Pangalawang Pahina

259 8 0
                                    

SECOND PAGE

MAAGA palang ng maghanda si Rosel para pumunta sa hospital para kumustahin ang kalagayan ng mama nila.

"Para ho." Pagka hinto palang ng taxi agad niyang binigay ang pamasahe niya at nagtatakbong pumasok sa loob ng hospital. Naabutan niya ang kapatid niyang si Rese na natutulog sa tabi ng ina nila samantalang si Rhea naman busy sa pagsagot ng assignment niya.

"Wala ka bang pasok ngayon, Rhea?" Tanong nito sa kapatid umiling naman si Rhea bago tapunan ng tingin ang nakakatandang kapatid.

"Wala, sinasagutan ko lang ang assignment ko ate. Ayoko kaseng may iniisip pa ako, saka isa pa may pupuntahan ako mamaya ayokong magiging sagabal sa isipan ko ang assignment ko." Sagot niya sa kapatid. Kumunot ang noo ni Rosel sa narinig mula sa kapatid.

"Saan ka pupunta?" Takang tanong niya rito.

"Yung restaurant na pinagsasidelinan ko, kailangan kong pumasok ngayon. Sayang din yung sahod ko pang kain man lang." Sagot niya sa kapatid. Hindi umimik si Rosel at agad naglakad. Binigay niya ang pagkain na binili niya kanina sa changge na nadaanan niya dahil naalala niyang hindi pa kumakain ang dalawang kapatid niya. Tulog na tulog rin kase ang mama nila mukhang kakatulog lang nito dahil ang himbing pa ng tulog niya.

"Gisingin mo na si Rese para maka kain na kayo." Utos nito sa nakakabatang kapatid.

Ginising nga ni Rhea si Rese na ngayo'y pupungas-pungas habang kinukusot ang mga mata.

"Bakit ate?" Agad niyang tanong ng maka adjust ang paningin niya sa liwanag.

"Kain na." Sagot ni Rhea sa bunso nila. Nagningning naman ang mga mata ni Rese at agad bumaba na siyang dahilan para maalog ang tulog nilang ina.

"Dahan-dahan lang Rese, ano ba!" Pagalit na sabi ni Rosel sakanilang bunso pero hindi sila pinakinggan ng isa at agad tinungo kung saan naka lapag ang pagkain. Agad nilang nilantakan ng ate niya ang pagkain dahil gutom na gutom na siya simula kagabi hindi kase sila nakakain dahil sa labis na pag-aalala sa ina.

"Anong plano mo ate?" Biglang tanong ni Rhea sa kapatid niya pagkatapos kumain. Naka-upo silang tatlo sa mono block na upuan at magkakatabi silang naka tingin sa tulog na ina nila.

"Ewan ko nga eh, may inalok sa akin si Diane na trabaho, magmomodel lang daw ako pero hindi ako sigurado sa sahod mukhang kalahati lang at hindi iyon kakasya sa gastusin dito sa hospital. Isa pa parang hindi naman ata sigurado si Diane sa inaalok niya." Sagot nito kay Rhea iyan kase ang nasa isip niya buong magdamag base kase sa pananalita ni Diane parang hindi siya sigurado sa sahod na makukuha niya.

"Kung anong desisyon mo ate, naka suporta lang kami sa'yo." Tinapik ni Rhea sa balikat si Rosel bago tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa kapatid ng makitang naglakad ito palabas ng kwarto kung saan sila.

"Sa restaurant ate, alam mo na sayang yung 350 pang bili man lang ng pagkain at gamot ni mama." Sagot ni Rhea sa kapatid.

"Ganun ba, mag-iingat ka." Paalala nito sa nakakabatang kapatid.

"Oo naman ate." Ngumiti muna si Rhea bago tuluyang lumabas ng silid naiwan silang tatlo sa loob.

"Paano kung maghanap muna ako ng trabaho na pwedeng pagkakitaan, Saturday ngayon at walang trabaho sa market."

Sa isiping iyon agad napatayo si Rosel at tumingin sa bunsong kapatid na ngayo'y nakatingin sakanya ng seryoso.

My Perfect Bride For Rent: Malvar Brother Bride Series #1 [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon