08

12 3 0
                                    

It's my first day entering college, at hindi ako handa. Malay ko ba kasi na meron na agad na pagsubok ang naghihintay sa'kin.

Sa susunod na linggo ay merong magaganap na Motivational speech ang mga students at kaylangan ng volunteer sa course namin. I was just silent when someone raise her hand and pointed at me, then she said to our professor na I can volunteer daw, and I'm just like, seriously?

And here I am now! Hindi ako maka tanggi kaya ito ako't nag iisip kong ano ang sasabihin kong aral sa harapan ng lahat!

"Mahal." Tumingin ako kay Sebastian na may pinapanood sa internet.

"Sebastian."

Doon na siya nag angat ng tingin at pinag taasan ako ng kilay. Mukhang nainis siya sa pang gagabala ko sa kanya.

"I don't know what to do. Kasali ako sa college motivational speech at nahihiya ako, anong sasabihin ko?" I asked.

"Halika dito." Sabi niya sabay tapik sa tabi niya. Tumayo naman ako at naglakad palapit sa kanya. I sat on his stomach and leaned closer to him.

"Paano kong mapahiya ako?" Tanong ko.

"Hindi yun mangyayari, nagawa mo ng mag salita sa harap ng maraming tao, at maganda ang kinalabasan. You can do it, trust yourself." Aniya sabay pisil sa pisngi ko.

"Are you sure?" I asked.

"Yes! At pupunta ako doon para suportahan ka, at isasama rin kita sa kompanya bukas baka makatulong sayo." Aniya.

Naupo ako ng maayos sa tabi niya at nakagat ang pang ibaba kong labi.

"Paanong makakatulong?" Tanong ko.

"Observation is the way to make a report or a story, and always remember, telling a story is powerful so do it or pwede naring hindi, kung saan ka komportable." Aniya.

Tumango ako at kahit papa ano ay gumaan ang pag iisip ko. Kinabukasan ay sinama nga ako ni Sebastian sa kompanya niya. Isa siyang CEO sa Del Valle Construction Company ang isa sa pina ka malaking kompanya sa Asia.

Nagpa alam muna sakin si Sebastian dahil meron siyang meeting with the shareholders, kaya naglakad lakad muna ako.

Observation is the way to make a report...

"Observation." Wala sa sarili kong usal habang nasa loob ako ng elevator.

Napatigil lang ako sa pag iisip ng mag salita ang isang babae na nasa harapan ko, kausap nito ang katabi niyang babae.

"My position in this company is big. How about you? Sigurado ako na nasa laylayan ka palang? I mean.." May ngisi sa labi na saad ng babae.

"Kalilipat ko lang kasi sa kompanya na ito, actually sa ibang branch ako e." Sabi naman ng isa na hindi pinansin ang sabi ng katabi niya.

"So, doon ba sa branch kung saan ka galing ay maliit din ang position mo?  Or maybe you're not good at work so nilipat ka dito?" Paratang na naman ng babae.

Kumunot ang noo ko. Is it really important to have a high position? I mean, everybody want a position but kaylangan pa bayong ipanglandakan at e pag mayabang sa iba?

Akala ba ng babaeng ito na dahil meron siyang position ay special na siya? The nerve!

Lumabas na ang dalawa ng bumokas ang elevator, ewan ko ba kung bakit pero sinundan ko sila...

And I guess because of what I did, ay alam ko na ang gagawin ko.

I was so nervous when the day came, parang gusto kong puntahan yung kaklase ko na nag turo sakin at korotin ang singit niya gaya ng ginagawa ni Mama sakin kapag nagka mali ako.

FORGET ME NOT Where stories live. Discover now