Justine Mae's POV
"Daddy! Gusto ko po 'yun. Please po!" Pagpapa-cute na saad ni Althea sa daddy nya habang turo-turo na nagtitinda ng ice cream.
Napabuntong hininga na lamang si Liam na lihim kong ikinatawa. Taob sya sa charm ng baby ko haha.
"Alright, but don't too much. Okay, princess?" Suko na sambit ni Liam este ni hubby ahihihi.
By the way, suot ko ngayon ang yung kwintas na bigay sa akin ni Liam kasi napansin ko na suot nya rin yung sa kanya. Locket shape ang kanya at key shape ang akin.
Couple na couple ang dating namin hehe.
Harot! Charot!
Binigyan naman nya ito ng pera na isang libo. Yayamanin talaga! "Yehey! Thank you po daddy." Tuwang-tuwa nitong sabi at patakbong tinungo ang ice cream stall.
"Be careful!" Taranta kong sabi nang makita na muntik na ito madapa na ikinahinga ko ng maluwag.
Umupo muna kami ni Liam sa isang bench na makikita pa rin namin si Althea.
"Thank you sa date, hubby." Nahihiya kong sabi na hindi makatingin sa kanya.
Isa rin ito sa mga pangarap ko dati noong hanggang tingin pa lang ako kay Liam as my teacher. Pero ngayon, totoo na talaga.
Inakbayan naman nya ako at hinalikan sa noo. Heto na naman ang paru-paro sa aking tiyan na minsan ko naramdaman noong highschool pero ngayon mas lalong lumala.
Ibig sabihin lang nun ay mas lalo ko syang minamahal. Nag-evolve na ang pagtingin ko sa kanya. Na dating crush lang, ngayon ay pagmamahal na.
"You're always welcome, my wifey." Malambing nitong turan.
Niyakap ko syang nanlalambing. I heard his soft laugh. "You're so cute, wifey. Lalo ngayon na nanlalambing ka, matagal kong hinintay ang araw na ito..." Huminga sya malalim at niyakap nya ako ng pagbalik.
"But tomorrow I will go to Singapore for my business meeting with investors there."
Bigla akong nalungkot sa sinabi nya. Bukas na talaga pero ayaw ko syang pigilan dahil kailangan iyon sa company nya.
Tumingala ako sa kanya na nakatingin din pala sa akin ng malalim pero may lungkot sa mga mata nya. Marahan nyang hinaplos ang pisngi ko.
"Okay lang sa akin basta mag-iingat ka tapos huwag kang magpapalipas ng gutom at magpahinga ka kung kinakailangan ah?" Kahit mahirap sa akin na aalis sya bukas ay ngumiti pa rin ako dahil ayokong malungkot syang aalis.
Ginantihan naman nya ako ng isang matamis na ngiti at sumaludo pa na ikinatawa ko. "Yes, wifey!"
After a while ay naisipan namin na pumunta sa safari. Doon kasi ang gusto ni Althea, she loves animals and that so cute to her.
"Daddy, mommy ang laki ng fish oh!" Namamangha nyang sabi habang nakaturo sa mga isda na nasa aquarium.
Nagniningning ang mga nito habang pinagmamasdan ang mga isa na iba't iba ang uri at laki nito.
"That is called shark, princess." Liam said. Pinapanood ko lamang sila. Ang sarap kasi nilang pagmasdan.
Ano pa kaya kung sa future na ehem! Hehe.
"Ah katulad rin po doon sa napanood namin sa school na nangangaain ng tao ang mga shark."
He nodded. "Well it depends kung sasaktan at masyadong malapit ka sa kanila. Pero sa tingin ko ay dangerous pa rin sila kaya kailangan pa rin na mag-ingat." Sounds like a teacher. Hmm?
"You're so awesome, daddy!" Manghang sabi ni Althea.
Napayakap ako sa braso ni Liam at ngumiti. "You're right, baby. You're daddy was so awesome and h-handsome." Nauutal ko pang sabi sa dulo.
He just chuckled. "Really, wifey? Ako lang ba ang pinakagwapo sa paningin mo?" Parang bata nyang tanong.
Ngumisi ako. Pag-tripan ko muna nga haha. Umakto ako na parang nag-iisi. "Well... Gwapo rin naman sila Trevor, Darell, Joshua, Bryce, at Zero."
Umismid na lamang sya at may binulong bulong.
"Sino po sila, mommy?" Sabat ni Althea.
Ngumiti ako sa kanya. "They are my friends since highschool but your tito Trevor ngayong college pa lang."
"So you mean, collage pa lang kayo... Edi matagal mo ng kilala si daddy?"
Lumapad ang ngiti ko. "Oo baby. Nakilala ko ang daddy mo noong highschool pa lang si mommy. Your daddy Liam is my music teacher."
"So romantic, mommy. I wish na mapansin din ako ng crush ko hehe." Ang cute kiligin ni Althea.
"Pakilala mo sa akin kung sino 'yan, princess. Okay?" Malambing ngunit seryoso na saad ni Liam.
"Okay daddy!"
"But promise me na hindi mo pababayaan ang pag-aaral mo." Malambing ko rin na turan.
My goodness! Ang baby Althea ko may crush na!
"I promise, mommy." Na may matamis at cute nyang ngiti.
After namin maglibot libot ay naisipan namin na kumain sa malapit na resto sa safari. Nagugutom na kami ni baby Althea. Food life pa nga!
Habang hinihintay ang order namin ay bigla akong naramdaman ng tawag ng kalikasan.
"Comfort room muna ako, hubby." Pagpapaalam ko kay Liam dahil busy sa pagtingin sa paligid si baby Althea.
"Okay, wifey. Bilisan mo lang ah."
Natawa ako ng mahina sa sinabi nya. "Para naman na mawawala ako. D'yan lang naman ako."
Napalabi nya. "I'm going to miss you right away."
Napangiti na lamang ako para pigilan ang tawa ko ng malakas. "Ewan ko sa'yo... I love you always." Tanging sabi ko at hindi na hinintay ang sasabihin nya dahil hindi ko na kaya, haist!
Pagkatapos ng ilang sandali sa pagsagot kay mother earth ay lumabas na ako ng cubicle at naghugas ng kamay. Wala ibang babae bukod sa akin kaya napakatahimik at tunog lamang ng tubig ang maririnig.
Napatingin ako sa salamin at inayos ang buhok ko. Napadako ang tingin ko sa kwintas na suot ko, hinawakan ko ito at pinagmasdan ng maigi. Nakaukit dito ang pangalan ni Liam.
'Liam James Grayson.' at may heart sa dulo.
Kawaii!
Ilang taon na rin simula nang ibigay nya sa akin ito. Ang araw kung saan na malapit na ang graduation ko ng highschool. Hindi ko malilimutan iyon.
Malungkot pa nga ako dahil sa pagreject sa akin ni Liam. Pero nabuhay muli ang pag-asa at ang puso ko ay grabe ang kabog nito. Doon ko na lamang napagtanto na mahal ko na sya.
Hindi typical na paghanga kundi may higit pa doon.
Napaigtad ako sa gulat at napatingin sa pinto ng comfort room ng mga babae. Nakita ko ang isang lalaki na nakahood na itim base kasi sa height nya. Naka-sumbrero ito at may tatak na LKG na maliit sa gilid ng sumbrero nito pero kita ko pa rin.
Nataranta ako nang lumalapit sa akin ito. "S-sino ka!" Sigaw ko.
Nakaramdam na ako ng matinding takot nang hawakan nya ako sa braso. Nag pumiglas ako pero sadyang malakas sya.
"Let me go!... Let me go please!... Help! Help! Tulungan nyo ako!..." Takot na takot kong pakiusap.
Somebody help me!
Sisigaw na sana ako nang may kinuha sya sa bulsa ng hood nya na panyo at idinampi sa ilong ko kaya agad kong nalanghap ng kung anong gamot na nakalagay dito.
Nararamdaman kong nanghihina ang katawan at unti-unting paglabo ng paningin ko.
"H-help me, L-liam..." Huling salita at tuluyan nang dumilim ang paningin ko.
To be continued...
03/07/2023
© 2023 SweetQueen_24
YOU ARE READING
Book 2: I Love You Sir! 👑
RomanceBook 2 of Be Mine Sir! "Come back is real!" Iyan ang nasabi ni Justine sa sarili na pagtungtong nya ng kolehiyo sa Grayson University na minsan syang nag-aral ngunit sa pagbabalik nya ay marami ng nagbago. *** Struggles is real! Someone is waiting...