"Monica, sama ka sami'n sa BGC?" Tanong ni Clarice na kaklase ko.
Uwian na kasi at kahit meron pang klase bukas ay gumagala parin sila para daw makapag relax.
Umiling ako bilang sagot. "Pass muna, meron akong sundo e." Sabi ko.
"Sino, yung boyfriend mo? Si Sebastian Del Valle? Sikat yun bilang isang businessesman at Architect ah!" Ani Bea.
Somegunda naman agad si Nicole. "Oo nga! Saka, ang gwapo niya, kung hindi lang kayo siguro sasabihin ko sa parents ko na e arrange marriage kaming dalawa."
Ngumiti lang ako sa kanila dahil hindi ko alam kung anong isasagot.
"Anyway, pinapasabi pala ng pinsan ko na Pilot, congratulations daw doon sa speech mo, maganda daw. Crush ka non!" Sabi ni Rexha.
"Uhm, pakisabi nalang thank you." Sabi ko at kinuha na ang bag ko upang maka alis.
Ilang buwan na ang nakalipas simula nung mangyari ang Motivational Speech, pero hindi parin iyon nakakalimotan ng lahat? Meron paring bumabati sakin ng dahil doon. They said na magaling daw ako at grabe daw yung speech but for me it's just a simple speech. OA lang siguro sila, but I appreciate them.
"Isaac!" Kinatok ko ang bintana ng sports car niya na agad naman niyang binuksan. Naka shades pa siya.
"Nandito kana pala." Aniya at lumabas, ngumiti naman ako at niyakap siya.
"Uuwi na tayo sa Hacienda?" I asked.
He nodded. "Oo, naka usap ko narin ang mga professor mo na dalawang araw kang mawawala." Sabi niya.
"Buti naman at pumayag." Sabi ko.
Kumunot ang noo niya at tinakpan ang gilid ng mga mata ko dahil nasisilaw ako sa tirik na tirik na araw na tumatama sa pwesto namin.
"Get inside the car love, at pakibilisan." Seryoso niyang sabi kaya agad akong pumasok sa passenger seat at nag sout agad ng seatbelt.
Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng may mag ring na cellphone, napatingin ako sa phone ni Sebastian at kumunot ang noo ko ng mabasa ang pangalan ni Chloe sa phone screen.
"Bakit tumatawag sayo ang babaeng yan?" Pigil ang inis kong tanong.
Hindi naman siya sumagot pero kinuha niya yung phone niya at sinagot ang tawag ng babae.
"Hello?" Seryoso ang boses na sagot niya.
Napasimangot ako at tumingin na lamang sa labas ng bintana.
"Yes, kunin mo nalang ang documents sa secretary ko." Sabi pa niya at binaba na agad ang cellphone.
"Business partner ko ang Daddy niya, inutosan lang siya nito na kunin ang documents sa kompanya." Sabi niya.
"Okay." Tipid kong sagot at itinoun ang paningin sa cellphone ko.
"Hiningi niya ang number ko kahapon ng isama siya ni Mr. Cansancio sa meeting." He explained.
"Hindi ko naman tinatanong." Mahina kong sagot at nag type ng reply kay Allyza. Nagyaya kasi ang babae na mag shopping.
Narinig ko ang pag buntong hininga niya.
"Don't worry, hindi ko gagawin yang nasa isip mo." Biglang sabi niya na nag palingon sakin sa kanya.
"Ano bang akala mo na nasa isip ko? Na niloloko mo ako?!" Singhal ko sa mabangis na boses na ginagamit ko lang kapag naiinis ako.
"Baka yan kasi ang nasa isip mo." Sagot niya.
"Tsk!" Nag iwas ako ng tingin at muling bumaling sa cellphone ko. "Kahit mag loko kapa, wala naman akong pakialam." Inis kong bulong.
"I'm not going to cheat. Trust me, yung mga connection namin ni Chloe is all about business, nothing more." Pag papaliwanag niya sa mahinahon na boses.
"Ge lang, basta sinasabi ko sayo may gusto sayo ang babaeng yun." Sabi ko at humalukipkip.
Nag tiim bagang ako ng pumasok sa isipan ko ang pagmumukha ng babaeng yun. Chloe is a bitch! I hate her so much!
Napatingin ako kay Sebastian ng marinig ko ang mahina niyang pag tawa. Baliw talaga.
"Sa tingin mo nakakatawa?" Walang emosyon kong tanong.
"You're so cute when you are jealous." Aniya.
Hinampas ko siya sa braso at kinurot ang leeg niya, tinabig naman niya ang kamay ko at nakangisi parin akong tiningnan.
"Tsk! Umayos ka dyan, pag tayo nabangga sasapakin kita." Inis kong sabi.
"You can't do that."
"How can you so sure?" Tanong ko.
"Cause you can't punch me once you lose your concious." Sebastian said it right.
"Asshole." Inirapan ko siya at binuksan ang bintana sa gilid ko. Inayos ko agad ang aking buhok ng hipan ito ng malakas na hangin.
Nasa kalsada na kami na walang kahit anong sasakyan, napalitan ang mga buildings ng matatayog na puno.
"Monica." He called, napalingon naman agad ako sa kanya. Hindi parin nawala ang ngiti sa mga labi niya.
Problema ng lalaking ito?
"Ano?!" Asik ko.
Natawa siya at hinila ang buhok ko ngunit mabilis rin namang binitawan.
"Putnaman, Isaac, naiinis na ako sayo!" Sigaw ko habang hawak ang aking ulo, nakasimangot ako sa kanya.
"Don't yell at me, nagpapapansin lang naman ako sayo." Sabi niya.
"Gago." Bulong ko.
"Tsk, gusto mo bang ihagis kita palabas?!" Singhal niya sakin.
"Bakit kaya mo?" Paghahamon ko.
Nag iwas siya ng tingin at nakita kong humigpit ang hawak niya sa manibela ng sasakyan. "Sinabi ko bang gagawin ko?" Sagot niya.
"E, bakit ka pa nagtatanong?"
"Bakit hindi pwede?"sagot niya.
"Alam mo nakakairita ka na!" Sigaw ko na naman.
Hindi na siya nagsalita pa at hindi na ako pinansin kahit pa nakatitig parin ako sa kanya ng masama. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagbawi na ako ng tingin, ngunit ganon nalang ang pag tili ko ng iharap niya ang mukha ko sa kanya.
"Titigan mo lang ako." Ani Sebastian.
"Mag sorry ka muna." Sabi ko.
"For what?" Hindi niya ina alis ang tingin sa daan.
"Just say sorry." Utos ko.
"I'm sorry." Sagot niya.
"Ipagpitas mo ako ng bulaklak pag dating natin sa Hacienda." Sabi ko.
"Bibilha-
"Oo, oo,oo bawal humindi." Sabi ko at pinandilatan siya ng mata.
"Sige wag mo nalang akong titigan." Aniya.
Dahil don ay pinag hahampas ko siya sa braso niya, tinawanan naman niya ako, akala niya siguro nag iinis-inisan lang ako.
Hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating kami sa Hacienda. Sinalubong kamin ng lahat sa pagdating namin, at nakikita naming masaya sila na makita kami ulit.
"Magka galit ba kayong dalawa?" Tanong ni Lola.
"Naiinis lang siya sakin, La." Ani Sebastian at inakbayan ako.
"May ginawa ka sigurong mali?" Si Manang Lourdes naman na nasa gilid ko.
Sinamaan ko ng tingin si Sebastian, kumunot naman ang noo niya sakin.
"Fine, mag pipitas na nga senyora." Aniya ng ma alala ang gusto ko.
"Very good." Saad ko.
Ngumisi siya at bumolong sakin. "Lagot ka sakin mamaya." Aniya at naglakad na palayo.
YOU ARE READING
FORGET ME NOT
Short StoryMonica Jade Madrid is the daughter of Martha the one who taken care of Sebastian Isaac Del Valle, when Martha died she left Monica to the Del Valle's and Sebastian and his family take good care of her and treat her like their own family as a thank y...