C H A P T E R 21

184 1 0
                                    

Liam James POV

Binilisan ko ang lakad ko bitbit ang mga pagkain dahil nagugutom na ang baby ko. Kahit hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko ay kailangan kong bumawi sa kanya.

"Oh gosh! Ang gwapo talaga ni sir."

"Trulalu girl! Pero bakit parang nagmamadali sya?"

Hindi ko na lang sana papansinin at lalagpasan na sana ang kumpulan ng mga babae nagbubulungan nang may marinig ako na hindi maganda sa pandinig. Kaya tumambay ako sa isang sulok na walang nakakakita sa akin at nakinig sa usapan nila.

"Pero alam nyo ba girls? Noong isang araw d'yan sa labas may parang nakaitim pero hindi ko nakita ng maayos kasi ang dilim ng pwesto nya tapos nakatingin kay - sino ba yung nanguna sa actual ng culinary noong first semester?"

"Justine yata name no'n. Oo sya nga girl!"

"'Yun nga, nakatingin yung nakaitim na lalaki ba o babae ugh! Basta! 'yun na 'yun. Grabe nga eh kasi kinalibutan ako dahil sa klase pa lang ng titig nya kay Justine parang may balak na masama."

Umalis na ako doon at hindi na tinapos ang pakikinig. Napahigpit ang kapit ko sa plastic na dala ko dahil sa galit at walang emosyon na nakatingin lang sa harap tungo sa office ko.

My wifey is in danger now!

Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang tulog at nakasandal sa couch na si Justine my soon to be wifey. Possessive na kung possessive pero hindi ko hahayaan na mawala sya akin at talagang pagsisisihan ko buong buhay kapag nawala sya buhay ko.

Inilapag ko muna sa center table ang plastic na dala ko at nilapitan ang wifey ko. Maingat at dahan-dahan kong inayos ang higa nya, nilagyan ko ng unan ang ulunan nya. I kissed her forehead bago kunin ang kumot na mayroon ako dito sa office na nasa cabinet tsaka kinumutan ang wifey ko. Hininaan ko rin ang aircon dito dahil napansin ko ang panginginig nya.

Napangiti na lamang akong pagmasdan ang babaeng mahal ko na natutulog, kahit sa pagtulog hindi ako magsasawang titigan sya. She has an angelic face that's turn me on for her and only her.

I love this woman d*mn much!

Inayos ko ang pagkain na nasa center table para pagkagising nya ay nakahanda na ang pagkain nya. Nagsimula na rin akong kumain, gutom na gutom na ako eh.

Habang nasa kalagitnaan ng pagkain ko ay may pumasok sa isip ko ikinakaba ko ng husto. Ang kaligtasan ng mahal ko ang nakataya dito tapos dumagdag pa yung sinungaling na babaeng 'yun tsk.

So impossible na ako ang ama ng dinadala nya kung meron man. Tapos doon sa text messages na pinakita sa akin ni wifey ay parang may bumuo sa isipan ko.

Nagising ako sa ulirat nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot na hindi tinitignan ang name ng caller.

"Hey big bro. Musta ka d'yan sa Pilipinas kuya?"

Isinawalang bahala ko muna ang nasa isip ko tsaka sinagot itong kapatid ko. He's now in London at doon sya nag-aaral ngayon ng college.

"I'm okay here and still courting my girl... You know her, right?"

Narinig ko ang hagikgik nya sa kabilang linya.

"I knew that bro, pero ang hina mo naman haha. Hanggang ngayon ligaw pa rin, ang hina mong dumiskarte ng chix."

"Tsk, shut up. Matino kasi ako, hindi gaya mo na maraming babae."

"Gusto mo ligawan k-"

"Don't you ever do that Lesther Kiel Grayson. Sa akin lang ang babaeng sinasabi mo o baka gusto mong mabanatan ng dis oras, huh?!" Irita ngunit mahina kong saad.

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now