Justine Mae's POV
The day comes... The first day of being college student. It's kinda nervous and the same time excited. Pressure, tiredness, sleepless, and heartbreak.
Kasalukuyan ako na nasa harap ng human size mirror at sinusuri ang sarili suot ang aking uniform.
"Bagay na bagay." I said while smiling.
Sakto lang sa akin ang uniform at ang ganda ng tela at design nito.
***
Kinakabahan ako habang tinatahak ko ang daan ng college campus. Marami-rami na rin ang studyante dahil sa first day, may magkakaibigan at magjowa akong nakikita. Haist!
May ceremony na magaganap bago magsimula ang klase kaya ang mga studyante ay nagsipuntahan sa gymnasium dahil doon gaganapin ang ceremony at may bisita daw na darating; ang may-ari ng school at the same time ay ang dean.
Ibang klase.
Sumunod ako sa mga studyante na papunta doon. I know my department and my section, pagkapasok ko sa gymnasium ay hinanap ko agad ang department at section ko. Nasa bandang gitna sila malapit sa stage, nakita ko kasi ang sign board ng department ko.
Agad akong gumawi doon at nagtanong. Mas mabuti ang sigurado haha. Kinalabit ko yung isa sa mga nakapila, babae sya at mukhang mataray sa paningin ko.
"Hi po. Pwede po ba'ng magtanong?" Nakangiti kong tanong.
Tinaasan nya ako ng kilay at tinignan mula ulo hanggang. Hindi sya nagsalita. Pipe ba sya?
"Dito po ba ang section 1 ng culinary?"
"No, doon sa kabilang pila." Mataray nyang saad at tinuro ang isa pang pila na katabi lamang ng pilang ito.
Napatango na lamang ako at nagpasalamat ngunit hindi nya ako pinansin dahil nasa harapan muli ang tingin. Taray ni ate ghorl!
Agad akong pumila sa nasabing section ko. Hoo! Sa wakas! Inayos ko ang aking sarili at tumingin sa harap dahil magsisimula na ang ceremony. Pagkatapos manalangin at kumanta ng pambansang awit ay may pumuntang babae sa harap na may hawak na microphone.
"Magandang umaga mga mag-aaral ng Grayson University!" Ang sigla naman ni ma'am.
Sumagot ang lahat ng 'magandang umaga' sa kanya pero hindi ako kasama kasi gustong gusto ko na matapos ang ceremony. Hindi ko alam, ngunit bigla akong kinabahan.
Something came off... Or something happen na hindi ko maipaliwanag.
"Hindi natin dapat patagalin pa. I want to introduce to all of you of our handsome owner and at same time our new dean of this school at dati sya na naging isa sa mga teachers sa highschool campus. Let's welcome our new dean... Mr. Liam James Grayson! Palakpakan natin sya!"
Tila huminto ang oras nang lumabas mula sa backstage ang lalaking matagal ko ng gusto ko. My first love, the man I've been waiting for two years, and the man who owns the necklace I'm wearing. Especially the man who once hurt me so much but I still try to love him AGAIN just like before when I was in junior high.
Naramdaman kong may luhang tumulo sa mukha ko ngunit agad ko itong pinunasan at huminga ng malalim upang mapakalma ang aking sarili.
Nang makapunta na sya sa harap na may hawak na ngayon na microphone at seryoso ang ekspresyon nito. Still the man that I knew. Walang naglakas na mag-ingay dahil sa malamig na aura na mayroon sya pero hindi pa rin mapipigilan ang sari-saring mahihinang komento at tili ng mga babae.
Napa rolled eyes na lamang ako at nag-focus sa kanya. Aksidente na nagtama ang mga paningin namin, gulat ang unang nakita ko sa mga mata nya kahit walang reaksyon ang mukha nito. Ngunit nawala rin agad.
Tumikhim at lumunok muna sya. Sandali syang napalingon sa gawi ko at lumingon muli sa iba bago magsalita. "Good morning students..." Panimula nya.
"Gusto kong sabihin sa lahat na mag-aral ng mabuti at sa susunod na mga araw ay magkakaroon ng halalan ang mga studyante para makapili ng lider ng bawat department. Ganun din ang officers at representative sa bawat section. Ayun lamang at maaari na kayong pumunta sa mga classroom nyo." Aniya at umalis agad.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil walang tigil sa pagtibok ng mabilis ang puso ko habang nagsasalita sya at panay tingin sa pwesto ko kaya kinikilig ang mga nasa harapan ko na mga babae. Kahit lumipas ng dalawang taon ay ang gwapo pa rin nya.
Such a head turner man. Na isa sa mga babae na nabighani nya.
Nagbalik ako sa ulirat ng may umakbay sa akin habang patungo sa magiging room. Siniko ko sya. Chansing ang amp!
"Aray!" Daing ng isang pamilyar na boses. Napalingon ako sa katabi ko at doon ko na lang nalaman na sya pala iyon.
Si Trevor na nakilala ko sa airport. Hala! Napalakas yata ang pagsiko ko.
Taranta akong lumapit sa kanya na namimilipit pa rin sa sakit sa tagiliran at dinaluhan. "Sorry talaga, Trevor. Akala ko kasi kung sino na."
"Grabe, ang sakit no'n ha?" Natatawa nyang saad habang nasa tagiliran pa ang kamay. Napangiwi na lamang ako.
Hanep! Kahit nasaktan na tumatawa pa rin. Related lang ang peg ko.
"Hmp! Kasalanan mo rin dahil basta basta ka lang sumusulpot at umaakbay sa akin." At humalikipkip.
Napanguso sya. "Hindi ko kasi akalain na magkaklase at magkapareho ng department."
Natawa na lamang ako. "Pero sorry talaga sa pagkakasiko ko... Masakit pa ba?" Nag-aalala kong tanong at tinignan ang tagiliran nya na nasiko ko.
Ngumiti lamang sya at ginulo ang buhok. Naaalala ko sa kanya si Darell ang yelong 'yun haha. Kaso nga lang nasa ibang school sya nag-aaral.
"Haha don't worry, maayos na ako at salamat sa pag-aalala." Nakangisi nyang saad.
Umirap ako. "Asa ka, che!" Nauna akong pumasok sa room pagkarating namin.
Naupo na ako sa favorite spot ko dati pa. Naramdaman kong tumabi sya ngunit hinayaan ko na lamang.
Sayang hindi ko kasama ang bak- lalaking 'yun na si Joshua. Business management ang course nya kaya nagkahiwalay na kami. Na-miss ko tuloy ang bestfriend ko.
"Uyy sorry na." Pagsuyo ng katabi ko.
Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakanguso at malungkot ang mga mata.
Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang balikat nito kaya nagbago bigla ang aura nya na umaliwalas.
"G-galit ka pa rin ba sa akin?" Nauutal nyang tanong, tila umaasa.
I chuckled. "Hindi ako galit syempre. Bakit naman ako magagalit?"
Napanguso sya na parang bata at nilalaro ang dalawang hintuturo nito. Ang cute haha.
"Hindi mo kasi pinapansin... Tinatawag kita pero hindi ka lumilingon kaya akala ko galit ka sa akin."
I tap his head na napagitla sa kanya, tumingin sya sa akin at pansin ko ang pamumula ng tenga nya. Napakunot ako bahagya ngunit saglit lamang iyon tsaka ngumiti.
Na-miss ko lang ang mga kaibigan ko.
"Haha wala iyon, ano ka ba?! Umupo ka na lang ng maayos." Natatawa kong saad at umayos na rin ng upo.
Napakamot na lamang sya ng ulo at sumunod sa utos ko.
To be continued...
05/18/2022
© 2022 SweetQueen_24
YOU ARE READING
Book 2: I Love You Sir! 👑
RomanceBook 2 of Be Mine Sir! "Come back is real!" Iyan ang nasabi ni Justine sa sarili na pagtungtong nya ng kolehiyo sa Grayson University na minsan syang nag-aral ngunit sa pagbabalik nya ay marami ng nagbago. *** Struggles is real! Someone is waiting...