SIMULA

26 5 10
                                    

SIMULA.

"Isasama niyo po ba talaga ako sa Hacienda, Mama?" Tanong ko kay Mama na nag iimpake na ngayon.

Tumingin siya sakin at tumango. "Bakit? Gusto mo bang maiwan dito?" Tanong niya.

Umiling ako at tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. "Paano si Papa?" Tanong ko.


Sinulyapan niya si Papa na nakadapa sa lantay at may katabing bote ng alak. Lasinggero siya at minsan ay sinasaktan niya ako at pinapabayaan rin ng dahil sa kanyang bisyo.


"Kaya na ng papa mo ang sarili niya, anak." Sagot ni Mama at sinara ang zipper ng bag.

"Baka hanapin niya po tayo." Sabi ko. Kahit naman kasi ganyan si Papa ay siya parin ang papa ko.

"Hindi niya tayo hahanapin." Ani Mama at hinila na ako palabas ng kubo namin.

Malungkot kung sinulyapan si Papa na mahimbing ang tulog.

Hahanapin niya kaya kami pag gising niya?


"Mabait po ba ang amo niyo, Mama?" Tanong ko habang nag hihintay kami ng bus.


"Oo, Monica. Kaya ng magpa alam ako sa kanila na dalhin ka sa Hacienda ay agad silang pumayag." Nakangiting ani Mama.


Sa Hacienda siya nag tatrabaho at isan siyang kasambahay doon. Matagal narin siyang naninilbihan sa mayamang pamilya.


"Bakit po?" Tanong ko.

"Wala kasing bata sa Hacienda." Sagot ni Mama at hinawakan ang kamay ko.


"Bakit po wala?"

"Kasi hindi na ulit nanganak pa si Madam Dainty, at yung ina alagaaan kung si Sebastian noon ay malaki na. Fifteen years old na yun, meron na ngang girlfriend." Sabi ni Mama.


Nang dumating ang bus ay agad kaming sumakay doon, muli ko pang sinulyapan ang papunta sa baryo namin at nakaramdam na naman ng lungkot.

Pero sa kabilang banda ay masaya rin ako dahil makakalayo na ako sa mapanakit na kamay ni Papa.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising lang nang gisingin ako ni Mama.

"Nandito na tayo" Aniya.

Agad akong nagmulat at mabilis na tumayo. Lumabas kami ng bus at pumara si Mama ng tricycle at nagpa hatid sa Hacienda Del Valle.

Ilang oras rin kaming bumyahe hanggang sa pumasok kami sa malaking gate na kulay ginto. Doon ako namangha sa aking nakita, ang lawak ng lugar! Ang dami pang iba't ibang pananim na prutas at bulaklak!


Dumaan kami sa isang bridge na lawa ang nasa ibaba, ilang minuto pa ng marating namin ang malaking mansyon.

"Martha?! Nandito kana, ito na ba ang anak mo?!" Malakas ang boses na saad ng isang matanda kaya agad na lumapit ang apat na babae na medyo bata pa.



"Siya nga, Manang Lourdes. Monica siya ang mayordama dito." Ani Mama.

"Hello po." Ngumiti ako at nag mano.

"Ang ganda ng anak mo!" Hinampas pa ni Manang si Mama sa braso.

Ngumiti naman si Mama at nag pasalamat saka pinakilala sakin ang apat na babae.

"Monica. Ito si Ate Inday mo, si Ate Sarah, si Ate Rita at si Ate Tes mo."

Nag paunahan sa paglapit sakin ang apat na babae at malawak ang ngiti ang iginawad sakin kaya ginantihan ko rin sila ng malawak na ngiti.


FORGET ME NOT Where stories live. Discover now