Liam James POV
She cannot be reached ng ilang araw... D*mn!
Anong ba ang nangyayari?! Nakita ko na lang na hawak ni Grace ang phone ko habang nakangisi noong isang araw kaya alam ko na may ginawa sya na kakaiba kasi iba ang ngisi nya.
Flashback...
I was here in my bedroom at nakangiti akong tumingin sa wallpaper ng phone ko.
Ang ganda talaga ng baby ko. Nagbihis ako ng pambahay at sinaksak muna ang cellphone ko para matawagan ko sya mamaya.
Pumunta ako sa kitchen at naisipan na ipagluto ng masarap ang baby ko. Ibibigay ko sa kanya pag-uwi nya sa condo. I want to make her more happy and see that beautiful smile of hers.
Pagkatapos kong ilagay sa tupperware ang niluto kong adobo tsaka ko ito inilagay sa paper bag. Naisipan ko munang umakyat at maligo para presko ako pagkapunta sa condo nya mamaya. I'm really excited! D*mn!
Pagkarating ko sa harap ng pinto ng kwarto ko ay kita ko na nakaawang ito ng bahagya kaya nagtaka ako. Itutulak ko na sana ng makarinig ako ng ungol mula kay Grace kaya napakunot ako. Dumilim ang paningin ko ng marinig ko ang pangalan ko sa pag-ungol, mukhang may katawagan sa cellphone.
Agad kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang nakaupo at nakangisi habang hawak ang cellphone ko na si Grace.
Anong ginagawa nya sa kwarto ko?! Hawak nya pa ang phone ko?!
Napalingon sya sa akin na may gulat ngunit bigla itong nagbago at dumilim ang ekspresyon nito ngunit ngumiti na lamang ng mabilis.
"Hi babe~." Maarte nitong bati sa akin. Tss.
Malamig ko syang tiningnan at hinablot sa mula sa kamay nya ang cellphone ko.
"What are doing here? At bakit mo hawak ang phone ko?" Madiin kong tanong.
Pinipilit ko ang sarili ko na maging mahinahon pero mas lalo nag-trigger ang inis ko ng lumapit sya sa'kin at lumapit sa tenga ko tsaka bumulong.
"Oh pinagpalit mo na pala ako. Ouch! Ang sakit naman no'n, babe." Kunwari nyang nasasaktan.
Walang reaksyon ko syang tiningnan ng diretso. "Wala akong pakielam sa nararamdaman mo... At sa susunod na pakielam mo ang pag-aari ko... I'll make sure na hindi mo na magugustuhan ang gagawin ko sa iyo!" Irita kong sigaw sa kanya.
Nakita ko ang takot sa mga mata nya ngunit tinalikuran at umalis na lamang ako sa kwarto ko.
Kinuha ko sa lamesa ang susi ng kotse ko pati ang paper bag na naglalaman ng adobo na niluto ko para sa baby ko.
I check my phone para tingnan kung ano ang pinakailaman ng babaeng iyon. Napahinto ako saglit sa paglalakad papuntang garahe ng makita ko sa recent ang number ni Justine. At kanina lamang ito dahil sa date at oras na kailan sya tinawagan.
I dialed her number but she cannot be reached. Nagsimula na akong kabahan, huwag naman sana sya galit sa akin. Ayoko syang mawala sa akin.
Inis akong pumasok sa kotse at pinaandar na. Pinagbuksan ako ni manong ng pinto at mabilis na pinaandar ang kotse.
Flashback Ends...
And now I'm here sa harap ng bahay nila. Kasulukuyang umuulan at wala akong pakielam kung mabasa man ako basta ang mahalaga ay ang makausap at sabihin sa kanya ang totoo.
Ayaw ko syang mawala sa akin at gawin ang pagkakamaling nagawa ko dati na talagang pinagsisisihan ko ng husto.
I'll grab this opportunity para mapatunayan ko sa kanya na mahal na mahal ko sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/297183328-288-k61880.jpg)
YOU ARE READING
Book 2: I Love You Sir! 👑
RomanceBook 2 of Be Mine Sir! "Come back is real!" Iyan ang nasabi ni Justine sa sarili na pagtungtong nya ng kolehiyo sa Grayson University na minsan syang nag-aral ngunit sa pagbabalik nya ay marami ng nagbago. *** Struggles is real! Someone is waiting...