Entry #7- April 30

139 4 4
                                    


Lahat ng bagay may katapusan. Kahat ng bagay nawawala. Lahat ng bagay may hantungan. Kahit na gawin mo ang lahat para ito ay tumagal.


April 30, 2013. Simula noon ng summer vacation nila Dad at Mom. Nagpasyahan naming magbakasyon ng pamilya ko, as in buong pamilya. Maliit lang naman kasi ang pamilya namin kaya walang problema. Iba ang saya namin ng araw ng iyon. Syempre, first time 'to. Parang reunion na rin ng pamilya.


Sa isang van kami lahat naka-sakay. Si Dad ang driver. Nasa tabi niya si Mom. Sa likod nila sila Tito at Tita. Sa kabilang side sila Lolo at Lola. At kaming magpipinsan sa likod.


Sobrang saya namin. Lahat kami nakangiting sumasabay sa kanta ng radyo. Ngayon lang kasi ito naganap. Nagkaroon din ng oras para sa amin ang aming pamilya. Ang sarap sa pakiramdam.


Pero hindi ko alam na mababawi rin pala agad ang sayang iyon. Kung alam ko lang, sana, sana sinulit ko.


Masayang kumakanta ang Daddy kasabay naking lahat. Hanggang sa hindi niya namalayang nasa gilid na pala kami ng daan at malapit na kaming malalaglag sa bangin. Nag-overtake si Dad at naiwasan iyon. Dapat ay uuwi na lang kami, pero hindi pa pala tapos. 


Biglang may dumating na isang malaking truck. Sa isang iglap nabangga ang van namin at dumiretso ito sa bangin. At doon nawala ang pamilya ko. Lahat sila namatay, maliban sa akin. Maliban sa akin na nasa dulo at napapalibutan ng unan. 


Hindi ko matanggap. Araw-araw akong umiiyak sa tabi, tinatanong ang sarili ko, bakit pa Niya ako itinira? Para pagdusahan ang sakit? Gano'n ba? Dahil ako ng nagyaya sa pamilya ko? Hindi naman kasalan ang maghangad ng kasiyahan kahit saglit hindi ba?


Pero dapat, hindi ko na lang iyon hiniling. E, 'di sana, may pamilya pa ako. Sana hindi ako nag-iisa. Sana hindi ako malungkot. Sana hindi ako umiiyak. Sana hindi ko sinisisi ang sarili ko. Sana, sana, puro na lang sana. Kung mababalik lang ng sana ang buhay nila. Pero hindi, wala na talaga.


April 30, 2014. Eksaktong first anniversary nilang lahat. Nakatayo ako sa bangin kung saan kami na-aksidente. Hindi ko na naman namalayan ang mga luhang lumalandas mula sa aking mga mata pababa sa aking baba.


Sa araw na 'to nalaman ko na mayroon akong lung cancer. Stage three na raw. Hindi na ako nagulat. Alam kong may mali na sa paghinga ko pero isinawalang bahala ko lang. Wala na rin naman akong dahilan para ipagamot ang kung ano man ang karamdaman na mayroon ako. 


Ngumiti pa nga ako sa doktor sa sinabing 'Salamat sa magandang balita.' At saka ako pumunta dito. Pero bakit gano'n, hindi ko magawang maging masaya? Bakit hindi man lang ako makangiti? Malungkot pa rin ako. Ang alam ko ito lang ang gusto ko. Ang mamatay gaya nila. 


Wala naman na akong kaibigan. Nawala silang lahat kasabay ng pagkawala ng pera ng pamilya ko. Wala na rin ang bahay namin. Pati 'yung sa kanila Tito at Tita at saka 'yung mansyon nila Lolo at Lola. Pati ang kompanya namin, nawala na. Lahat ng bagay nawawala. Walang bagay ang tumatagal. 'Yan ang natutunan ko sa isang taong pamumuhay ko ng mag-isa. 


Simula rin noon wala na akong nilapitang na tao. Bukod sa ayaw na nila sa akin dahil mahirap na ako, nagkaroon ako ng kakaibang pakiramdam tuwing tumitungin ako sa mata ng isang tao. Nakikita ko ang hinaharap nila. At ang palagi kong nakikita ay ang pag-iwan nila sa akin sa isang lugar—-ang bangin, sa parehong araw ng April 30.

Auditions EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon