Habang nag aaral si Sebastian ay panay ang sulyap ko sa kanya. Naka sout siya ng specs, sabi niya yun daw ang tawag sa isinosout niya kapag nag babasa siya o nakaharap sa computer.
Ang pogi niya.... Napa ayos ako ng upo ng tumingin siya sakin ng hindi ginagalaw ang ulo niya.
"Nababagot ka na?" Tanong niya.
"Ha? Hindi ah." Usal ko.
Ngumisi siya at tinanggal ang specs na sout bago itinoun ang atensyon sakin.
"Come here, I'll show you what I'm doing." Aniya. Lumapit naman ako at naupo sa kandongan niya.
"Bahay ba yan?" Tanong ko habang nakatingin sa sketch pad.
"That's a house draw in one point perspective. My professor, asked us to draw that. It's annoying, you know?" Aniya.
"Bakit, annoying?" Nagtataka kung tanong.
"I'm not a college student nor senior high, but I already have this kind of project. Do you know that I need to draw another one? Nakakainis, alam mo ba yun?" Aniya.
Sabi niya sakin na gusto niya na maging arkitekto pero naiinis siya sa pinapagawa ng propesor niya sa kanya? Ano yun?
Umiling nalang ako. "Syempre hindi, hindi ako nag aaral e."
Napangisi siya. "Yeah, right. Kaylangan ko pang mag study for exam." Ani Sebastian.
"Sige, doon muna ako sa labas para makapag focus ka." Saad ko sabay halik sa pisngi niya, mukhang nagulat siya sa ginawa ko pero napangiti rin siya lalo na ng e abot ko sa kanya ang chocolate na kinuha ko kanina."
"Sabi nila, maganda daw kapag kumakain ng matamis kapag nag aaral para gumana daw ang utak mo sa pag iisip." Sabi ko.
"Gumagana naman yung akin, kahit walang chocolate." Nakangising aniya pero tinanggap rin naman yun.
"Tse! Aalis na nga ako." Bumaba na ako mula sa pagkaka kandong sa kaniya.
"Wait for me, little girl, We will going outside once I finish this!" Rinig ko pang sigaw niya bago ko isinara ang pinto ng library.
Bumaba ako at dumiretso sa kusina, walang tao roon, kaya dumiretso ako sa labas ng bahay. Nakita ko doon si Mama na nakatayo at umu obo.
Lalapit na sana ako sa kanya ng maunahan ako ni Manang galing sa ibang direksyon.
"Martha, ayos ka lang ba? Nagpa check up kana ba sa doctor?" Tanong ni Manang.
Napatago ako sa likuran ng pinto para hindi nila ako makita.
"Oo.." Ani Mama at nag simulang umiyak. " Sabi ng doctor, puno ng tubig ang isang baga ko, kaya minsan ay nahihirapan akong huminga. At hindi rin daw magtatagal ay maa-apektohan ang isa pa. Pero niresitahan naman ako ng gamot." Kahit ganon ay may pangamba parin sa boses ni Mama.
"Kung ganon, gagaling ka ba?" Nag aalalang tanong ni Manang.
"Sisikapin ko, masyado pang bata si Monica para maiwan. Hindi ako papayag na kapag nawala ako ay mapupunta siya sa asawa ko. Manang, baka saktan lang ni Toni ang anak namin." Saad ni Mama.
YOU ARE READING
FORGET ME NOT
Short StoryMonica Jade Madrid is the daughter of Martha the one who taken care of Sebastian Isaac Del Valle, when Martha died she left Monica to the Del Valle's and Sebastian and his family take good care of her and treat her like their own family as a thank y...