Maganda ang araw na ito, masaya rin ako dahil mag kasama kamin ng anak ko 'minsan lang kasi ako magka roon ng oras para sa kanya kaya masaya din siya.
Pinag shopping ko siya ng damit at libro ng mapagod ay dinala ko siya sa Ice Cream parlor. Kumakain na kami ngayon ng mag ring ang cellphone ko, sinagot ko naman agad yun sa pag-aakala na client ko ang tumatawag.
"It's Attorney. Madrid speaking." I said.
"Hija." Napatigil ako ng marinig ang boses ni Tita Dainty.
"Yes po?" Umayos ako ng upo at nginitian si Althea ng mapansin na nakatingin siya sakin.
"I want to invite you, may party sa Hacienda bukas." Saad ng ginang.
"Po?"
"Wedding Anniversary ng Ate Liana mo and her husband, she wants to see you." Tita Dainty said. "Pati ang Lola Gabriella mo."
"Uhm, meron po kasi akong bin—
"It's okay it's okay, pwede mong isama ang anak mo, tinawagan na kasi namin si Attorney. Foster at hindi raw siya makaka punta." Saad niya.
"Uhm, okay, what time?" I asked.
"You can come here early, 3:00 kasi sa hapon mag sisimula ang party."
"Okay po. I'll try." I said.
"Don't try Hija, just do it, come here please?"
I sighed. "Okay po." Saad ko, nag usap pa kami bago ko binaba ang cellphone ko.
Sinabihan ko agad si Althea at masaya naman siya, sinabihan pa niya ako na ipag handa siya ng magandang dress. She also ask me if she will be meeting her father again at tanging tango lang ang sagot ko sa kanya.
Nandon kaya ang asawa ni Sebastian? Ang anak niya? Marahil ka edad lang nito si Althea.
KINABUKASAN ay nag impake ako ng kaunting gamit, yung kaylangan lang namin ni Althea dahil hindi naman kami mag tatagal doon.
"Punta po tayo kay Daddy?" Tanong ni Althea.
"Yes sweetheart, pero hindi ako sure kung nandoon ang Daddy mo e." Sabi ko, hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing tinatanong niya ito sakin ay kinakabahan ako.
Ilang oras din ang byahe at walang ibang ginawa si Althea kung hindi ang kumain sa likod at manood ng cartoons sa cellphone ko.
Nasa gitna na kami ng byahe ng tumunog ang cellphone ko, mukhang nagulat si Althea kaya agad niya iyong binitawan.
"It's okay, sweetheart. May tumatawag lang." Sabi ko.
"Ah, ang lakas kasi ng ringtone mo Mommy e!" Nakangusong saad niya.
Ngumiti naman ako at binawi sa kanya ang cellphone, si Tita Dainty ang tumatawag.
"Hello Tita?" Sagot ko.
"Parating na ba kayo?" She asked.
"Yes po, nasa byahe pa po kami." Sagot ko.
Matagal bago nag salita ang ginang parang may iba itong kausap mula sa kabilang linya dahil bumubulong ito.
"Sorry hija, ang kulit kasi nitong si Catalyntien e, uhm, tawagan mo nalang ako ha kung malapit na kayo." Saad ng ginang.
I said 'yes' then hung up my phone, sino kaya ang Catalyntien na iyon?
Hindi na ako tumawag kay Tita Dainty ng maka pasok kami sa Hacienda. Napa buntong hininga ako dahil sa pagod, ang layo kasi e! Namamanhid na rin ang puwet ko.
"Althea nandito na tayo." Sabi ko.
Hindi sumagot ang bata kaya nilingon ko siya 'nakatulog na pala habang yakap ang paborito niyang unan.
Lumabas ako ng sasakyan ko at binuksan ang passenger seat saka ko kinalas ang seatbelt niya, bubuhatin ko na sana si Althea ng may tumikhim mula sa likuran ko.
"Do you need help?" Natigilan ako ng marinig ang baritonong boses ni Sebastian.
Mabilis akong lumingon at nakita ko siyang nakatayo ilang metro ang layo mula sakin. His wearing a black sando and grey sweatpants, magulo ang buhok niya at napansin ko rin na mas lalo siyang naging gwapo, seryoso rin ang bakas ng aura niya.
Ngumiti ako at tumango. "Yeah, hindi kuna kasi kayang buhatin si Althea." Sabi ko.
Tumango naman siya at naglakad palapit sakin, umalis naman ako sa harap ng pintoan at pinanood siyang buhatin ng walang kahirap hirap si Althea.
"Mommy!" Sigaw ng anak ko ng bahagyang magising.
Magsasalita na sana ako ng haplosin ni Sebastian ang likuran ni Althea.
"It's okay baby, go back to sleep." Malambing na saad niya na nag patigil sakin. Althea rest her chin to Sebastian's shoulder and went back to sleep.
Tumingin sakin si Sebastian at nginitian ako.
"Iwan mo nalang dyan ang mga gamit niyo, ipapakuha ko yan kina Ate Rita." Seryosong aniya.
Tumango naman ako at sumunod na sa kanya papasok. Sinalubong ako ng mga Del Valle pati narin nila Manang, masaya naman ako na makita sila.
Nag kuwentohan kami ng bumaba si Sebastian mula sa second floor ng Mansion, naupo siya sa katapat kong sofa at tinitigan na naman ako.
"Si Althea?" I asked. Nakakapagtaka dahil agad na umalis ang lahat.
"She's in my room." Aniya at nag salin ng wine sa kopita.
Maraming nag tatrabaho sa paligid namin, naghahanda para sa party kaya naiilang ako na mag salita.
Sebastian cleared his throat and glance at the party coordinators, mabilis naman na umalis ang lahat.
"What's her real name? How old is she?" Tanong niya agad.
Alam na ba niya na siya ang ama ni Althea?
"Althea Allison, she's nine years old, how about your child?" Tanong ko.
Natigilan siya at nag iwas ng tingin, napansin ko ang kanyang pamumula bago ako muling tiningnan.
"Nine years old, nandito sila mamaya ipapakilala ko kayo." Sagot niya.
"Bilang?" Pinag taasan ko siya ng kilay, it's my way to hide my real feelings. Masakit pala na habang hinihintay namin siya ng anak niya ay may ina-alagaan siya na iba.
"I don't know." Sagot niya at tumingin sa kamay ko, ngumisi siya sakin at tumayo na. "Aalis muna ako, meron akong kukunin." Ani Sebastian.
Tumayo naman ako at nilapitan siya. Gusto ko sana siyang tanongin kong may pag-asa pa ba kami, o wala na. Minsan napapaisip ako na ang lala ko palang mag mahal? Kasi kahit complicated ay nagagawa ko parin mag hintay at maghintay hanggang sa bumalik sakin ang lalaking mahal ko. Kahit na may pamilya na ito.
But it's not only for me! It's for my daughter! Althea is longing for him, she really want to have a father, she need a father, she need Sebastian!
"K-Kaylan ka babalik sakin?" Tanong ko. Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil masyado akong nagpapaka-baba.
Nawawala ang malaki kong pride kapag siya na ang kaharap ko. Umiling siya at nilampasan ako dahilan para mapa tanga ako sa pwesto ko.
Talaga bang balewala na ako sa kanya ngayon?
YOU ARE READING
FORGET ME NOT
Short StoryMonica Jade Madrid is the daughter of Martha the one who taken care of Sebastian Isaac Del Valle, when Martha died she left Monica to the Del Valle's and Sebastian and his family take good care of her and treat her like their own family as a thank y...