Liam James POV
I'm here in my office sa aking kompanya. Grayson's Group Company. Kasulukuyan kong pinipirmahan ang mga natitirang papeles sa mesa ko. Gusto kong matapos agad ang trabaho ko dahil may kailan pa akong gawin.
It's lunch time. Kumain na kaya ang wifey ko?
Kasama ko ngayon si baby Althea dahil ayaw nya sa mommy nya. Tss.
She's playing her doll house here in my office. Pinagmasdan ko syang naglalaro.
"Baby Althea?" Malambing na tawag ko sa kanya.
Napalingon sya akin. Sinenyasan ko syang lumapit sa akin kaya tumayo at lumapit sya sa akin na nakangiti.
"Yes, daddy?"
Binuhat ko sya at ikinandong sa mga hita ko. "Do want a new mommy?" Malambing kong tanong.
Tila nagniningning ang mga mata nya ng sabihin ko iyon ngunit bigla syang nguso at lumungkot.
"Is there something wrong, baby?" Nag-aalala kong tanong at hinaplos haplos ang buhok nya.
"Gusto ko po sana kaso magagalit na naman sa akin si mommy." Malungkot nyang turan.
Napangiti na lamang ako ng tipid. Tch! Sabi na nga ba at may ginagawa ang babaeng 'yun sa baby ko.
"Don't worry baby, daddy's here always. Gusto ka nya makita ng magiging new mommy mo at sigurado akong matutuwa ka kapag nakita mo na sya."
"Really, daddy?" Natutuwa nyang tanong.
"Of course, baby... Mabait sya at hindi sya kagaya ng mommy mo ngayon na sinasaktan ka."
She giggled. "Then. I want to see her, Daddy!... Is she beautiful like me?"
Natawa ako sa inasal ng baby ko. So cute, just like my wifey.
"Yes, of course baby. May date kami sa sabado at gusto ka nya makita, para family bonding tayong tatlo." Pangungumbinsi ko. Kaya sana pumayag.
"Opo, daddy. Sasama po ako... But before that... Daddy, I'm hungry na po." Nakanguso nyang sabi.
I kissed her forehead and chuckles. She giggled at umalis sa pagkaka-kandong sa akin. I tap the intercom na naka-connect sa secretary ko na si tita Merriam. She's 40 years old at sampung taon na syang nagtatrabaho sa company namin.
"Yes, iho? Do you need anything?"
"Please deliver food, just like before. Thanks."
"Got it, iho. Just give me a 10 minutes."
"Sige po tita." Then I end the call. Napatingin ako sandali kay baby Althea.
I dialed Jeremy dahil sya ang inutusan para sa DNA kinakailangan ko.
"Hello boss."
"Can you check the CCTV yung malapit sa Grayson University. May accident or... Not accident but just check it out and call me if you found something interesting." Nakangising saad ko.
"'Yun oh! Sige boss! Basta yung bayad."
"Walang problema, do your job clean and smooth tsaka ko ibibigay ang presyo para d'yan... Ano na ang nangyayari sa DNA test?"
"May nagnakaw po ng DNA results kaya hindi ito naibigay sa amin kahapon, b-boss."
"Okay... Gagawa na lang ako ng paraan tungkol d'yan. Basta gawin nyo agad ang trabaho nyo baka unahan pa kayo ng kung sino na makuha ang CCTV footage." Mahinahon ngunit madiin kong saad. Ayaw kong sumigaw sa galit dito dahil may kasama akong bata.
YOU ARE READING
Book 2: I Love You Sir! 👑
RomanceBook 2 of Be Mine Sir! "Come back is real!" Iyan ang nasabi ni Justine sa sarili na pagtungtong nya ng kolehiyo sa Grayson University na minsan syang nag-aral ngunit sa pagbabalik nya ay marami ng nagbago. *** Struggles is real! Someone is waiting...