Halos dalawang oras na rin akong naka-tutok sa harap ng Laptop ko, nanakit na rin ang aking mga mata at nag-uumpisa na itong mag-tubig. Marahil ay dahil sa matagal kong pag-tutok dito. Tumayo ako mula sa pag kakaupo ko at lumabas sa aking kwarto. Buo na ang aking pasya, babalik ako sa sa Sta. Monica. Bumaba ako at dumiretso sa kusina, mas mabuting kumain muna ako bago umalis.
Are you going to find her?" Tanong ng babeng nasa harapan ko. Ngumiti ako at lumapit sa kanya.
"Yes, Mommy." Sagot ko sabay halik sa kanyang noo. Nakita ko kung paano siya napangiti. Masaya akong nakikitang s'yang masaya . Ipinaghanda niya ako ng pagkain at sumabay s'yang kumain sa akin. Pakiramdam ko ay di ko manguya ang bawat pagkaing sinusubo ko. Siguro ay dahil sa magkahalong kaba at sayang nararamdaman ko.
Pagkatapos ata ng mahigit sampung minuto sa harap ng hapag kainan ay tumayo na ako. Sa pangalawang pagkakataon sa araw na ito ay hinalikan ko ulit siya sa noo. Pinisil niya ang kanang kamay ko at binigyan ako ng isang ngiting may halong pang-unawa.
"Good luck, Son." Habol pa niya bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Dumiretso ako sa grahe at sumakay sa sarili kong kotse. Mga ilang minuto pa lang akong nakaka-upo sa driver's seat ng maisipan kong lumabas. Bahala na, pero mag-cocommute na lang siguro ako. Tumawag ako sa guard ng subdivision na tinitirahan ko upang mag patawag ng taxi.
Ilang sandali lang ay may tumigil ng taxi sa harapan ko. Binuksan ko ang pintuan ng taxi at umupo sa passenger's seat.
"Sa terminal ho ng bus." Halos pabulong kong sabi sa driver. Hindi naman ako paos pero pakiramdam ko ay di ako makapagsalita, masyado ata akong nalulunod sa emosyong aking nararamdaman. Kahit may aircon ang taxi na ito ay nag-papawis ang aking kamay at ramdam kong may butil- butil na pawis sa aking noo. Noong nakaraang linggo ko pa natanggap ang balitang nahanap na s'ya, ilang daang beses ko na atang pinag isipan kung pupunta ba ako o hindi.
"Sir, nandito na ho tayo," Basag ni Manong Driver sa pag mumuni-muni ko. Inabutan ko s'ya ng limang daang piso at pinatabi na sa kanya ang dapat na sukli nito. Maka-ilang beses n'yang tinangkang ibalik ang sukli ngunit pinagpilitan kong ibigay sa kanya iyon. Ilang beses akong marahas na napa- buntong hiniga at tiningnan ang isang bus na saktong papa-alis na.
"This is it, Flare." Bulong ko sa sarili ko sabay akyat sa papaalis ng sasakyan. Umupo ako sa pinakadulo at nag lagay ng headset sa tainga. May lumapit sa aking isang lalaking may hawak na papel kaya tinanggal ko muna ang sa tainga ko ang headset ko. Tinanong niya 'kong saan daw ang punta ko. Sinabi ko naman kung saan, nakita kong binutasan n'ya 'yong hawak n'yang papel at ibinigay ito sa akin.
"Para saan po ito?" Magalang kong tanong sa lalaking kaharap ko.
"Iyan 'yong babayaran ho ninyo," Kunot noo n'yang sagot sa akin. Well? Paano ko ito mababayaran 'kung butas butas? Tanong ko sa sarili ko.
"350 ho, mukhang ngayon ka lang nakasakay sa bus," Out of the blue ay nasabi n'ya iyon. Malamang nabasa n'ya kung ano ang naiisip ko.
"Salamat, sorry ha." Sagot ko sabay abot ng bayad ko. Tumango lang siya pagkatapos ay inabot sa akin ang sukli ko at tumalikod na ito. Umayos naman ako ng upo at ibinalik ang headset sa aking tainga, pumikit ako saglit dahil sa antok na aking nararamdaman. Ilang gabi na rin akong walang tulog dahil sa balitang 'yon na iyon.