Trevor's POV
Imbes sa clinic ko dinala si Justine ay hospital ako dumiretso. Hindi maganda kung sa clinic dahil baka sugurin sya doon ng mga babae na may gusto kay dean.
Peste!
Nasaan ba kasi ang manliligaw ni Justine?!
And speaking of manliligaw, napatayo ako at pumunta sa gilid ni Justine sa may bandang bulsa nya. Nandito naman siguro yung cellphone ni Justine because I need to call him.
Ngunit napa-ayos ako ng tayo at napalingon ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang isang may katandaan na lalaki na nakasuot ng suit at may kasama itong babae na maaaring kasing edad nya lamang ito pero napakaganda pa rin na kamukha ni Justine. I guess they are her parents.
Seryoso ang mukha ng lalaking matanda nang mapatingin sya sa gawi ni Justine na wala pa ring malay. Napalunok ako at nakaramdam ng sobrang lamig sa buong kwarto kahit mahina lang ang air-con dito nang mapatingin sya sa akin.
He's so d*mn scary...
Narinig kong umiyak ang kasama nya, which is his wife pero hindi ko iyon pinansin dahil sa lalaking nakatingin pa rin sa akin ng seryoso.
"Who are you?" May diin nitong tanong kaya napapalunok ako.
"I-I'm her bestfriend and c-classmate, s-sir."
Sh*t nauutal ako!
"Hmmm..." Pagsang-ayon nya at lumapit kay Justine pero may pag-alala at galit ang nakikita ko sa kanyang mga mata ngunit kalmado pa rin ang ekspresyon nito na nakatitig sa itsura ngayon ni Justine.
"Anong nangyari sa kanya, iho?" Tanong ng nanay ni Justine.
"By the way, I'm Jasmine Usui her mother but call me Tita and this is my husband Albert Haruto Usui." Pakilala nya na nakangiti, kamukha nya talaga si Justine and she's beautiful.
"Nice to meet you po tita, I'm her bestfriend and classmates po. Trevor Ash Peñafrancia is my name... About po pala sa kalagayan ni Justine, tita... Ano po..."
"What is it, iho?" Nag-alala nyang tanong habang nakahawak sa balikat ko.
Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari. Gulat at pag-alala ang nakita sa kanya, napahawak sya sa kanyang sintido biglang napatayo ang asawa nya at tumabi kay tita na hawak-hawak na nito ang kamay ni Justine.
"Nasaan ang gumawa nito sa kanya? Lalo na yung dean ng school nasaan sya?!" Nagpipigil na galit na tanong ni tito.
"Schoolmate po namin ang gumawa sa kanya n'yan, tito pero hindi namin alam kung sino ang nagpakalat ng litrato sa forum ng university. Nababahala nga po kami sa posibilidad na mangyari kay Justine, baka po kasi ma-bully po sya sa school... Kung tatanungin nyo po kung nasaan ang dean, hindi ko rin po alam, tito." Mahabang sabi ko.
Tumango sya at tinapik ang balikat ko. "Maraming salamat, iho sa pagdala mo sa anak ko dito." Bahagya syang ngumiti sa akin na ikinagulat ko, maling akala pala ako na nakakatakot syang tao.
He's just worried kaya ganun ang itsura nya kanina.
"Welcome po, tito... Uh, labas muna po ako saglit para magpahangin."
"Sige, iho." Tsaka nya kinuha ang cellphone nya at lumayo sa akin. May tatawagan siguro.
Nagpaalam na rin ako kay tita. Pagkalabas ko ng kwarto ni Justine ay biglang bumigat ang dibdib ko kaya dali-daling tinungo ko ang elevator papunta rooftop ng hospital, mas maganda tumambay doon kaysa sa garden. Mas tahimik at nakakapagmuni muni ako.
Pagkabukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang malamig na hangin at maliwanag na paligid. Umupo ako sa sahig at tinukod ang dalawang kamay ko sa likod para mabalanse ako. Napapikit ako at napabuntong hininga tsaka pinagmasdan ang magandang tanawin.

YOU ARE READING
Book 2: I Love You Sir! 👑
RomanceBook 2 of Be Mine Sir! "Come back is real!" Iyan ang nasabi ni Justine sa sarili na pagtungtong nya ng kolehiyo sa Grayson University na minsan syang nag-aral ngunit sa pagbabalik nya ay marami ng nagbago. *** Struggles is real! Someone is waiting...