"Don't be scared, she can't hurt you." Ani Sebastian. Tumango naman ako.
"Maldita yun." Nakanguso kong sabi sabay tingin sa mukha niya. "Sinampal ka niya! Bakit hindi mo siya ginantihan?" Tanong ko.
"E, kasi ayaw ko." Sagot niya.
"Bakit ayaw mo?" Makulit kong tanong sabay hawak sa pisngi niya.
Kanina ay magka away pa kami ngayon ay hindi na, naging magaan na kasi ang loob ko kay Sebastian.
"Ayaw ko lang, babae kasi siya, hindi ko ugali ang gumanti sa isang babae." Seryoso niyang sagot.
Tumango nalang ako at nginitian siya, pagkatapos ay muli akong humilig sa kanyang balikat.
Masayang masaya ang buhay ko habang nasa Hacienda, palagi kaming naglalaro ni Sebastian, hindi ko nga alam kung bakit tinitiis niya ako at ang mga pambatang laro gayong alam ko naman na ayaw niya nito.
Tumutulong rin ako minsan kina Mama sa gawaing bahay. Kapag wala naman si Sebastian at nasa school ay naglalagi naman ako sa library at doon siya hinihintay. Ilang buwan narin pala ang nakalipas simula ng dalhin ako dito ni Mama.
"Ang tagal naman ni Sebastian, Mama. Gabi na ah?" Saad ko habang nakasunod kay Mama sa pagsasara ng mga pinto sa bahay.
"Naku, baka nandoon pa iyon sa bahay ng kaybigan niya. At ano ka ba, Monica? Gabing gabi na, matulog kana nga." Ani Mama.
Lumabi ako at tumingin sa labas ng bintana. "Mamaya na po, bakit ka nagsasara ng pinto e, wala pa naman si Sebastian?" Tanong ko.
Bumuntong hininga si Mama at humarap sakin.
"Bukas pa iyon, uuwi. Sigurado ako, kaya ikaw, pumonta kana sa kwarto at wag kanang maingay baka magising pa ang mga Donya." Ani Mama.
Naglakad nalang ako papunta sa kwarto namin ni Mama na nasa maid quarters. Pagkapasok ko doon ay nadatnan kong natutulog na sina Ate Inday pati narin si Manang. Nahiga ako sa kama at nag kunwaring tulog ng pumasok si Mama sa kwarto.
Nang tumabi siya sakin ay mariin kong pinikit ang mga mata ko. Ilang minuto ay nakatulog narin naman si Mama, dahil siguro sa pagod, kaya agad akong lumabas ng kwarto ng walang ingay na ginagawa.
Naghintay ako sa living room, nakasilip pa ako ng bahagya sa malaking kurtina. Malulungkot na sana ako dahil akala ko nagsasayang lang ako sa pag hihintay ng biglang may isang lalaki na tumalon sa gate papasok.
"Sebastian!" Impit kong tili at nanakbo para kunin ang susi.
Muntik ko pa itong mahulog dahil sa pagmamadali, ng mabuksan ko ang pinto ay agad akong nanakbo palabas para salubongin siya.
"Sebastian!" Sigaw ko.
Nanlaki ng bahagya ang mga mata niya at tinapat ang index finger sa labi niya. Natakpan ko naman ang bibig ko at nagmamadaling lumapit sa kanya.
"Bakit gising ka pa ha?" Tanong niya sabay karga sakin.
"Kanina pa kita hinihintay. Sabi ni Mama hindi ka uuwi." Saad ko.
Umangat ang gilid ng labi niya at pinisil ang tongki ng ilong ko.
"Ayaw ko pa sanang umuwi, kaso naramdaman ko na may naghihintay sakin." Sagot niya.
"Hmp! Sabi ng kapitbahay namin sa anak niya na, hindi daw gawain ng isang matinong lalaki ang umuwi ng dis oras ng gabi!" Singhal ko.
Napa ungot siya at nagsimula ng mag lakad papasok sa Mansion. "I'm sorry, little girl." He said.
YOU ARE READING
FORGET ME NOT
Short StoryMonica Jade Madrid is the daughter of Martha the one who taken care of Sebastian Isaac Del Valle, when Martha died she left Monica to the Del Valle's and Sebastian and his family take good care of her and treat her like their own family as a thank y...