04

10 4 0
                                    

Pagkatapos mailibing ni Mama ay nagulat ako ng bumalik ang tatlong tao na taga DISWD. Nagtataka nga ako kung bakit sila naririto ngayon at kausap sina Tita Dainty at Tito Arnold.

"Saan niyo po dadalhin ang mga gamit ko?" Tanong ko kay Ate Inday ng ilagay niya sa maliit na maleta ang mga damit ko.

Naupo si Ate Inday sa kama at hinawakan ang kamay ko.

"Isasama kana ng mga taga DSWD beh!" Aniya at umiyak. Nakatingin lang naman ako sa kanya.

"Mag ingat ka doon ha! Kumain ka ng mabuti, hintayin mo na kunin ka ulit nina Señora Maria doon sa ampunan! Pag merong gusto na umadopt sayo agad, tarayan mo ha!" Bilin pa ni Ate Inday.


Napaatras naman ako at maliit na ngumiti. "Hindi po nila ako kukunin, hindi papayag si Sebastian." Usal ko.


Napatigil naman si Ate Inday at malungkot na napa tungo.

"Tama po ba? Tama naman ako diba?" Nangilid ang mga luha ko. "Hindi nila ako isasama!" Sigaw ko at pumihit paalis pero nakasalubong ko naman si Tita Dainty.

"Moni-" Nilampasan ko siya saka ako tumili.

"Ayaw ko sa kanila! Ayaw ko sumama! Sebastian!" Sigaw ko habang tumatakbo paakyat.

"Monica, apo, kaylangan mo munang sumama sa kanila. Kukunin ka rin naman namin kapag nakapag desisyon na ang court." Nakasunod na pala sakin si Lolo Trivor.


Umatongal ako ng iyak at malakas na kinatok ang pintoan ng kwarto ni Sebastian, nang hindi niya ito buksan ay pinag hahampas ko iyon.

"Sebastian, papasokin mo ako! Kukunin nila ako, ipapa ampon nila ako sa iba!" Sigaw ko.

"Monica, walang magagawa si Sebastian." Ani Tito Arnold at sapilitan akong binuhat. "We're so sorry, sweetheart. Gagawin naman namin ang lahat para maka uwi ka dito." Bulong pa ni Tito.

"A-Ayaw ko nga, S-Sebastian, nasaan siya?" Pag iyak ko.


"He went to his friend's house." Ani Tito at isinakay ako sa van na dala noong tatlong tao.

Pinahid ko ang aking mga luha at nag iwas ng tingin sa kanila.

"Pakisabi kay Sebastian na, ayaw ko sa kanya!" Sabi ko.

Hinayaan niya akong makuha... Sabi niya dito lang ako, pero wala naman siya dito para ipag tanggol ako. 

Lumamlam naman ang mga mata ni Tito at agad na sinara ang pintoan ng Van.

Tahimik lang ako at nakatingin sa labas ng bintana. Sinusubokan pa akong kausapin ng dalawang babae na katabi ko pero iniirapan ko lang sila.

Pagkarating namin sa Ampunan ay agad akong pinababa ng mga kasama ko. Pagkababa ko ay iginiya nila ako palapit sa nakangiting madre, pero hindi ko siya nginitian pabalik.


Akala ba niya masaya ako? Hindi ako masaya!

"Monica!" Tawag sakin ng kung sino na alam ko na hindi boses ng tatlong kasama ko, maging ng madre.

Lumingon ako sa likuran at nangilid ang mga luha ko ng makita si Sebastian na kakababa lang sa sasakyan. Naka pang bahay lang siya at magulo pa ang kanyang buhok.

"Monica, baby.." Hinila niya ako at binuhat. "I'm sorry." Aniya.


"Sabi mo hindi ako aalis sa Hacienda? Sinabi mo yun pero tingnan mo kung nasaan ako ngayon! Ibaba mo ako! Ayaw ko sa'yo!" Sigaw ko.

FORGET ME NOT Where stories live. Discover now