19

9 4 0
                                    





Nag check in kami sa resort na pag-aari ng mga Montenegro, sa hotel room ay agad na nag bihis si Althea ng swimwear.






"Gusto ko po two piece! Bakit jacket to?" Tanong ni Althea habang nakasimangot.




Nilingon ko siya para kausapin siya na wala kaming dala na two piece niya pero kaharap na pala niya si Sebastian.





"Wala kang two piece dito, anak." Ani Sebastian habang nag hahalungkat sa suitcase na dala namin.





"Pero Daddy!" Pa bagsak na naupo si Althea sa sofa.






"Hayaan mo yan." Sabi ko at sinout ang see through na dress. Sa loob nito ay naka nude two piece swimsuit ako.






"Mommy naman." Naiiyak na ani Althea.






"Sebastian, si Althea tingnan mo ang tigas ng ulo!" Baling ko naman kay Sebastian.






"Hayaan mo." He mocked me kaya inirapan ko siya.




"May malapit naman sigurong market dito no? Bibili nalang tayo." Ani Sebastian.





Supportive father? Tsk, mukhang lalaki ang anak ko na spoiled!




"Meron, pero okay naman yang rush guard e." Sabi ko.





"Ayaw niya, wala tayong magagawa." Diretso niyang sagot at kinuha
ang wallet niya.





Tiningnan ko si Althea at ngumiti naman siya ng maliit sakin.




"Tara na, bilhan na natin." Ani Sebastian.




"Sasama po ako." Masayang masaya na ani Althea.






"Of course, ikaw ang pumili ng gusto mong swimsuit." Sabi ni Sebastian.





"Naku, talaga itong bata na ito." Bulong ko.






Sa huli ay wala narin akong nagawa na kahit ano dahil ayaw nilang magpa pigil, pareho silang matigas ang ulo!






Isang kulay pink na two piece swimsuit ang binili ni Sebastian para kay Althea, masayang masaya si Althea dahil napag bigyan ang gusto niya.





"Daddy, look!" Sigaw ni Althea habang naka turo sa isang pearl bracelet na nilalako ng isang matanda. "I like that Daddy!" Sabi niya.






"Hoy, Althea." Saway ko sa kanya.






"It's okay." Saad ni Sebastian.





Napa irap na naman ako, napapansin ko rin na straight na ngayong araw na ang Daddy niya ang tinatawag niya! Ano na ako dito? Hangin?






Bumili si Sebastian ng dalawang bracelet at binigay sakin ang isa, tumingin si Althea sa bracelet ko at ngumiti.






"Bagay sayo, Mommy! Pareho tayo." Aniya.







"Say, thank you to Daddy." Sabi ko.






Bumaling naman si Althea kay Sebastian. "Thank you!" Hinila pa niya si Sebastian pa upo para mahalikan sa pisngi.





"You're welcome. Oh, mag swimming na tayo 'nag hihintay narin ang iba sa'tin." Ani Sebastian.






Tumili si Althea at nanakbo na papunta sa direksyon ng dagat, nakita namin na sinalubong siya ni Lolo Trevor.






FORGET ME NOT Where stories live. Discover now