01

19 5 0
                                    

KINABUKASAN.

Mag isa na naman ako, wala dito sina Ate Diana at Ate Liana ganon din ang mga magulang nila pati si lolo at lola dahil meron silang kanya kanyang lakad.



Sina ate Inday naman at si Mama ay maraming ginagawa, kaya napag pasyahan kung libotin ang boung mansion.



Umabot ako sa fourth floor, kung saan ay matiwasay kung pinagmasdan ang mga painting na nakasabit sa hallway.


Napatigil lang ako ng bumokas ang pintoan sa dulo nito at lumabas si Sebastian. Kinabahan ako at mag tatago na sana pero huli na ang lahat dahil nakita na niya ako.


Tumakbo ako at nag tago sa likuran ng malaking vase saka ko siya sinilip. Nakatingin parin siya sakin ng naka kunot ang noo.

"Lumabas kana dyan." Seryoso niyang sabi at naglakad palapit sakin.

Napasiksik ako sa dingding, hanggang sa makalapit siya.


"Get up." Aniya.

Lumabi ako at tumayo mula sa pagkaka salampak sa sahig. Nag angat ako ng tingin kay Sebastian. Hanggang tyan niya lang ako.

Napangisi siya at ginulo ang naka pigtail kung buhok. "You're so tiny." Sabi niya.


Nakatingin lang naman ako sa kanya.

"Gusto mo bang sumama sakin mamasyal?" Tanong niya.

"Ayoko!" Singhal ko at sumimangot.

"Why?" Tanong niya.

"Baka iligaw mo ako no! Ayokooo!" Maldita kung sabi.

Kumunot naman ang noo niya. "Bakit ko naman gagawin yun?" Tanong niya.


"Dahil sinumbong kita kay Lolo Trivor." Sabi ko.

Napa iling siya. "Whatever, kid." Aniya at nag lakad na palayo.

Pinanood ko siyang bumaba sa hagdan habang naka pamulsa at ng mawala na sya sa paningin ko ay muli akong nag lakad lakad.


Ginutom ako pagkatapos kaya pinakain na ako ni Mama. Kasabay ko pa sa mesa si Sebastian.


"Ikaw po, dika kakain?" Tanong ko.

Umiling si Mama. "Mamaya na, sige na, kumain kana." Ani Mama sabay sulyap kay Sebastian bago umalis.


Tumingin naman ako sa plato ko at sinimulang ilagay sa gilid ang mga gulay gulay, saka ako kumain.


"Kainin mo yang gulay. Isipin mo ang mga magsasakang nag pakapagod na itanim yan. Sayang kung matatapon lang yan." Seryosong ani Sebastian.


"Pero ayaw ko ng gulay." Matamlay kung saad.

Hindi niya ako pinansin. Napilitan tuloy ako na kainin yun, nangilid ang mga luha ko habang sapilitan na nginungoya ang gulay. Sapilitan ko rin itong nilunok.



Tumikhim siya. "Bakit ka umiiyak?" Tanong niya.


Tumutulo na pala ang luha ko at  nanlalabo rin ang paningin ko dahil sa luha.


"E k-kasi ayaw ko ng gulay." Sabi ko.

"Punusan mo nga yang mukha mo, baka isipin ni Nana na sinaktan kita." Utos niya.


Nakalabi kung pinunasan ang mukha ko gamit ang laylayan ng kulay pink ko na dress, pero patuloy parin ang luha ko sa pag tulo.


Napa buntong hininga si Sebastian at tumayo para lapitan ako.

FORGET ME NOT Where stories live. Discover now