Entry #17- The Summers We Had

84 0 3
                                    


"Sawang-sawa na 'ko! Ayoko nang mabuhay!" sigaw ng boses na narinig ko.


Tinignan ko kung saan nanggaling ang tinig at nakita kong may babaeng tatalon na galing sa isang mataas na bato. Magpapakamatay ata ito.


Agad-agad naman akong lumusong papunta sa babae, sinalo siya, at inilapag sa lupa. Umalis na ako kaagad bago pa niya ako kausapin. Bago ako nakaalis, may flash ng camera akong nakita kaya lumangoy agad ako paalis.


Papunta sana ako sa paborito kong puno na nagbubunga ng paborito kong prutas para kumain nang makita ko na naman ang babaeng sinagip ko noong Mayo (nakaraang taon). Naisip kong umalis na lang kaso tinawag niya ko.


"Uy! Saan ka pupunta?"


Patay. Nakita niya ata ako. Pero, bakit parang banlag siya?


"'Wag kang matakot. May dala akong Lifesavers. Pasensiya ka na ha, 'yan lang thank you gift ko sa'yo."


Inabot niya ang garapon sa'kin.


"Una na 'ko ha. Next summer na lang ulit ako babalik dito. Ngayon lang kasi kita natagpuan eh tapos na ang bakasyon. Sige, alis na 'ko."


Umalis na siya at tinikman ko ang binigay niya. Masarap. Gusto ko pa. Sana dumating na agad ang summer.


Bakasyon na ulit. Nakita ko siya sa tambayan ko. Dati pinapalayas ko ang mga taong tumatambay dito kapag pupunta ako pero ewan ko, siya lang ata ang 'di ko pinalayas.


"Nandito ka na ulit. Ako nga pala si Messie. M-E-S-S-I-E."


Paano mo naman nalaman  na nandito ako eh sa malayo ka nakatingin? Ang weird naman ng pangalan mo. Pero astig kasi rhyming pangalan natin.


"Kahit tunog seal ka, medyo kakaiba yung pattern ng tunog nung iyo. Weird ba? Mahilig kasi ako sa hayop. Kaya nalalaman ko kung ikaw 'yan. 'Wag kang magtaka," nagtuloy siya sa pagsasalita.


"Actually Mercy talaga pangalan ko pero nickname ng mga nambubully sa'kin yung Messie kasi 'full of crap' daw ako," ngumiti siya. Ibang klase. Parang nabasa niya 'yung isip ko kahit 'di talaga ako nagsalita.


Bakit gusto mong magpakamatay dati? 'Di ka ba nanghihinayang sa buhay mo?


"May ikekwento ako sa'yo. Naalala mo nung magpapakamatay na 'ko? Madalas kasi ako mabully na ang pangit ko raw. Pinalayas ako ng tatay kong lasinggero kasi wala raw akong silbi. Patay na yung biological mother ko. Ayaw akong kupkupin ng mga kamag-anak ko. Kakadrop-out ko lang pero may bully pa rin sa mga kapitbahay namin kasi tibo raw ako. Basta. Ang gulo ng buhay ko na gusto ko na lang magpakamatay."


Pero dapat 'di mo pa rin ginawa 'yun. Buti na lang nandun ako at nasagip kita.


"Pero salamat talaga at sinalo mo 'ko. Marami pa pala akong gustong gawin sa buhay. Narealize ko na 'di ko pa oras. Salamat talaga."


Auditions EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon