Jared Haruto's POV
Nataranta kami nang biglang mahimatay si princess ngunit agad itong nasalo ng manliligaw ng kapatid ko.
Agad na binuhat ni kuya James ang kapatid ko at dinala sa kwarto ng kapatid ko. Maingat nya itong inihiga sa kama at kinumutan. Napangiti ako sa aking nakikita.
Hindi ko akalain na magkakagusto sya sa kapatid ko. Hindi naman ako tutol sa pag-iibigan nilang dalawa ang inaalala ko lang ang magiging kaligtasan ng kapatid ko kapag may nakaalam tungkol sa relasyon nila.
"Julius, call our family doctor." Agaran na utos ni papa na nag-alala.
Agad naman sumunod si Shin. Kinuha nya sa bulsa ang phone at lumayo ng kaunti sa amin para makausap si Dr. Miguel.
Napatingin ako kay kuya James na nag-aalala na nakatitig kay Justine na walang malay.
Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat. Gusto ko syang makausap about our business and my little sister.
Lumingon sya sa akin. "Mag-usap tayo, kuya James." Seryoso kong sabi.
Napalingon muna sya sa gawi ni Justine bago tumingin sa akin tsaka tumango. Nauna akong lumabas sa kwarto at sumunod sya.
Nakasalubong namin si Dr. Miguel na papunta sa kwarto ng kapatid ko para i-check ang lagay nito.
Huminto sya sa paglalakad ganun din ako. "Good to see you again, iho." Bati nya.
"Me too, tito... Balitaan nyo na lang po ako kung anong lagay ng kapatid ko."
"Anong ba'ng nangyari sa kapatid mo?"
"Nahimatay po kanina and I want to sure if she is okay."
"Ah, okay... I need to check up her now para malaman ko kung okay lang kapatid mo, iho." Tinapik nya ng bahagya ang balikat ko.
"Thank you po, tito." Pasasalamat ko, ngumiti lamang ito.
Tumingin sya saglit sa kasama ko at tumango rito. Tumango at ngumiti ng bahagya ang kasama ko, he's quiet I guess.
Justine Mae's POV
Nagising ako dahil sa biglang tunog ng tiyan ko, gutom na nga ako hehe. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
Tahimik at pamilyar sa akin ang lugar. Mukhang nasa kwarto ko ako ngayon. Dahan-dahan akong bumangon at napahawak sa ulo ng bigla ako nakaramdam ng hilo.
Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto at ni isa ay walang tao. Baka nasa baba sila?
Nanghihina na rin ako dahil yata sa gutom ako. Ilang oras ba ako nawalan ng malay?
Inalalayan ko ang aking sarili na makatayo. Nang makatayo na ako ay pinilit kong maglakad papunta sa pinto. Malapit na ako sa pinto nang magbukas ito at si Liam ang bumungad sa akin.
Nang makita nya ako ay dali-daling lumapit sa akin at inalalayan na maglakad palabas ng kwarto.
"How's your feeling?" Tanong nya habang nasa sahig ang tingin.
"Okay naman ako, baka siguro sa stressed lang ako lately hehe... Tsaka, nanghihina na rin dahil gutom na ako." Kasabay no'n ang pagtunog ng tiyan ko kaya nahiya ako.
He chuckled. "Alright, my baby was starving." Nakangisi nyang sabi.
Nag-init ang pisngi ko at nagpokus na lamang sa paglalakad pababa ng hagdan.
"You're so cute, baby." He whispered.
"S-stop it." Nauutal kong untag. He just smiled at me.
Nang makababa na kami ay agad na napatayo si mama at mabilis na lumapit sa akin tsaka ako niyakap.
YOU ARE READING
Book 2: I Love You Sir! 👑
RomanceBook 2 of Be Mine Sir! "Come back is real!" Iyan ang nasabi ni Justine sa sarili na pagtungtong nya ng kolehiyo sa Grayson University na minsan syang nag-aral ngunit sa pagbabalik nya ay marami ng nagbago. *** Struggles is real! Someone is waiting...