06

9 5 1
                                    

"Where did you hear that Poem?" Sebastian asked. Ilang araw na simula nun pero hindi parin siya maka get over.

"Sa libro nga na binabasa ko." Sagot ko sabay sara ng sariling laptop.

Nandito kami ngayon sa Manila, dahil nandito ang kompanya nila at dito rin ako mag aaral ng college. We are living in his condo, with our dog Pepper.

"Na miss ko agad ang Hacienda at ang tambayan natin." Sabi ko sabay higa sa kama, ginawa kong unan ang lap niya kaya nai angat niya ang laptop niya.

Sinara niya iyon at nilagay sa side table. "Babalik tayo doon sa susunod na buwan."  He said.

"Babalik naman talaga tayo doon." Saad ko at tumayo na agad. "Magluluto lang ako, Sebastian." Sabi ko.

"Saka na, busog pa naman tayo diba?" Aniya sabay hila sakin, pahiga, napangisi ako ng kuma ibabaw siya sakin.

"Hindi natin ginagawa yang nasa isip mo dati kahit nasa iisang kama tayo." Nakangisi kong sabi.

Pilyo niya akong tiningnan. "Bakit, ano bang iniisip ko?" He playfully asked.

I laugh and punch his chest lightly. "Stop acting innocent." I said.

"I'm not." Aniya sabay halik sa labi ko, yumakap naman ako sa leeg niya at tinogon ang kanyang halik hindi rin naman nag tagal dahil tumigil agad siya. "After the wedding." He said and lay beside me.

Tumawa ako at umonan sa dibdib niya. "Pagagalitan tayo ni Mama." Saad ko.

"Yeah, right. Nana doesn't want us to be together, ang weird daw para sa kanya dahil itinuturing niya na akong anak." He said and chuckled.

"Kung nabubuhay pa siya ngayon sasabihan ka non na pinapairal mo palagi ang gusto mo." Saad ko.

Matagal bago siya nag salita kaya tumayo na ako at lalabas na sana ng kwarto ng mag salita siya.

"Okay lang, anak niya naman ang gusto ko." Mahina at baritono niyang sabi.

Nilingon ko siya at nginitian bago nag patuloy sa pag labas ng kwarto.

"Ugh, you witch, don't smile at me like that!" Sigaw niya.

Malakas akong tumawa at nag punta na sa kitchen para makapag luto ng haponan. Hindi marami ang laman ng fridge dahil hindi pa naman kami nakakapag grocery, siguro bukas nalang.

"Chloe invites me to her party." Napatingin ako kay Sebastian ng mag salita siya. Sumandal siya sa gilid ng bukana ng pinto.


"Edi pumonta ka kung gusto mo." Sabi ko sabay irap.

Umangat ang gilid ng labi niya at nag lakad palapit sakin. Umiwas naman ako ng tingin at naka pamaywang  na hinarap ang niluluto ko. I stiffend from my position when he wrapped his arms around my waist.

"I won't go there alone, isasama kita." He whispered forming a circle in my waist using his fingertip.

Bahagya akong umiwas dahil nakikiliti ako, tangina talaga, ang landi ni Sebastian!

"Bakit mo ako isasama, e hindi naman ako invited?" Sabi ko.

He sighed and leaned to whisper on my earlobe. "Anywhere I go you go my dear. And everything is done by only me is what you doing, my darling."

Napangoso ako para pigilan ang ngiti sa labi ko. Tangina talaga niya! Hindi maka move on, pati ang poem ni-ricite para gamitin sakin. Tsk!

"Shut up, are you teasing me?" I raised one of my eyebrows.

FORGET ME NOT Where stories live. Discover now