Darell's POV
Agad kong ipinarada ang kotse ko sa parking lot ng hospital at dali-daling lumabas. Patakbo akong pumasok sa hospital kaya halos na nadadaanan ko ay mga pasyente kasama ang kanilang bantay.
Iginala ko ang aking paningin sa paligid at nahagilap ng paningin ko si Joshua na may hawak na basket ng prutas at pagkain papunta sa kung saan.
"Joshua!" Tawag pansin ko sa kanya kaya napatingin ang ilang tao sa akin ngunit binalewala ko na lamang.
Tinaasan nya ako ng kilay. Tss, kung hindi lang sya naging lalaki baka akalain kong bumalik muli sya sa pagiging bakla.
"Sino pala yung nandito sa hospital, dude?" Tanging tanong ko lamang.
Ngumiti sya ng malungkot. "Si Justine. Pero bago ka magtanong ng magtanong, tulungan mo muna akong magbuhat nito. Baka matapon pa, sayang." At inabot nya sa akin ang mga naka-plastic na naglalaman ng pagkain.
I rolled eyes on him at sumimangot. "So, pinapapunta mo lang ako dito para tutulungan kitang magbuhat ng mga ito, tss." Nagrereklamo kong saad habang kasabay sya sa paglalakad.
"G*g*! Tara na nga. Ang daming mong reklamo, para kay Justine yung mga prutas tapos sa ating tatlo yung mga pagkain... Pero kung ayaw mong tumulong sa pagbubuhat, panoorin mo na lang kaming kumain hanggang sa maglaway HAHAHAHA!" Sabay halakhak nya at nauna ng maglakad at pumasok sa isang kwarto sinundan ko lamang ito habang nakabusangot.
Abnormal tss.
Buti pa ako normal at hindi nahawaan ng kabaliwan ng tatlong itlog kahit ilang taon na kaming magkakasama.
Pagkapasok ko sa kwartong pinasukan ni Joshua ay bumungad sa akin ang dating karibal ko sa puso ni Justine at si Joshua na nag-aayos mga binili ng pagkain. Alam kong talo na ako dahil alam ko naman na mas lamang pa rin si Mr. Grayson slash sir Liam sa akin.
Na friendzone tuloy ako.
Hawak-hawak nya ang kamay ni Justine na wala pa rin malay at may benda ang ulo. Lumapit ako sa kanila kaya napalingon sa akin si Liam at napakunot.
"What are you doing here?" May pagtataka nyang tanong.
Sino ba naman ang hindi magtataka, nakasuot ba naman ako ng uniform ng school namin at may pasok pa ako pero hindi ko pinansin ang sinabi nya dahil na kay Justine ang atensyon ko.
"How she is?" Tanging tanong ko.
He scoffed. Lalapit na sana ako kay Justine na harangin nya ako kay ano naman ang nakakunot ang noo.
"Hey, what's your problem?"
"You. Your are my problem. Let's go outside and let's talk about something important matter." Seryoso nyang saad at lumabas ng kwarto, napailing na lamang ako at sumunod na rin. Narinig ko pa ang pasimpleng tawa ni Joshua.
Tss, abnormal.
We're here in rooftop of the hospital dahil baka makaistorbo kami ng ibang pasyente. Nakatalikod sya akin habang ako ay naghihintay na magsalita sya. Ihip lang ng hangin ang maririnig sa paligid.
"Do you love, Justine?" Habang nakatalikod nyang tanong.
The heck! 'Yan ba ang dahilan kung bakit kami mag-uusap!
I smirked kahit nya nakikita. "Of course, I do love her. Actually, she's my first love but you stole her out on me. Ano naman sa'yo kung mahal ko si Justine?" I mockingly said.
Humarap sya sa akin na matalim na tingin. Nagulat ako pero hindi ako nagpahalata.
Bakit sya ganyan makatingin?
"Stay away from her, Darell."
Napakuyom ako ng kamao. Yabang ng isang 'to ah. Sino ba sya para pagbawalan akong lumapit kay Justine.
"Bakit ko naman gagawin 'yun? Ano ka desisyon? Hindi mo nga sya girlfriend para pagbawalan akong lumapit sa kanya." Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit gustong gusto kong syang sapakin ngayon mismo.
Akala nya hindi ko nabalitaan ang nangyari kay Justine kaya hindi na sa Grayson University sya nag-aaral. They bully her pero wala manlang ginawa ang walangya!
Nagulat ako nang bigla nya ako kwelyuhan at nanlilisik ang mga mata nya sa akin.
"I said stay away from her! I'm warning you, Darell!"
Sigaw nya sa mukha ko ngunit hindi rin ako nagpatalo at nilabanan ang nanlilisik nyang mga tingin kahit na mas malaki at matangkad sya akin."Ano ba kasi ang problema mo kung bakit mo akong pinapalayo kay Justine?! Ha!"
Biglang napatahimik sa tanong ko at pabalya nya akong binitiwan. Ginulo nya ang kanyang buhok na parang nababaliw.
"Tsk! Kainis!" Frustrated nyang sabi.
Inayos ko ang aking sarili. "So ano nga?"
"She has PTSD the doctor said. Mukhang noong araw na biglang kumalat ang picture naming dalawa ni Justine na magkasama at nakita iyon ng mga studyante ng Grayson tapos no'n ay binully ng mga ilang babae si Justine dahil do'n. Dahil sa sakit nya ay may selective amnesia sya kaya hindi nya ako makilala baka nga kahit kayo."
"What?!" Gulat kong sabi.
Paano ko hindi nalaman ang tungkol doon pero sabagay ay never nabanggit ni Justine ang tungkol sa sakit pero nakaramdam ako ng lungkot at galit. Lungkot dahil baka tama si Liam na hindi nya rin ako maalala at galit naman dahil sa ginawa nila kay Justine, sinaktan nila si Justine kaya pagbabayaran ko ang nasa likod ng nagpost ng picture na 'yun sa social media.
Tumango lamang sya. "Kaya kailangan mong layuan si Justine sa ayaw at gusto mo."
"Dahil ba doon kung bakit mo ako pinapalayo dahil ang pagkakaalala mo ako ang nasa likod ng pagpapakalat ng picture nyo. Tss, you're such unreasonable, Liam. Mahal ko si Justine pero hindi ko kayang gawin 'yang akusasyon mo sa akin."
"At bakit naman, ikaw lang naman ang alam kong may gusto kay Justine. Diba?" Madiin nyang saad.
"How about, Trevor? Yung lalaking laging kasama ni Justine dati. I saw them na magkasama dati sa labas ng Peñafrancia University at alam ko naman na may gusto ang gunggong 'yun kay Justine, tingin pa lang. Tsaka hindi ako ganun kabaliw na magpost ng picture nyo ni Justine para lang maagaw sya sayo. Tanggap ko naman na talo ako sa puso nya kaya nandito ako para tulungan kayo, hindi ako ang gawing suspek... Sa gwapo kong itong mukha ba akong criminal?" Mahabang saad ko.
Ngumisi sya ng nakakaasar. "Okay. Pero sa tanong ay oo HAHAHAHA!" At umalis na tumatawa.
Napanganga at natulalang naiwan ako dito.
'Yun lang ang sasabihin nya 'okay'? Tapos mukha daw akong criminal sa kagwapuhan ko itong.
Mga ilang minuto bago ko narealize ang pangyayari.
"Argh! Kainis ka talaga Liam James Grayson! Masinok ka sana kakatawa, langya ka!" Para baliw kong sigaw ng sigaw dito.
Mga abnormal talaga. Paano ko ba nakilala ang mga abnormal ito?! Isusumbong ko sila kay Justine.
To be continued...
12/30/2022
© 2022 SweetQueen_24
YOU ARE READING
Book 2: I Love You Sir! 👑
RomanceBook 2 of Be Mine Sir! "Come back is real!" Iyan ang nasabi ni Justine sa sarili na pagtungtong nya ng kolehiyo sa Grayson University na minsan syang nag-aral ngunit sa pagbabalik nya ay marami ng nagbago. *** Struggles is real! Someone is waiting...