C H A P T E R 06

284 3 4
                                    

Justine Mae's POV

Kapagod ngayong araw. May research agad kami about sa major subjects namin tapos sasalihan pa ng math.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit. Naparito ako sa library at nag-a-advance reading na at naghahanap ng reference sa research ko.

Tinignan ko ang wristwatch ko at napabuntong hininga na lamang ng makitang 6 pm na. Nag-inat inat ako bago kunin ang bag ko tsaka lumabas ng library. Halos wala ng gaanong tao dahil sa uwian na at dumidilim na rin.

Nagulat ako nang may biglang humila sa akin. Tinignan ko sya ng mabuti at doon na lamang bumilis ang tibok ng puso ko ng mapagtanto na si Liam ang humihila sa akin at magka-holding hands kami. Feeling ko namumula na ako.

Madilim ang paligid at iilan lamang ang ilaw ang pinuntahan namin. Nakita ko mula sa malayo ang kotse nya nakaparada.

Hingal na hingal ako ng tumigil kami sa pagtakbo, kahit sya ay naririnig ko ang pag hingal.

"S-sorry kung hinila kita. B-baka kasi... May makakita sa atin kaya dito na lang kita dinala para hindi tayo kita." Hinihingal nyang paumanhin.

Napangiti na lamang ako at napayakap sa kanya nang mahigpit. Inaamoy ko ang dibdib nya. Oh my, ang bango nya talaga! Hindi nagbabago ang pabango nya.

I heard him chuckled softly. "Do you love my scent, wifey?" Nakangisi nyang tanong.

Namula naman ako at isiniksik ko pa ang mukha ko sa dibdib nya. Kahiya!

"Why is my baby so cute when she is shy?" Pangangasar nya.

Napatampal ko ang braso nya pero mahina lang. My goodness!

Humalakhak lang sya. Ang bad nya, hmp!

"Huwag mo akong asarin!" Namumula kong sambit.

Mas lalo syang humalakhak. Happy lang ang hubby ko?

"Pft... Okay, okay. Titigil na po ako, baka magalit pa sa akin ang baby ko at hindi nya ako sagutin."

"Che!" Ani ko nang nakakalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.

Kita ko na nagpupunas sya ng luha dahil tawa sya ng tawa bago nya ako pagbuksan ng pinto ng kotse nya.

Maingat nya akong inalalayan na pumasok, inilagay nya sa taas ang kamay nya para hindi ako mauntog. Wah! Ang sweet ng hubby ko.

***

"How's your school baby?" Malambing nyang tanong habang nasa daan ang paningin.

Napabuntong hininga at napanguso ako. "Kapagod kasi may research na kaming gagawin tapos sinabayan pa ni math." Sumbong ko sa kanya at nasa labas ang paningin.

I felt him hold my hand that was resting on my thigh and gently squeeze it. Napalingon ako sa kanya pero nasa daan ang tingin nya habang nagmamaneho pero nakangiti.

"Don't worry kung may hindi ka naiintindihan sa lesson mo sa math ay tuturuan kita."

"Thank you, hubby... Pero kakayanin ko para sa future natin." Masigla kong sambit.

Natawa lamang sya ng mahina at hinalikan ang likod ng kamay ko na hindi iyon inaasahan. Uminit bigla ang mga pisngi ko kaya sa iba ko ibinaling ang paningin ko.

"By the way, where are we going?" Pag-iiba ko ng topic, buti na lang wala na yung init sa pisngi ko.

"In my condo unit to have a dinner kasama ka but before that, punta muna tayo sa grocery store." Saad nya.

Napangiti ako. "Diba kapitbahay lang naman kita?"

"Of course but I want to be with you tonight, wifey." Nakanguso nyang saad.

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now