11

11 5 0
                                    



Hindi ako mapakali nag-aalala ako kay Sebastian dahil ng pumonta siya sa kompanya para sa meeting ay hindi na siya umuwi pa. Tatlong araw na akong naghihintay sa kanya ni ang sumagot sa mga tawag ko ay hindi niya ginagawa.





Break time namin ngayon kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tawagan si Tito Arnold to ask about Sebastian at kung ano ang naging takbo ng meeting with the family of the expired construction worker and the client who owned the unfinished building.





Mas lalo lang akong nag-alala ng sabihin ni Tito na nag file daw ng case ang pamilya ng worker, sinabi rin ni Tito na hindi niya alam kung nasaan si Sebastian ngayon.





"Don't worry, Monica, tatawagan ko siya." Ani Tito sakto namang tumunog ang bell.




"Okay Tito, babalik na ako sa klase." I said and hung up the phone.





Dumaan pa ang ilang araw, hanggang sa mag-iisang linggo na siyang hindi umuuwi. Lumiliban narin ako sa klase para mahanap lang siya, pinopuntahan ko ang mga bahay ng kaybigan niya pero iisa lang ang sagot nila 'He's not even answering my calls that son-of-a-gun.'





"Tangina, mag pahinga ka kaya?" Ani Allyza at naupo sa tabi ko, nasa waiting shed ako ngayon at hindi ko alam kung paanong nalaman ng babae na nandito ako.





"I can't, hindi parin siya umuuwi hanggang ngayon." Sabi ko at mahigpit na hinawakan ang cellphone ko.





"Malaki na si Sebastian, Monica. Maybe he wants to be alone, baka ayaw niya lang na madamay ka sa problema niya kaya siya lumayo muna." Ani Allyza.




"I'm worried okay?" Naiiyak kong saad. "Tangina naman kasi bakit nagka g-ganito?" Pumiyok ang boses ko at ilang saglit lang ng tumulo ang luha ko.





"Bakit kaylangan pang magka ganito?" I cried.






"Pagsubok lang ito Monica, lampasan mo lang. Pero ngayon mag pahinga ka munang bruha ka!" Singhal niya sakin.





"Fine." Pinunasan ko ang luha ko at tumayo na. "How I wish na nasa condo na siya." Malungkot kong saad.





Bago ako umuwi ay kumain muna kami ni Allyza sa restaurant na paborito niya, ngayon ko lang din na alala na wala pa pala akong kain simula kaninang umaga, ngayon lang rin ako nakaramdam ng gutom.





2:00 PM ng maka uwi ako sa condo ganon nalang ang pagka sabik ko ng pag pasok ko ay bukas ang mga ilaw. Mabilis akong nag lakad papunta sa living room only to see Sebastian sleeping on the couch.





Nilapitan ko siya at pinagkatitigan, he look so problematic, magulo ang buhok niya at gusot rin ang sout niyang polo. Natigilan ako ng mapatingin ako sa leeg niya.





"S-Sebastian." I called him almost a whisper. My heart is pounding so hard on my chest, my eyes clouded because of tears my knees are trembling kaya nawalan ako ng balanse at napa upo sa sahig.





A kissmark! A fucking hickey! Where was that from?





My fist clenched because of anger but I tried to calm myself, he is drunk so maybe someone took advantage of him?





Tumayo ako at kahit nanginginig ay nag lakad ako papunta sa banyo, nilagyan ko ng tubig ang basin at kumoha rin ako ng face towel. Marahan ko siyang pinunasan, inuna ko muna ang braso niya, ng punasan ko ang kanyang kamay ay nakita ko ang sugat doon. It looks like he hit something hard dahil may dugo pa sa knuckles niya.





FORGET ME NOT Where stories live. Discover now