Entry #18- Mourning Summer

78 0 2
                                    


Naitakip ko ang likod ng aking palad sa aking mata dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa bintana ng aking k'warto.


Umaga na pala. Agad akong napabangon dahil sa aking napanaginipan. Pilitin ko man siyang kalimutan, hindi ko magawa dahil kahit sa aking panaginip ay dinadalaw niya pa rin ako.


Napalingon ako sa gilid ng aking kama at nakita ko ang litrato naming dalawa na magkasama no'ng panahon na kami pa. Nakaka-miss 'yung panahon na sobrang sweet namin sa isat-isa. Mahabang panahon na simula nang iwan niya 'ko pero hindi ko pa rin talaga siya makalimutan.


"Mahal na mahal pa rin kita Vince," bulong ko kasabay ng paghalik sa aming litrato.


Summer na nga pala ngayon. Kung 'yong ibang tao ay nagsasaya ngayong summer, ako naman, nagluluksa.


Naalala ko na summer nga pala naging kami. Ang akala ko, tuwing summer e masaya akong kasama siya dahil tinuring namin 'tong best day ever para sa'ming dalawa. Gumagala, namamasyal, kumakain- 'yan ang madalas naming gawin tuwing summer nang magkasama. Naisip ko nga na p'wede pa kayang mangyari sa'kin ulit 'yong masasayang napagdaanan namin? Kung p'wede nga lang na bumalik siya sa'kin pero.. alam kong imposible e.


Napasulyap ako sa kalendaryo na nakasabit sa may pinto ng kuwarto ko.


April 25, 2015


Ito ang petsa na nawala siya sa'kin. 

Naalala ko pa. Ika-25 ng abril taong 2013 simula nang iwan niya 'ko.


Wala akong ginawa nang oras na 'yon kun'di ang umiyak nang umiyak dahil sa sakit. Ang sakit maiwan. Buong oras, pinapamulat ko sa sarili kong hindi 'to totoo, na hindi pa siya mawawala sa piling ko pero.. kahit anong gawin ko, hindi na p'wedeng mabawi ang oras.


Ang bigat nang pakiramdam ko ngayon. Para akong babagsak dahil sa hilo pero kailangan ko siyang mapuntahan kung sa'n siya naroroon.


Agad akong nag-ayos nang sarili ko bago lumabas sa aking k'warto.


"Sa'n ang punta mo?" tanong sa akin ni ate Deanne pagkababa ko ng hagdanan.


"Kay Vince ate." Nakatungo kong sagot.


"Ano ba naman Irish? Matagal ka na niyang iniwan tapos binabalik-balikan mo pa rin siya?" Inis na sambit ni ate.


"Ate! Araw niya ngayon! Hindi p'wedeng hindi ko siya dalawin." 


Dahil sa isinigaw kong 'yon ay natahimik si ate. Nakalimutan niya sigurong death anniversary ngayon ni Vince.


"Sorry." Tanging nasambit niya na lamang.


Agad-agad akong lumabas ng bahay at sumakay ng taxi.


Ayaw ko talaga sa araw na 'to. Maraming baong masasaya't malulungkot na ala-ala sa akin ang araw nang summer.

Auditions EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon