. Don't worry my treat tsaka may sasabihin lang kasi ako sa'yo na importante."
"Sure..." Payag ko. Sasabihin ko muna kay hubby baka kung ano pa ang isipin no'n.
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa university, humiwalay ako sa kanya. Nagpalusot pa ako na magbabanyo lang ako pero ang totoo pupunta akong dean office. Bihira lang akong pumunta dito dahil sa kung ano pa isipin ng mga studyante dito.
YOU ARE READING
Book 2: I Love You Sir! 👑
RomanceBook 2 of Be Mine Sir! "Come back is real!" Iyan ang nasabi ni Justine sa sarili na pagtungtong nya ng kolehiyo sa Grayson University na minsan syang nag-aral ngunit sa pagbabalik nya ay marami ng nagbago. *** Struggles is real! Someone is waiting...