Entry #10- Summer

152 6 8
                                    


Oy, may tsika ako. Tutal at wala ka namang ginagawang importante sa

buhay mo, pagtuunan mo na lang ito ng pansin. Alam mo ba kung tungkol

saan itong itsi-tsika ko? Ay malamang hindi. 'Wag kang mag-alala,

pampahaba lang 'yan ng istorya. Alam mo ba 'yong segment ni Madam

Bertud na lagi niyang sinasabi ay walang logic logic sa pag-ibig? 'Wag

ka ulit mag-alala dahil hindi ito tungkol sa kinaiinisan mong pag-ibig

stories. Ito ay tungkol sa akin. Tama ka ng basa, tungkol nga sa akin

ito. Hindi sa kapitbahay mo o sa mga pokpok diyan sa tabi-tabi.

Tungkol nga sa akin, gaga ka.


Alam mo kasi, gala ako masyado. Kung saan-saang lupalop ako

napapadpad. Ngayon nga ay  napunta ako sa dalampasigan na medyo malayo

sa barangay namin. Habang naglalakad-lakad ako sa buhangin, may nakita

akong mga kalalakihang kakagaling lang sa laot. Natuwa nga ako sa

nakita kong huli ni Manong. Ang dami kasi at ang gagandang pagmasdan

kasi buhay pa at fresh from the sea. Maihahalintulad ko sila sa tao.

Nakakalungkot nga lang dahil kung ano ang ikinaganda nila sa panlabas,

ay siya rin namang inkinapangit ng ugali nila. Kapag nasa tuktok kana,

pilit at pilit ka nilang ibababa. Parang alimango nga na huli ni

Manong. Pero 'wag ka pa ring mag-alala, hindi 'yan ang ipinunta ko

dito sa dalampasigan. Gusto ko kasing magpasikat sa mga pretty boys

out there na naisipan atang mag-outing dito. Pero hindi pa rin 'yan

ang dahilan ko. Gusto ko kasing mag-isip-isip. May boypren kasi ako,

kasalukuyan kaming nasa hayskul. Inaaya na niya kasi akong tikman ang

luto ni God. Ang totoo, gusto ko ng matikman ang luto ni God. Medyo

natatakam na kasi ako. Minsan nga kapag malapit na ang uwian namin sa

klase, gusto ko na ring ayain siyang tikman ang luto ni God.

Nakakagutom kasing makipag-tsikahan sa mga kaklase mo at

makipag-plastikan sa mga matatalino. Tinanong ko nga siya kanina kung

anong putahe ba ang luto ni God. Gusto ko na kasing matikman 'yon. Ano

nga kayang luto 'yon? Ulam kaya 'yon? Dinuguan kaya na paborito kong

ulamin?  Kaso hindi ako sinasagot ng boypren ko, mukha kasing badtrip

siya. Pero wala akong pakialam. Nagugutom ako kanina, e. Pero ha,

marunong palang magluto si God? Siguro nag-aral siya ng Culinary Arts

sa heaven. May University din pala sa heaven? Ano kayang pangalan?

Heaven University kaya? Ang ginawa na lang ng boypren ko, ipinasok

niya sa palda ko ang kanyang medyo mainit-init na palad. Bigla na lang

akong napaigtad, baka kasi may makakita kaya hinigit ko siya papunta

sa sulok ng may pagtatakang mababanaag sa kanyang pogi face. Oo, pogi

ang boypren ko. Mahilig kasi ako sa pogi. Alam mo kung bakit? Syempre

para maipagmalaki ko sa lahat na may boypren akong pogi, ano pa nga

ba? Ayun na nga, naipasok na niya sa bulsa ng palda ko ang kamay niya.

Bigla akong nakiliti sa pagdausdos ng daliri niya sa legs ko kaya

napahagikhik ako. Tapos bigla na lang niyang inalis ang kamay niya.

Hawak na pala niya ang cellphone kong Android na nabili ko sa Sunlight

kamakailan lang. Nakita kong in-open niya ang kaka-download ko lang na

app n'on na kinahuhumalingan ngayon ng madlang tao, ang COC o Clash of

Clans to make the story long. Hinayaan ko na lang siyang maglaro muna

tutal wifi zone naman 'tong school namin. Nagpaalam muna akong pupunta

ng banyo. Ang sakit na kasi ng puson ko, dapat ko ng ilabas 'to. Baka

kasi magka-UTI ako. Gastos pa. Medyo natagalan nga lang ako sa banyo

kasi alam niyo na, babae ako kahit mukhang lalaki. Pagkalabas ko ng

banyo, may nabangga akong lalaki. Napansin kong si Super Crush pala

'yun. Bigla na lang akong kinilig ng makita ko siya, para ngang maiihi

ulit ako, e. Bigla niyang hinawi ang bangs niyang one-sided. Hindi pa

kasi siya nakaka-move-on sa pagiging emo kaya gano'n ang style ng

buhok ni Super Crush, super stylish. Siguro naka-baby oil si Super

Crush kaya naman super oily na rin ng kanyang kwatro-kantong face. Ang

galing, parang Ginebra lang. Kaso sa kasawiang-palad, nilagpasan lang

ako ni Super Crush. Shit, aykenat. Kaya naman bumalik na lang ako kay

boypren. Kaso hindi ko na siya naabutan sa pwesto namin kanina.

Kinapkap ko ang bulsa ko para i-text sana siya kaso nando'n pala sa

kanya 'yong cellphone kong Android na nabili ko sa Sunlight. Kinapa ko

na lang 'yong wallet ko, at puta! Wala din dito ang wallet kong may

lamang singkwenta pesos! Nanakawan yata ako. Gutom na gutom pa naman

ako kaya naglakad na lang ako pauwi. Buti na lang at hindi kalayuan

ang bahay namin kaya mabilis akong nakauwi. Hindi na ako pumasok

ngayong hapon dahil hindi maayos ang pakiramdam ko. Nagtext kasi ang

boypren ko sa cellphone ng mama ko na break na raw kami. Nagpasalamat

pa siya sa cellphone na binigay ko raw sa kanya. Biglang nag-init ang

bumbunan ko at gusto kong maghamon ng away. Ang mama ko nga sana ang

aayain ko ng suntukan kaso baka palayasin ako. Kaya agad-agad akong

lumabas ng bahay at sinikmuraan si Mang Kanor na kubrador ng Jueteng

sa amin. Bigla kasing dumaan sa harap ko kaya siya ang napagdiskitahan

ko. Bago ako umalis, inalok pa niya akong tumaya at baka raw swertehin

ako kaya ang ginawa ko ay sinikmuraan ko siya ulit hanggang sa sumuka

na siya ng dugo. Iniwan ko na siya na agaw-buhay tsaka naglakad-lakad

hanggang sa mapunta na nga ako dito sa dalampasigan para makapag-isip

o kung hindi man ay para makapag-swimming na rin. Maalinsangan na kasi

ang panahon at idineklara na ng PAG-ASA na dry season na raw. Kaya

marami talaga ang papabols dito sa lugar na 'to. Hay, makapag-selfie

na nga lang at baka mapansin nila ako dito. By the way highway, ako

nga pala si Summer.

Auditions EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon