Justine Mae's POV
"Sweetie, sigurado ka ba'ng babalik ka na sa condo mo? Hindi iyon nalilinis simula nang umuwi ka sa Japan."
"Yes po mama. Ako na po ang naglilinis ng condo ko dahil limang araw na lang po ay back to school na po ako..." Lumapit ako sa kanya at yumakap sa braso nya at nanlalambing. Nakaupo kami ni mama sa sofa sa sala, day off nya ngayon.
"And besides mama... I want to be independent person at tsaka hindi ba po, nakaya ko po'ng tumira doon ng mag-isa. Kaya please mama ko." Nanlalambig kong pakiusap.
Napangiti na lamang sya at niyakap ako. "Ano pa ba ang magagawa ko, kung ang baby girl ko ang nakikiusap. Pero..." Huminga muna sya nang malalim at tumitig sa akin ng may pag-alala. "Laging ka'ng mag-iingat doon at kapag may kailangan ka tumawag ka sa amin ng papa mo para matulungan ka namin." Dagdag nya at hinaplos haplos ang buhok ko.
Ngumiti ako nang malawak at tila nagningning ang mga mata ko.
"But in one condition, anak." Biglang sumeryoso ang mukha nya. Tila kinabahan ako sa itsura ni mama ngayon. Napalunok ako.
"Y-yes mama? Ano po iyon?" Kinakabahan kong tanong.
Biglang nag-iba muli ang aura at ekspresyon nya na sumaya at kinikilig na nagtititili. Ay bagets pa rin si mama haha.
Kaya naguluhan ako sa reaksyon nya at napakamot sa kilay.
Agaran na hinawakan ni mama ang magkabilang-panig ng balikat ko at may kumikislap na mga mata na diretso na nakatitig sa akin. "Sabihin mo agad sa akin kapag may nagkakagusto at nanliligaw sa'yo at syempre sasabihin mo rin sa akin kung sino ang nagugustuhan mo'ng lalaki hehe." Excited nyang saad.
Napangiti ako ng alanganin sa sinabi nya. Grabe! Mas excited pa yata sya kaysa sa akin.
Tila natigilan sya at nakatingin sa leeg ko. Kaya napatingin din ako. Oh! Yung kwintas pala!
"Sinong nagbigay sa'yo nito at ang ganda." Hinawakan nya ang pendant at sinuri ito.
Sana hindi nya mapansin yung pangalan ni Liam sa pendant sa likod nito.
Ngumiti ako ng maliit tila maitago ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na teacher ko ng highschool ang nagbigay nito, which is my first love. Baka kung ano na lang sabihin ni mama at natatakot ako na ma-disappoint sya.
"Hehe nabili ko po dati sa Japan. Nagandahan po kasi ako kaya binili ko." Pagsisinungaling ko. Huhuhu patawarin mo po ako mama.
Napatangu-tango na lamang sya dahil mukhang naniwala sya sinabi ko. "Totoo nga sweetie. Ang ganda ganda oh... Pero mukha syang pang couple dahil susi ang nasa iyo."
Napatawa naman ako ng mahina. My goodness talaga si mother haha.
"Ah... Eh, baka po nabili na po yung kapartner nito ng iba. Kaya ito na lang ang naiwan, alam nyo naman po ang paniniwala ng iba na baka magtagpo ang sinumang makabili ng kabiyak ng couple bracelet or necklace." Saad ko. Pero deep inside kinakabahan na talaga ako, may lahi pa naman si mama na detective minsan haha.
Tila kinikilig sya sa sinabi ko. "Sabagay sweetie, may point ka. At sana nagkatagpo kayo ng kabiyak ng kwintas na iyan ahihihi."
Si mama talaga!
After ng mahabang pagsasabi ko ng kasingkahulugan kay mama ay naisipan ko munang magbisikleta gamit ang dati kong bike na ginamit ko noong highschool. Na-miss ko na tuloy na lagi akong nagbibisikleta tuwing papasok sa school.
Lalo na kapag nakakakita ako ng mag-jowa sa daan ay pinagtri-tripan ko ang mga ito at sisigaw na 'walang forever!' napaka-bitter ko talaga haha.
Pero dati lang iyon... Kasi may hinihintay akong bumalik na tao sa buhay ko at sana hinihintay nya rin ako. Gaya ng paghihintay ko sa kanya.
Napadaan ako sa isang playground at maraming batang naglalaro. Ang cute nilang tingnan. I love kids.
Naisipan kong dumito muna at panoorin rin silang naglalaro. Napansin ko rin na may nagtitinda dito ng nga iba't-ibang street food. Napahawak ako sa bulsa ng pants ko kung may dala akong pera at nakakatuwa naman dahil may nakuha akong 100 pesos kahit papaano.
Lumapit ako sa stall ng cotton candy. Na-miss ko ito, dahil ito ang childhood food ko sa japan tuwing mamamasyal kami nila kuya. After school ay napunta kami sa cotton candy shop na mayroon doon kaya susubukan ko ang cotton candy dito sa Philippines.
"Manong, pwede nyo po ba'ng ipagsama yung color pink at blue?"
"Para sa'yo bente na lang, iha." Aniya.
Nagningning ang mga mata. "Thank you po..." Nakangiti kong pasasalamat.
Binigay nya agad sa akin ang request kong cotton candy. Tuwang-tuwa ko itong kinuha at pumunta sa ilalim ng isang puno dito na malapit sa mga batang naglalaro tsaka kumain.
Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog at napakunot ang noo ng makita kung sino ang tumatawag.
Unknown calling...
Sinagot ko ito. "Hello?"
Walang nagsalita sa kabilang linya.
"Hello, sino po ba ikaw?"
Wala pa rin, kaya nainis ako.
"Kung sino ka man, sa ibang tao ka na lang mang-prank huwag sa akin!... Kung hindi ka nagsasalita papatayin ko na ito, bye! Tsk." Agad kong pinatay ang tawag.
Ang lakas mang-prank call. Kainis.
Tumayo na ako matapos maubos ang kinakain ko, bibili pa kasi ng ibang street food. Gusto kong maalis ang inis ng nararamdaman ko.
Sa hindi inaasahan ay may nakabunggo ako na batang babae. Chubby cheeks nya kaya lalo syang naging cute at maputi.
"Aray ko po!" Napaupo sya sa lupa kaya dali-dali ko itong tinulungan na tumayo at pinagpagan ang damit nito na carnation pink ang kulay.
"I'm sorry baby girl. Are you okay?" Nag aalala kong tanong.
"Okay lang po ako. Sorry rin po at nabangga ko po ikaw, ate ganda." Nahihiya nyang saad. Eh? Ang cute.
Napangiti ako ng malawak nang marinig ang magic word haha. Naman!
"Sino kasama mo dito baby girl?" Malambing kong tanong, dahil hindi man lang tinitignan ang alaga nya.
"Ang daddy ko po. Nabili lang po sya ng pagkain." Aniya.
Tumango ako at ngumiti. Pinisil-pisil ko ng bahagya ang pisngi nya. "Anong name mo baby girl?" Malambing kong tanong at tinignan sya ng maigi.
Ngumiti naman sya. "Ako po si Althea Grayson." Pagpapakilala nya. Natigilan ako saglit.
Grayson? Liam?
Ngunit umiling na lamang ako sa aking isipan ng maisip sya dahil Grayson din ang apelyido nya. Ngunit maraming Grayson na apelyido kaya imposibleng sya iyon.
"Ang ganda ganda naman ng pangalan mo baby girl. Ako nga pala si ate Justine mo."
She giggled. "Ang ganda rin po kagaya nyo, ate Justine."
"Sige po at babalik na po ako sa pwesto namin baka hinahanap na po ako ni daddy." Dagdag nya.
Ngumiti naman ako. "Mabuti pa nga baby girl... Huwag tumakbo baka madapa ka pa. Hmmm?"
"Opo ate. Bye po!" Hinalikan nya ako sa pisngi bago umalis.
Wah! Ang cute-cute nya grabe!
Naisipan ko'ng umuwi na at ayusin ang mga gamit ko para makalipat bukas sa condo ko. Nang sa gayun ay malinisan ko ang aking condo unit hehe.
Bumalik ako sa bike ko at sumakay ako dito tsaka umalis.
To be continued...
05/14/2022
© 2022 SweetQueen_24
YOU ARE READING
Book 2: I Love You Sir! 👑
RomanceBook 2 of Be Mine Sir! "Come back is real!" Iyan ang nasabi ni Justine sa sarili na pagtungtong nya ng kolehiyo sa Grayson University na minsan syang nag-aral ngunit sa pagbabalik nya ay marami ng nagbago. *** Struggles is real! Someone is waiting...