C H A P T E R 43

165 1 0
                                    

After 2 days...

Justine Mae's POV

Napabangon ako sa pagkakahiga nang may marinig ako ng katok. Haist! Istorbo sa pagtulog ko.

Tok! Tok! Tok!

"Haist! Ayan na nga eh!... Mga istorbo." Bulong ko sa dulo.

Kinuha ko ang suklay sa vanity mirror na mayroon dito at nagsuklay tsaka tumungo sa banyo. Habang nagsisipilyo ay nagsusuklay ako.

Oh diba! Multiple task lang peg!

Matapos kong masipilyo ay nag-ipit ako ng buhok ng mabilisan at maghilamos then... viola!

Maganda na ulit ako! Char!

Takbo ko ang pinuntahan ang pinto na may walang tigil sa kakakatok syang sumira sa maganda kong tulog.

"Hi, good morning wifey ko!" 'Yan ang bumungad sa akin pagkabukas ng pinto.

Kaya imbes suklian ang matamis nyang ngiti ay sumimangot lamang ako. Sya pala ang umistorbo ng tulog ko. Ang aga aga pa kaya! Papasikat pa lang nga ng araw eh.

"Walang 'good' sa morning ko dahil sa pag-istorbo mo sa tulog ko." Tsaka matalim ko syang tiningnan.

Tumawa lamang sya habang nakatingin sa akin. Abnormal!

"Anong tinatawa-tawa mo d'yan, huh?!" Naiirita kong tanong.

Napatigil naman sya pagtawa at bigla nya akong hinawakan sa bewang tsaka hinapit palapit sa kanya kaya magkadikit ang mga katawan namin. Ang tigas nga ng dibdib nya eh pagkasandal ko sa kanya.

Naramdaman ko ang malambot na bagay na dumikit sa noo ko. Heto na naman ang butterflies na nararamdaman ko. Isang pamilyar na pakiramdam.

"Highblood ka na naman, wifey ko. Hindi ka mabiro tsaka sorry kung ginising kita ng maaga."

"Oo na, ano pa nga ba. Bakit ka pala maaga mabulabog ng tulog ko? Anong meron?" Sunod-sunod kong tanong. Baka sakaling may kwenta ang paggising nya sa akin, sayang ang masarap na tulog ko noh!

"Nakalimutan mo na yata, wifey ko." Nakangisi nyang sabi.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. At ano  naman ang nakakalimutan ko?

"Ano ba 'yun?" Kasabay ng paghikab ko. Eh sa hindi ko alam pero buti na lang at nakapagsipilyo ako!

"Wedding day... Wedding day ng kaibigan ni Kel ngayon at invited lang po naman tayo. Kaya imbes na si Kel ang ka-partner mo sa abay, ako na ang papalit sa kanya at wala ng iba pa, wifey ko. Kaya ngayon ay bibili tayo ng dress at tuxedo suit para sa kasal na pupuntahan natin." Malawak nyang ngiting saad.

Kaya sa sinabi nya ay nanlaki ang mata ko at pasimpleng kinurot ang hita ko na ikinadaing ko. Sabog ka talaga ngayon, Justine! Ayan gala pa more!

Oh gosh! Oo nga pala! Hindi ko na namalayan ang araw dahil sa sobrang pag-eenjoy ko dito ay nakalimutan ko na may kasalanan na magaganap.

"Sorry naman, na enjoy ko kasi ang pag-stay dito." Bigla akong napatingin sa sarili ko, mentally akong napasapo ng noo ko. Nakapantulog pa pala ako, desente naman ang suot kong pantulog kaya no worries pero kailangan ko na mag-ayos.

Napatingin naman ako sa kanya at ayun nga! Nakasuot na sya ng pang-alis. Kahit simple lang ang suot nya ay napakagwapo nya pa rin. Edi wow!

I heard him chuckled. Siguro sa reaksyon ko. Gosh! Bakit ang hot sa pandinig?! Pati tenga ko ay lumalandi na rin huhu.

Bad ears! Hmp!

"D-d'yan ka lang at maliligo na muna ako. Hintayin mo lang ako dito pero kung ayaw mo mauna ka na at ako na lang ang bibili mag-isa ng damit ko."

"Kahit hindi mo sabihin ay maghihintay talaga ako sa'yo kahit kailan hanggang sa tayo naman ang sumunod sa kanila na ikasal and ready for that day, wifey ko hehe." Tila kinikilig nyang sabi.

Hala sya! Bakit ang cute nyang kiligin? Haha! Pero syempre kinilig ako kahit simpleng banat lang nya. Ito ba ang epekto ng kinain namin noong nakaraan na hipon?

Kakaiba eh! Ganito ba kiligin ang isang Liam  James Grayson? Na akala mo ay isang seryosong tao dahil sa pangangatawan at aura nya tapos ngayon... Oh my ang cute nya talaga kapag makulit pero syempre huwag nya susobrahan ng pagkakulit kung ayaw nyang ipakain ko sya sa mga nilalang sa dagat. Char!

Sayang naman kung mawawala ang isang tulad nya, haist!

"Okay, basta hintayin mo ako dito kung hindi... Uhmm..." Sandali akong napaisip kung anong isusunod ko sa sasabihin ko.

"Kung hindi ano, hmm? Wifey ko?" Taas kilay nyang tanong.

"Si Kel na lang ang magiging partner ko sa abay, hmp!" At dali daling pumasok sa kwarto ko at ni-lock ito. Narinig ko pa ang ilang mura nito habang binabanggit ang pangalan ni Kel.

Natatawa akong pumasok sa banyo at naligo na. Iyon lang pala ang katapat nya eh, hehehe.

Nang matapos kong maligo ay nagbihis ako ng floral dress at nag-ipit ng bun. Naglagay lang ako ng baby powder at lipbalm na gaya na lagi kong ginagawa. Usually, tuwing may event or okasyon lang ako naglalagay ng make-up. Mas lalong hindi talaga ako maglalagay ng make-up lalo't napakainit ngayon, baka nga maging hagard na ako bago pa makapunta sa destinasyon ko eh.

Tsaka iba pa rin kung natural lang ang look mo. Walang mababakas na chemical haha.

Pagkatapos kong mag-ayos at agad akong lumabas at nadatnan ko nga sya na nakatayo habang naka-crossed armed na nakasandal sa pader na katabi ng pinto ng kwarto ko pero nakapikit naman. Tulog yata?

Lumapit ako sa kanya at tinignan para masiguro na kung tulog talaga sya. Sinundot ko bahagya ang pisngi nya na tila nagningning ang mga mata ko. Wah! Ang lambot!

Pero still nakapikit pa rin sya. Sinundot ko pa ulit ang pisngi nito ng mga ilang beses pero tulog pa rin. Pero ang gwapo nya po! Super!

Lumapit pa ako sa kanya at tinitigan pa ang mukha nya. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nya akong hinalikan pero smack lang ito.  Gulat pa rin ang reaksyon ko kahit smack lang iyon. Nakangiti pa sya nang lumayo ang mukha nya sa akin.

"Ganun dapat ang tamang paggising sa akin, wifey ko." Then he winked.

Hindi ako nakaimik. Dahil feeling ko ay uminit ang pisngi ko.

"T-tara na, para matapos na agad. Nagugutom na rin ako." Pagbabalewala ko na lamang at naunan na maglakad pero nang hahakbang pa lamang ako ng nang hapitin nya ang bewang palapit sa kanya. Magaan lang ang pagkakakapit sa akin.

Ayoko na! Huhu. Ang puso ko na naman kasi eh! Tsaka ang clingy nya. Ganito ba talaga sya, dati pa?

Nagsimula na kaming maglakad pero hindi ako umimik hanggang sa makarating kami sa labas ng hotel. Pinagtitinginan pa nga kami pero sya dedma lang at mas lumapit pa sa akin na kulang na lang ay itali nya ako sa kanya.

"Alam mo ang landi mo?" Nakangiwi kong turan.

He chuckled and winked at me. "Sa'yo lamang ako malandi, wifey ko. At gustong-gusto ko na nilalandi kita ka para hindi ka na tumingin sa iba kundi sa akin lang." Then he kissed my right cheek.

Napaiwas na ako ng tingin. Bulungan at pagtitig sa amin ng mga tao dito sa labas hotel.

"Edi wow! Pero huwag ka sobra, PDA na 'yun. Nakakahiya sa mga nakakakita." Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa hiya na nararamdaman ko.

"Yeah, whatever wifey..." Nagkibit-balikat lamang sya sa sinabi ko.

"But you look so cute when you're embarrassing haha... I love so much po, wifey ko." Malambing nitong saad na nagpangiti sa akin ng palihim sa hindi ko malaman na dahilan, kusa na lang nagre-react ang katawan ko. Pero kinilig ako slight hehe.

"I... I love me too." Tanging lumabas sa bibig ko. Eh sa nahihiya at hindi ko pa sya naaalala duh. Pumasok na lamang ako sa kotse nya sa tabi ng passenger seat.






To be continued...

04/29/2023

© 2023 SweetQueen_24

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now