C H A P T E R 30

126 2 0
                                    

Justine Mae's POV

General cleaning time!

Saturday day ngayon kaya kailangan kong maglinis ng kwarto ko, hindi ko pinapalinis mga katulong namin ang kwarto ko dahil privacy area ko ito.

Bumaba muna ako para kumuha ng cleaning materials. Pagpasok ko sa kusina ay bumungad sa akin ang ibang katulong na nagluluto.

Napatingin sa akin si manang at ngumiti na lumapit. "Oh bakit, iha? Nagugutom ka na ba?" Habang pinupunasan nya ang kanyang kamay.

Ngumiti lamang ako. "Hindi pa po ako gutom, manang... Ah, eh... Nasaan po ba yung cleaning materials?"

Magsasalita na sana si manang nang tumunog ang telepono sa bahay namin.

"Ako na ho ang sasagot sa tawag. Pakisuyo na lang po yung walis at mop na ilagay sa kwarto ko."

"Hay naku'ng bata ka! Ako na ang maglilinis ng kwarto mo, oh sige una ako na ako." Dali-dali nyang sabi at umalis sa harap ko.

Napailing na lamang ako at napangiti. Tumungo na agad ako kung nasaan ang telepono na tumutunog pa rin.

"This is Usui Residence, may I help you?"

"Hi, Justine. — is that mommy Justine, dad?"  Eh? May bata?

"Sino ba ito?"

"Wait, baby. Kakausapin ko muna si mommy Justine okay? — Yes, daddy.

Ummm... I'm sorry about that, si Liam ito... Gusto ko lang sana kitang yayain bukas na kumain sa labas kung hindi ka busy dahil may sasabihin din ako sayo na importante."

Wala naman ako gagawin bukas tapos naman na ako sa requirements ko sa school kaya pwede naman.

"Okay. Sige, bukas mga 8 am para mahaba haba ang oras natin."

"Oo naman... Tsaka, pwede ko ba'ng isama ang anak ko bukas wala kasing magbabantay sa kanya."

Biglang nanlaki ang mga mata ko... Anak nya iyon! Ibig sabihin may asawa na sya. My goodness! Sayang crush ko pa naman sya, totoo na crush ko sya, ewan ko ba pero tuwing gabi sa panaginip ko ay nakita ko sya dahil bawat gabi na dati malabo ang mukha nung lalaki sa panaginip ko ay palinaw na palinaw na.

Pero may kung anong sakit sa aking dibdib akong nararamdaman. Dahil ba sa may asawa at anak na sya, hayst nakakabaliw lang!

"Oh okay? Hindi kaya magagalit ang asawa mo nyan, sir I mean Liam?" Biglang sabi ko kaya napatakip ako ng bibig.

Walang filter ang bibig mo Justine, my goodness ka talaga!

Narinig ko sa kabilang linya ang pagtawa nya. Eh? Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"May nakakatawa ba sa sinabi ko, Liam?" Inosente kong tanong.

Narinig kong tumikhim sya sa kabilang linya.

"I'm sorry about that... Sa totoo lang wala akong asawa, I'm just adopted this child dahil sa kapabayaan ng nanay nya pero past is past." 

Biglang nabuhayan ang kalooban ko, Yes! Walang asawa si crush haha. Hindi ko mapigilang mapangiti ng malawak.

"Okay... Ano... Uh, may gagawin pa ako. See you tomorrow na lang, Liam." Pinilit kong hindi mautal dahil sa nararamdaman ko ngayon. Grabe naman kasi ang tibok ng puso ko, ang bilis dahil yata sa excited ako para bukas.

"Take your time, bye."

And the call has ended. Paakyat na sana ako sa pangalawang baitang ng hanggan nang bigla sumakit ang ulo ko at nanlalabo ang aking paningin.

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now