Her POV
First day of class noon ng second year high school noong una kitang nakita nagging classmate kita. Unang kita ko pa lang sayo naAmaze na ako dahil sa iyong mga matang parang may bibig na maraming sinasabi. Di ko alam kong ano ang naramdaman ko noon. Crush na kita unang kita ko pa lang sayo.
Malimit lang tayong mag usap noon puro batihan ganun. Pero alam mo naiinggit ako noon sa bestfriend ko kasi nakakatext mo sya. At nasasaktan rin kasi kinukwento nya sa akin kong gaano ka kasweet. Ang sarap mo sigurong mahalin ano? "Pwedeng kuhanin number mo?" nag assume ako na sabihin mo yan pero nabigo ako.
Tinry ko na rin iwasan ka para mawala yung nararamdam ko sayo baka mas lumalim pa. Kaya noong araw na rin yun di kita kinausap o tinigna man lang subalit noong gumabi na nagulat ako noong may nagtext sa aking unregistered number ang sabi "Bat mo ako iniiwasan" di ko kilala kaya di ako nagreply baka naWRONG SENT lang pero paulit ulit kang nagtetext halos ibato ko noon yung CP ko e. Nagreply ako "WRONG SEND ka po ba? Namali ng sinendan?" Nagreply ka naman "Hindi. Ako ito si JO" Nabigla ako noon tinignan kong mabuti kong naghahalucinate ako totoo nga. Yun nagreply ako nagreply ka. Halos gabi gabi tayo noon na magkatext di ko pa mareply'n noon yung mga bestfriend ko dahil busy ako katetext sayo.
Araw-araw nagpapaload ako para makatext kita. Hindi tayo nagpapansinan sa school pero magkatext tayo. Bawat araw na lumilipas mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sayo sabi ko sa sarili ko BAWAL pero di ko madiktahan yung puso ko.
Disyembre na. Ang bilis ng araw parang kailan lang noong September na magkatext tayo. Mahal na ata kita. Lumipas ng isang lingo di ka na nagtetext sa akin, nag-aalala ako baka nagkasakit ka.Nabigla ako noong Nagtext ka sa akin "Jeii gusto kita. Liligawan kita sa ayaw at gusto mo. Hehehe" Halos mabilaukan ako noon dahil sa tinext mo. Kinilig ako sasagutin na sana kita pero magpapakipot muna ako sabi ko sa sarili ko baka sabihin nyang easy to get ako.
Gabi gabi lagi mo akong tinitext. Di ka yung manliligaw na nagbibigay ng chocolate o bulaklak kasi sabi mo di ka marunong kasi first time mo pero nakaGIRLFRIEND kana LDR nga lang. Lagi kang nag iiloveyou pero wala akong tugon. Iniisip ko muna kong meron kang pag asa. Sweet ka sa text at kinikilig ako. Halos isang buwan ka ng nanligaw noon at hindi ka nagsawa sa akin kaya napag isip isip ko itatry ko. Kaya noon nagtext ka sa akin ng "goodnight Iloveyou" nagreply ako ng "iloveyou too". Di ko alam pero masaya ako noong sinabi ko yun. Ang sarap ng pairamdam HEAVEn kung baga. February 1 noong nagging tayo.
Di nawala yung set up natin sa school dahil ayaw ko ng masyadong PDA at ayaw ko rin na kinakantyawan ako ng mga kaklase natin lalo na sa barkada mo, masaya ako kasi naiintindihan mo ako. Lumalabas tayo minsan pagvacant sa klase . Naaalala ko panoong VALENTINES DAY akala ko bibigayn mo ako noon ng bulaklak pero sawi ako kasi nalata binili mo kasi ng hapon kaya kaumagahan namatay yung bulaklak pero masaya narin ako kasi nakasama kita ng buong araw.
Madalas tayong nagtatawagan sa gabi bihira nga tayong nagtetext noon. Masaya ako kasi noong nililigawan mo pa ako may themesong na tayo. Yung "Amazed" yung unang kinta mo sa akin. Mas lalo akong nainlove sayo noon kong alam mo lang kasi kahit di maganda boses mo naswesweetan ako kasi kinantahan mo ako bihira ng ganun ngayon. Minsan nga sabi ko noon sa sarili ko Mahal ko na talaga to. Nagkakantahan tayo pag nagtatawagan tayo hanggang mag umaga.
S U M M E R C L A S S
Yay ! Summer na pero nakakalungkot kasi may klase . Nababaliw ako kasi parang may gumugulo sa akin na ewan.
Magkatabi na tayo syempre at alam ng classmate natin na may relasyon na tayo. Masaya ako sa sarili ko kasi proud ako na boyfriend kita. Kahit kantyawan pa nila ako ayos lang. Pagkatapos ng klase lagi tayong nagdedate. Ang saya ko noon. Halos mamatay ako sa kilig
Isang araw, nasa may library kami at nagkukwentuhan kami ng mga friends ko ng biglang nagsalita yung bestfriend ko. Ang sabi " Best may sasabihin ako sayo huwag kang mabibigla a" Nagtango na lang ako "Si JO kasi narinig ko may kinakausap sa phone kanina at masayang masaya siya" sunod niya. Di ako naniniwala noon kasi MAHAL mo AKO DIBA? Ako lang DIBA? Sinagot ko bestfriend ko "Best naman e DI ako PAGPAPALIT nun MAHAL AKO nun e". "Best maniwala ka naman sa akin may nag IILOVEYOU ba sya sa lahat ng katawag nya?" Halos napanganga ako sa sinabi ng bestfriend ko " Ayaw kong MANIWALA best" "Kung ayaw mong maniwala edi HUWAG dyan ka na nga" Naluha ako noon dahil nagalit sa akin ng bestfriend ko. Nakalipas ng araw di niya ko pinapansin sa kabilang lamesa lang sya nagtatawanan sa mga kaklase ko naiinggit ako. MAsakit isipin na ang BESTFRIEND ko na halos kambal kami na di makapaghiwalay iniiwasan ako. Masama ba ako, kasi nagmahal ako? Dahil di ako naniwala?
Gabi gabi iyak ako ng iyak di ko sinabi sayo kasi ayaw ko. Nakapagdesisyon na ako, upang malaman ko ang totoo iTETEST kita kung totoong mahal mo ako. Sinabi kong maghiwalay na tayo at ayaw ko na. hinihintay kong magreply ka pero nabigo ako. Parang sinasabi mong "Edi HIWALAY, pinaglaruan lang kita no. ASA ka pa kong minahal kita Masaya ako kahit wala ka" Masakit isipin kahit isang reply wala akong natanggap. Mas masakit pa kasi di ako naniwala agad sa bestfriend ko kong naniwala sana ako edi hindi sana gaano kasakit ngayon?
Masakit. Magulo. Wasak. Malungkot . Alam kong sasaya ako ngayong summer dahil may BF ako pero kabaligtaran pala. Ang Sakit magmahal NAKAKAMATAY. WALANG FOREVER
SUMMER HEARTBREAKS
—END