Justine Mae's POV
"Tumahimik na kayong dalawang isip bata. Magigising pa si Justine sa inyo, tch." Boses 'yun ng isang lalaki pero pamilyar sa akin.
Si... Ayun si Joshua!
"Ito kasi kanina pa 'yan sa akin. Isusumbong ko talaga kayo kay Justine kapag nagising na sya, hmp!" Eto naman si... Darell. Tss isip bata ang yelo.
"Tss, as if naman na naniniwala sa iyo ang wifey ko." At isa pa 'tong isip bata pati mas nakakabata sa kanya papatulan nya pa. Kung hindi ko lang mahal ang taong ito ay baka sinipa ko na papuntang buwan.
Haist! Ang iingay nila.
"Hmmm... A-ang iingay." Halos pabulong kong sabi dahil sa nakaramdam ako ng pagtuyo ng lalamunan ko. Nasaan ba ako?
"Huh? Sino yung bumubulong?" Rinig kong tanong ni Darell.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at bumungad sa akin ang puting liwanag ng ilaw. Agad kong naaamoy ang gamot, mukhang nasa hospital ako.
"D*mn! Tumawag kayo ng doctor bilis!" Natatarantang utos ni James este si hubby sa dalawa.
Narinig kong ang mga yabag na natataranta at ang tunog ng pinto na senyales na bumukas at nagsara ito.
Napalingon ako sa kanya na nakangiti na nakatitig sa akin ito at may luhang tumulo sa kanyang mga mata. Oh gosh he's crying!
"My wifey... God! You're really awake now my wifey. I really missed you so much my baby." Umiiyak nitong saad at niyakap ako nito ng mahigpit na may halong pag-iingat.
My goodness! I really miss him too! For pete sake! Hindi ko alam na yung lalaking napapaginipan ko tuwing gabi at ang lalaking kasama nitong mga araw ay sya pala iyon. Ang unang minahal kong lalaki.
My first crush and my first love since junior high but until now mahal na mahal ko pa rin sya. Ang lalaking hinintay ko at simbolo iyon ng kwintas na susi na ibinigay nya sa akin bago ako nag-aral sa Japan for some reason.
Speaking of kwintas... Baka nasa kwarto ko lang 'yun hahanapin ko na lang kapag ma-discharge na ako dito.
Rinig ko ang hikbi nito at patuloy na sinasabi ang pangalan ko. Hindi ako makapagsalita dahil sa lalamunan kong tuyo na dahil sa matagal kong pagkakaratay ko dito.
Kumalas sya sa pagkakayakap nya sa'kin at tinignan ako ng may pag-alala. "Hey, talk to me please. I really want to hear you voice because I really missed it." At tsaka ngumuso.
"T-tubig..." Mahina kong sabi.
Kailangan ko ng tubig. Ang kati sa lalamunan kapag nagsasalita ako. Mukhang nakuha nya ang gusto kong sabihin, tumayo sya at kumuha ng tubig sa pitcher at isinalin ito sa baso. Inalalayan nya akong makainom, ngumiti lamang ako bilang pasasalamat.
Gumanti naman sya ng matamis na ngiti, napapikit ako nang maramdaman ko ang malambot nitong labi na matagal ko ng na-miss na halikan haha.
Dumating ang doctor na kasama sila Darell at Joshua na tuwang-tuwa na nakatingin sa akin. Pagkatapos akong suriin ng doctor ay ngumiti sa akin ito at tumingin sa tatlo na naghihintay sa sasabihin ni doctor tungkol sa kalagayan ko.
"She's okay now pero hindi sya pwedeng biglaan sa paggalaw at bawal rin syang mai-stress para hindi mabigla ang ulo nya dahil sa pagkakauntog pero hindi naman ito malala kaya huwag kayong mag-alala kaya yung sinabi ko ay dapat nyong tandaan dahil kakagaling nya sa PTSD at ang selective amnesia. She need a rest at nutritious food, I need to go now." Sabi ni Doc at umalis na ito.
Pinilit kong umupo na ikinataranta nilang tatlo na lumapit sa akin ngunit dahil malapit sa akin si hubby ay sya ang nauna.
"Easy lang Justine sa pagkilos, you are not totally fine." Sermon sa akin ni Joshua.
Napanguso ako. "Opo, doc Joshua. Hindi mo ba ako na-miss bestfriend?" Lungkot-lungkutan kong tanong. Try ko lang naman haha.
Biglang lumambot ang ekspresyon nito at lumapit sa akin at niyakap, niyakap ko rin. Aangal na sana sina James at Darell ngunit sinamaan ko sila ng tingin na napanguso sila at napaupo sa couch na parang mga bata. Nagsamaan pa sila ng tingin sa isa't isa, napailing na lamang ako.
Tss, mga damulag talaga.
"Na-miss kita sobra syempre. Dapat nga nagtatampo ako ngayon kasi hindi mo lang ako dalawin sa amin." Sabi nya pagkakalas sa pagkakayakap nya sa akin.
Natawa ako sa sinabi nya. Kung gaya sya ng dati na bakla ay baka nahampas na ako nito pero ngayon lalaking lalaki na kaya alam kong gentleman na sya hindi gentle gay haha.
Ngumisi ako ng nakakaasar sa kanya. "Bakit preso ka na ba para dalawin kita?"
Nakasimangot naman sya sinabi at inirapan ako.
Ay iba rin! Ang dating Joshua na nakilala na mahilig mang-irap.
Napangiti lamang ako at pinisil ang pisngi nya pero mahina lang baka kasi maging totoo ang naisip ko haha. Ang cute nya kasi eh.
Bigla syang ngumisi at tumingin saglit sa dalawa na pinapanood pala kami bago humarap sa akin muli.
"What?" Takang tanong ko.
"Date tayo mga ilang araw pagkalabas mo ng hospital at tayong DALAWA lang." May diin nyang sabi na ikina-react ng dalawa at lumapit sa amin.
"Hindi sya pwede!"
"She will not go with you!" Masama ang tingin ng dalawa kay Joshua na natatawa at nakataas ang dalawang kamay.
"Woah! It's a joke mga pre, masyado naman kayong highblood hahahaha!"
"Hindi kami nagbibiro Mr. Tan." Seryosong sabi ni hubby este ni James.
"Sabi ko nga hindi kayo nagbibiro hehe... Sige, alis na muna ako, Justine..." Lumapit sya ng bahagya sa akin. "Baka ipasalvage pa ako ng dalawang 'toh." Bulong nya sa akin at humagikgik.
Natawa ako ng mahina at tumango tango na lamang. Mabuti nga naman, sayang lahi nito kung hindi sya tatagal sa mundong ito.
Pagkalabas ni Joshua ay mga ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa buong kwarto. Napahawak ako sa tiyan ko nang bigla itong tumunog, napanguso ako.
"What's wrong? Masakit ba ang tiyan mo?" Natatarantang tanong ni Darell.
"Hindi, nagugutom lang ako hehe." Nahihiya kong sabi.
Nagulat na lamang ako nang may biglang naglagay ng lamesa na maliit ay naglapag ng paborito kong ulam na adobo, kanin, orange juice, matcha milk tea at pepperoni pizza.
Nagningning ang aking mga mata at halos maglaway na ako sa mga pagkain na nasa harap. But... Wah! My favorite matcha milk tea.
"Eat all of that." Sabi ni James. Tumango tango na lamang ako habang nasa pagkain ang aking tingin, narinig ko ang mahina nilang tawa dahil sa reaksyon pero hindi ko ito pinansin at nagsimula ng kumain.
"Thank you sa pagkain!" Masigla kong sabi matapos kong kumain habang bahagyang hinimas ang aking tiyan.
Napadighay ako na hindi ko sinasadya. Haist! Kahiya!
"S-sorry hehe, busog lang." Nahihiya kong sabi sa dalawa na natatawa na nakatingin sa akin dahil hindi ko sila napansin na kanina pa sila nanonood sa akin habang nakain.
"It's okay wifey, you're so cute haha."
Namula na lamang ako ngunit nawala ito nang tumikim si Darell.
"Alis na rin muna ako, nagtext kasi sa akin Bryce. Bisitahin na lang kita sa inyo Justine." Nakangiti nitong saad pero sa mga mata nito ay may lungkot akong nakita.
"S-sige, ingat sa pagmamaneho. Pakamusta na lang ako kila Bryce." Ngumiti ako ng tipid.
Tumango lamang sya at saglit na tumingin kay James tsaka tinapik nya ito sa balikat bago lumabas ng kwarto.
To be continued...
01/05/2023
© 2023 SweetQueen_24
YOU ARE READING
Book 2: I Love You Sir! 👑
RomanceBook 2 of Be Mine Sir! "Come back is real!" Iyan ang nasabi ni Justine sa sarili na pagtungtong nya ng kolehiyo sa Grayson University na minsan syang nag-aral ngunit sa pagbabalik nya ay marami ng nagbago. *** Struggles is real! Someone is waiting...