14

13 5 0
                                    


"Okay ka lang Mommy?"



Mabilis kong pinunasan ang luha ko ng marinig ang boses ni Althea mula sa aking likuran, gising na pala siya.


"Y-Yes." Sagot ko at mabilis siyang hinarap.



Pero mas lalo lang akong napa iyak ng makita ang nag-aalalang mukha ng anak ko. Paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi na babalik sa amin ang Daddy niya gaya ng sinasabi ko sa kanya noon?



Sana pala tumahimik nalang ako at tinago sa sarili ko ang paghihintay kay Sebastian ng sa ganon ay hindi na madamay ang anak ko sa sakit na mararamdaman ko.



"Mommy." Umiyak na din siya at yumakap sakin.



"Sorry, sorry." Usal ko at niyakap siya. "Shh, okay lang si Mommy." Mahina kong saad.




Napatigil lang ako sa pag iyak ng mag ring ang phone ko. Si Allyza ang tumatawag.




"Hello?"




"Monica, puntahan mo ako dito sa hospital tangina talaga yung lalaking yun ang sakit ng katawan ko, mamamatay na ata ako!" OA na sabi niya.




"Ha? Sinong lalaki? Ano bang ginawa sayo?" Tanong ko. "Saka nasaan ang asawa mo at ako ang tinatawagan mo?"



"Alam mo naman na ayaw ko doon sa lalaking yun!" Sigaw niya.


"Sige tatawagan ko si Simon para pu—



"Tangina mo, nang aasar ka ba?" Nag taka ako dahil sa sinabi niya.


"Please lang Monica puntahan muna ako." Natigilan ako ng umiyak na siya.



"H-Hoy, p-pupuntahan na kita pero matatagalan ako 'nasa Hacienda kasi ako ngayon e." Sabi ko at binaba na ang tawag.



"Tita Allyza po?" Tanong ni Althea.



"Yes, she needs Mommy right now so pwede ba natin siyang puntahan ngayon?" Tanong ko.



Tumitig pa siya sakin bago tumango. "Tita is always with us kapag may problema ka, Mommy. Tayo naman ngayon." Nakangiting saad niya.



"Thank you sweetheart." Saad ko.



Mabilis naming kinuha ang bag at nag lakad palabas ng kwarto ni Sebastian. Busy parin ang lahat pag baba namin.


"Monica where are you going?" Tanong ni Lola Gabriella ng makita kami.




Hinalikan ko siya sa pisngi. "We need to go, Lola. I'm sorry emergency lang." I said.



"W-what? Anong nangyari?" Tanong ni Ate Liana.



Hindi kuna sila sinagot at hinila na palabas si Althea, nagri-ring ang cellphone ko at iisang tao lang naman ang tumatawag, si Allyza.



"Hija, ano ba kasing emergency yan?" Tanong ni Lola.



"Nasa hospital ang kaybigan ko, kaylangan ko siyang puntahan." Sabi ko at binuksan ang pinto ng passenger seat.



"Bye-bye Lola!" Ani Althea bago pumasok sa sasakyan.


"Ang apo ko, pwede mo ba siyang iwan sa amin?" Naiiyak na tanong ni Donya Gabriella.



Hindi ko siya nasagot dahil bukod sa gulat ay nakita ko pang may tumigil na sasakyan at lumabas sa driver seat si Sebastian at sa shotgun seat naman ay isang babae, sa passenger seat ay isang Yaya at isang batang lalaki.


FORGET ME NOT Where stories live. Discover now