C H A P T E R 17

179 4 0
                                    

Liam James POV

Nag-iinit ang bumbunan ko dahil kasama pa itong lalaking may gusto rin sa wifey ko sa date namin, tsk.

Speaking of wifey at si baby Thea... Napatigil ako sa pagsagot sa kaharap ko. Iginagala ko ang aking paningin sa paligid at doon na lamang ako nalaman na marami pala na nanonood sa amin, karamihan sa kanila kinukuhanan kami ng larawan.

Haist!

Magsasalita na sana itong kaharap ko ng pinigilan ko na agad sya. "Shut up..." Mahina kong sambit sa kanya.

Napakunot sya ng noo. Tss, ang slow naman nito. "What?"

"Shut up and look around. Marami na nanonood sa atin at wala dito sila Justine, nauna na yata sila sa labas. Ang ingay mo kasi, tss." Irita kong saad.

Napalingon din sya at mukhang na-convince din. Nagalit kaya ang wifey ko kaya iniwan nya ako dito at si baby Thea na lang ang kasama nya?

I said mentally. Inayos ko ang aking sarili at nauna na umalis doon. Iniwan ko na sya doon, nakakahiya yung pinaggagawa ko pero sana hindi galit ang wifey ko.

Walang emosyon kong tinignan ang mga nanonood sa amin. "Get out of my way and stop taking us a picture... Also, huwag na huwag nyo i-post 'yan on social media at malalagot kayo sa akin kapag may nakita ako kahit isang picture doon, remember that."  Malamig kong saad at tahimik na umalis na tuluyan para puntahan ang mag-ina ko.

Justine Mae's POV

Antagal naman nila... Ano may round 2 to 10 pa ba'ng nagaganap doon kaya ang tagal tagal.

Nandito kami ni baby Thea sa park malapit sa condominium. May mini park din naman dito, may playground din kaya ayun tuwang-tuwa ang baby ko na naglalaro na sa slide kasama ng ibang bata. Pero mas bet ko yung pinuntahan ko dati dahil kahit simpleng park ay masaya naman dahil maraming tao ang nandoon.

Dito kasi, yung mga nakatira lamang sa condo ang pwedeng pumunta dito. Ang daming alam ng may-ari pero ganun talaga nasa policy na eh.

Pinagmamasdan ko si baby Thea na tuwang-tuwa na naglalaro. Ang cute-cute talaga nya! Paano pa kaya kung future kids ko na hehe.

"W-wifey, nandito ka lang pala..." Napalingon ako sa tumawag sa akin at tumaas ang kaliwang kilay ko nang makitang hingal-kabayo na si hubby.

Wait! Nasaan si Darell?

"W-where is Althea?" Dagdag nya.

Tinuro ko kung nasaan si Althea na naglalaro kasama ang ibang mga bata. "Nandoon sya... Ikaw hubby, nangyari sa'yo? Parang ka'ng hinabol ng sampung bakla sa itsura mo?"

Magulo ng kaunti ang buhok nya at ang kanyang suot dahil yata sa tumakbo sya. Pero kahit ganun ang gwapo nya pa rin, ugh! So hot ang itsura nya ngayon.

Haist! Justine Mae maghunos-dili ka! May mga bata.

Napasimangot sya. "iniwan nyo kami este ako doon."

"Nasaan pala yung kasama mo?"

Ngumisi sya ng maangas tila proud na proud pa. "Iniwan ko na sya doon. Tara na baka sirain nya pa ang date natin, wifey ko."

Napailing ako mentally. Kahit ako ay ayaw kong masira ng date namin kaya agad ako tinawag si baby Althea. Lumapit naman sya sa amin.

"Hi, daddy! Mamamasyal po pa ba tayo?" Hinawakan nya sa kamay si James at nagpapaawa pa.

Ngumiti sa kanya si James at tumango. "Syempre naman, baby. Kaya tara na, saan nyo gusto pumunta?" Malambing nyang tanong nya sa amin na may namumungay na mga mata.

"Gusto ko po kumain tayo sa Jollibee, daddy. Kasi naririnig ko po sa mga kaklase ko na masarap daw ang pagkain doon." Masayang saad ni baby Thea.

"All right, we'll go there later. Ikaw, wifey gusto mo rin ba na doon tayo kumain mamaya?" Tumango at ngumiti ako bilang sagot.

Lumapit ako sa kanya dahil hindi pa ayos ang kanyang itsura dahil maraming napapatingin sa kanya na mga babae dito dahil sa ayos nya. Bakit kasi ang gwapo ng hubby ko?

Inayos ko ang kanyang buhok at damit na nagulo ng kaunti. Nagulat sya sa una dahil sa walang pasabi kong ginawa pero kalaunan ay ngumiti rin.

"Thank you, wifey." Malambing nyang pasasalamat nya pagkatapos kong ayusin ang buhok nya at damit.

Namula ang pisngi ko. "Always welcome hehe." Kahit nanliligaw pa lang sya, hindi ko maiwasan na mamula pa rin katulad dati na crush na crush ko pa sya.

"Si mommy namumula ayieee."

Natawa si James. "Ganyan talaga kapag kinikilig ang mommy mo, baby. By the way, let's go." Nakangiti na malawak nyang sabi kaya napaiwas ako ng tingin.

Kinarga nya si baby Thea at hinawakan nya kanang kamay ko. "Huwag ka na mahiya, wifey. Si baby Thea at ako lang ang makakakita n'yan, parang dati lang haha." Sabay kindat nya.

Inirapan ko lamang sya dahil nahihiya pa rin ako. Ang lakas mang-asar hmp!

Haist! Kasalanan ko ba'ng kiligin ako?

***

Pagkatapos namin mamamasyal ay nagpahinga muna kami sa saglit bago kami tumungo sa Jollibee. Si hubby ang nag-order para sa amin kaya kami ni baby Thea ang naghanap ng mauupuan.

Maraming picture ang meron sa phone na kami ni baby Thea kasama si hubby. Ginawa ko na rin wallpaper yung isa sa mga pictures namin na nakakarga si baby Thea kay hubby at nakaakbay sa akin kaya ako ang tagakuha ng litrato haha.

"Wow! Ang dami at ang sasarap naman ng inorder mo, daddy." Tuwang-tuwa saad ni baby Althea na pumapalakpak pa nang ilapag ni hubby sa mesa ang mga binili nya.

"Oo nga, hubby. Ang dami dami nito, kaya pa ba natin ubusin ang lahat na ito?" Natatawa kong sambit.

"Take out na lang natin yung iba para may kainin tayo sa kotse." Saad nya.

Tumango na lamang ako at tinulungan sya sa pag-aayos ng mga pagkain. Spaghetti na chicken ang pinili ni baby Althea. Tinulungan kong maghimay ng chicken at tinuruan ko na rin sya kung paano iyon gawin para matuto sya. Alam ko naman na matalinong bata si baby Althea kaya makukuha rin nya agad.

Saan pa ba nagmana? Edi sa akin, charot haha.

"Paano naman ako?" Paawa effect na sambit ni hubby nang matapos kong paghimayin si Althea ng manok na agad nagsimulang kumain. Natawa ako kay hubby.

"Malaki ka na, kaya mo na 'yan haha." Nakangisi kong sabi.

Natawa rin sya pero nakanguso. "Haha binibiro lang naman kita wifey ko. Kaya ko naman talaga. Nagpapalambing lang naman ako." Tsaka sya nagsimulang kumain.

Napakagat labi na lamang ako para pigilan na tawanan sya at nakakahiya rin dahil nasa public place kami ba sabihin nila baliw na ako.

Magandang baliw.

Ngunit bago pa ako tumawa nang tumawa dito ay nagsimula na rin akong kumain.




To be continued...

07/06/2022

© 2022 SweetQueen_24

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now