Masarap maging bata pero kung bata ay namulat sa mundo ito, h'wag mo siyang sisihin.
Kuryosidad ang namamayani sa akin noon nang makita kong nakaawang ang pinto ng silid nina mama at papa. Madalas ko ng mahuli sina mama at papa sa loob ng silid na ito. Yung tulad ng minsan ay napapanood ko sa mga palabas. Tulad ng titigan maya-maya ay yakapan, halikan at tulad ng sinasabi ng katropa kong si Jugs na "kamahan" daw. Pero hindi ibig sabihin niyon ay gusto ko silang makita sa ganoong kamahan. Sumilip ako at tama ang hinala ko. Tulad iyon ng naiisip ko, ang pinagkaiba nga lang ay hindi si mama iyon. Si Aling Nora iyon na kumare ni mama na kasama ni papa sa silid na iyon.
Nung panahon na iyon, naisip kong hindi perpekto ang pamilyang kinabibilangan ko. Noon pa man bago mangyari iyon, ramdam at alam ko na ang hindi pagiging masaya sa pakikisama sa kanila, hindi tulad ng nararamdaman ng mga bata na kasa-kasama ang kanilang magulang sa hirap at ginhawa.
Nasa may simbahan ako isang linggo. Hindi para magsimba kundi para magbenta ng sampaguita. Nasa gilid lang ako ng simbahan. May isang matanda na huminto at nagsabi sa aking magdasal ako. Ginawa ko pa iyon dahil sa kuryos ako kung anong himala ang nagagawa niyon nang mapansin kong wala naman akong napapala. Wala naman kasi talaga akong nalalaman tungkol sa ispiritwal at kung anong hiwaga ang naidudulot niyon. Unang-una, maituturing ko ang sarili kong isang mangmang. Paano iyon kasi ang madalas sabihin sakin nina mama at papa. Sa bahay na unang eskwelahan dapat kung saan maaaring unang matuto ang bata ay hindi rin ako biniyayaan. Bangayan siguro, oo. Pagtitinda lang ng sampaguita ang madalas pagkunan namin ng pera. Kaunti lang madalas ang naiibenta ko nung umagang iyon pero napagkakasya na namin sa pambili ng bigas maliban sa ulam. Para naman sa ulam, humihingi nalang ako sa maaari kong mahingan. Minsan nagawa ko pang magnakaw dahil sa gutom na ang sikmura ko. Minsan nga nang may makita akong isang bata na may hawak ng ibiniling ulam, sinunggaban ko yun at tumakbo nang palayo.
Hindi lang yan, isang araw napag-isip-isip namin ni Jugs na mangupit ng pera. Madali lang gawin iyon basta walang nakatingin, walang nakakaalam. Nang may makita kami sa isang tindahan na isang garapon na puno ng pera na pinaglalagyan ng kita ng tindahan. May nagbabantay pero madali namin napaikot ang nagbabantay sa tindahan. Tulad ng kakausapin siya ni Jugs at ako ang nasa tabi ng tindera at palihim na kukunin ang pera. Pagkaalis namin, doon lang niya malalamang nawawala ang pera niya.
Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, nagagawa namin iyon. Mahirap na diskarte iyon.
Minsan nga may nakasalubong pa kaming grupo ng mga kaedad naming kalalakihan. Malakas ang trip nila at talagang lahat ng pangungutya ay sa amin binabato. Syempre nangunguna doon ang tabachoy na lider na kinuha pa ang perang kinupitan namin sa ibang lugar.
Nakatatak na sa isipan ko na maghihiganti ako sa tabang iyon. Tulad ng pupukulin ko siya ng bato mula sa malayong pwesto at kapag nahuli nila kami, saka kami tatakbo ng mabilis ni Jugs.
Yung mga bagay na iyon ay laro laro na lang sa amin. Madalas mo na iyan makikita sa mga batang nasa gilid ng daan, nagpapaka-amoy-araw.
Nakakairitable naman talaga ang mga ganoong klaseng bata pero anong magagawa mo kung ang mga bata ay nagkulang sa pagdidisiplina.
Isang gabi, may nakasalubong kaming grupo parin ng mga kalalakihan ngunit mas nakakatanda sa amin. Isa iyong organisasyon na may kinalaman sa paggawa ng krimen. Malaking organisasyon iyon at may mga matatas pa na tao. Yung medyo nakakaangat sa buhay. Yung hindi lang basag-ulo na makikita sa daan.
Ikwekwento ko sa'yo kung anong klaseng patakaran ang nasa loob ng organisasyon nung makapasok ako. Simple lang, tulad ng sundin mo ang nakakataas sa iyo. Mahirap nga lang gawin iyon dahil lumalabag ka sa batas. Kalaban mo na ang batas, ang gobyerno pati ang mamamayan. Pero minsan lumalabag din naman sila diba. Anong pinagkaiba? Sadyang katulad ko lang ang nakikitaan ng mali.
Pero kapag nagawa mo naman ang tungkulin mo at naging matagumpay ka, sulit. Makakahawak ka ng malaking pera.
Nakahawak na ako ng armas tulad ng baril. Pinahawak lang sa akin at pinahimas ng isa sa kasamahan ko sa grupo. Sa totoo lang, nakakakilabot hawakan. Hindi iyon laruang baril, totoo iyon at maaari kang makapatay. At darating ang panahon na iyon ang gagamitin kong panlaban, syempre kapag malaki na ako at may kakayahan na ako.
Sa murang edad habang tumatagal, lumilinaw sa akin ang lahat. Akala ko panandalian lang ang problema. Pero nang maisip kong ito na ang kahahantungan ko, wala na akong kawala at alam kong darating ang panahon na sa rehas naman ako mamamatay. Lumiliit ang mundo. Paliit nang paliit at nakakasakal.
Hindi ito katulad ng mga napapanood at nababasa mong buhay ng isang katulad ko na gumagawa ng mga krimen. Na akala mo ay matalino at madali para sa kaniya ang makagawa ng krimen, gumawa ng aksyon, kumausap ng ibang tao na malinis at walang bahid ng dumi sa kamay o ano pa man. Hindi ito biro. Na ang tulad ko ay lumalayo sa marami dahil pakiramdam mo ay naiiba ka at hindi nabibilang sa kanila kundi sa mga kauri mo lang. Na kapag ang katulad ko ay nasa lipunan ay hindi madali para sa kaniya ang pumatay o gumawa ng iba pang krimen. Dahil madalas maiisip mong hindi mo mapapaikot ang husgado ng korte kapag may nilabag kang batas. Dalawa lang iyan, kapag ikaw ay inosente o kung ikaw ay sobrang yaman para ikaw lang ay hindi makulong. Sasabihin ko sa inyong mahirap ang nararanasan ko. Hindi kapangyarihan ang hawak ko. Ang kinatatayuan ko ay isang bagay na makapagbubuhay lang ng aking sarili.
Binabalewala ko na ang pamilya ko at wala na silang silbi para sa akin. Ang tungkulin lang nila ay iluwal ako sa mundo at bigyang buhay pero hindi sapat iyon para pangaralan sila. Dahil kung alam ko lang, mas ikakapasalamat ko pa kung hindi. Tinalikuran na nila ako nang makahanap na sila ng sariling pamilya. At hindi ako ang tipong ikwekwento pa iyon nang lubos. Dahil sapat na ang paliwanag na kung ano ako ngayon ay iyon ang sumasalamin sa anong pamilyang meron ako, walang pagmamahal, walang pagsasama at walang pagkakaisa at kung anong klaseng tao naman ang nasa paligid ko.
Hihintayin ko ang panahon na magsisisi ako, dahil iyon lang ang mga taong sasabihin sa kanilang mga sarili na sana ay hindi sila nabuhay.
Masarap maging bata pero kung bata ay namulat sa mundong ito, h'wag mo siyang sisihin.
Lalo na kung siya ang nakatuklas sa mundong ginagalawan niya. Ibig sabihin lang niyon, marami siyang karanasan. Na pati ginhawa at paghihirap ay nalalaman niya.