Entry #8- Bingi Ka Ba?

117 2 4
                                    

"I can't believe na nagsa-summer class ako ngayon kasama ka." nakangiting sabi ng lalaking katabi ko ngayon sa klase. 


"Ano?" napairap nalang siya sa hangin. Sa hindi ko narinig yung sinabi niya eh!


"Ang sabi ko, I cant——" naputol ang sasabihin niya nang biglang pumasok si Sir Bob sa room. 


"Okay let's start." nag-umpisa na siyang magsalita. Hay. Ang boring talaga. Kasi naman eh! Bakit ko pa kasi binagsak ang Science ko?! Dapat nagsswimming na ko sa beach kasama sila Ezra at Julia. Dapat nagssurf nalang ako sa Internet. Dapat wala ako dito sa school at nagssummer class!


Hindi ko namalayan ang oras, tapos na magklase si Sir Bob at naglalabasan na sila para magrecess. "Tara recess na tayo," 


"Ha?" for the second time, napairap na naman siya sa hangin. Nagulat ako nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Napaatras ako sa ginawa niya.


"Sabi. Ko. Tara. Recess. Na. Tayo." mabagal na ulit niya. Nailang ako sa posisyon namin kaya't nag-iwas ako ng tingin. 


"Ah sige." sagot ko tsaka siya lumayo sakin. 


Sa totoo lang? Pwede namang hindi na ko pumasok sa summer class na 'to eh. Pero hindi pwede. Kasi may isang tao na naging dahilan para pumasok pa rin ako sa araw-araw na ginawa ng Diyos makita lang siya. Si Evan Jimenez. Ang una at huling tao na mamahalin ko sa buong buhay ko. 


Nagpunta kami sa soccer field nang matapos ang Math class namin at binigyan ng 30 minutes break.


"Alli.." tawag niya. Rinig ko ang tawag niyang iyon kahit nakaearphones ako. Hindi ko nalang pinahalata at nagpanggap na hindi siya naririnig. 


"Tss. Lagi mo nalang ako hindi naririnig..." nakatuon parin ako a librong binabasa ko. "Ayan tuloy, pati yung sinisigaw ng puso ko hindi mo marinig." inis siyang natawa sa sarili. "Alli, bingi ka ba? O sadyang manhid lang?" nagulat ako sa mga sinasabi niya ngayon. Stop assuming again Alli—-


"Mahal kita, Allison Rivera." huminga siya nang malalim. "I love you. Oh ayan english na yan." natawa nalang ako sa isip ko at kinilig syempre. Pero hindi ko iyon pinahalata. Mabuti nalang hindi ako ganun kabilis mag-blush at hindi rin naman halata kung magbblush ako dahil normal na mapula talaga ang pisngi ko. At hindi ako naka-blush on. 


Tumayo ako na ikinagulat niya at tinanggal ang earphones na nakakabit sa tenga ko. "Oh ano pa hinihintay mo diyan?" binalingan ko ng tingin si Evan na kasalukuyang naguguluhang nakatingin sakin ngayon. "Pasko?" halakhak ko at nag-umpisa nang bumaba ng bleachers. Napangiti ako ng palihim nang maalala ko ang mga sinabi ni Evan kanina.


"Alli, wait!" narinig kong sigaw niya. Natawa nalang ulit ako at nag-pretend na hindi siya narinig. 


"Huwag ka ngang pabagal-bagal at baka maunahan ka pa ng iba." natatawang sabi ko sa kanya nang maabutan niya ko. Napa-'ha?' Naman siya. "A-Ang ibig kong sabihin, huwag kang babagal-bagal baka maunahan nila tayo sa room at walang maupuan! Sige ka." sabay talikod ko. Kinabahan ako dun ah.

Auditions EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon