NINE PAGE
THE day, week has smoothly pass. Unti-unti nasanay na rin si Rosel sa buhay may Pamilya kasama niya sa mansion ang buong pamilya ni Gil. Bumibisita lang ito sakanilang bahay kapag namiss nito ang pamilya, alam na rin ng buo niyang pamilya ang tungkol sa asawang si Gil at nakilala na rin nila ito ng minsan itong ihatid sa bahay ng kaniyang Ina at kapatid. Puring-puri pa nga itong si Rhea dahil daw ang gwapo ng napangasawa niya at swerte siya kase bukod na sa yummy, millionaire pa pero ang nasa isip ni Rosel ay kaya lang niyang ginagawa iyon para sakanila, para sa future ng dalawa niyang bakababatang kapatid kahit man lang sila ang makapagtapos sa pag-aaral iyon ang mahalaga. Nang bayaran ulit siya ni Gil ng kalahating milyon ay ginastos niya iyon para makapagsimula ng maliit na negosyo para sakanyang Ina, upang sa ganun kahit nasa bahay ito ay kumikita pa rin at para na rin may pagkukunan sila ng makakain at allowance ng dalawa.
"What are you doing?" Nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Gil mula sakanyang likuran, busy kase ito sa paghahanda ng mga ingredients na iluluto niya para sa pang gabi nila. Uuwi daw ngayon ang Don galing Hawaii, since nasa kamay na ni Gil ang companya nag relax na din sa buhay ang Don pumupunta ito sa ibang bansa para lang magliwaliw kung minsan sinasama niya sila ni Gil lalo na kung tungkol sa businesses nila.
"Ito naghahanda para sa lulutuin ko," Sagot niya sakanyang asawa. Nang maka adjust siya sa buhay may asawa ay hindi na nito sinusungitan lalo't palaging kasama nila ang Don, hindi naman kase pwedeng ipakita ni Rosel na ayaw niya sa asawa dahil kung malalaman ng Don ang kasunduan baka wala na siyang makukuhang pera sa asawa. Hindi na rin naman palaging wala ang asawa sa mansion pero paminsan-minsan pa din itong hindi umuuwi sa mansion pero gaya ng dati hiwalay ang tulugan namin, nasa iisang silid na kami dahil minsan kaming nahuli ng Don na magkaiba ng kwartong tinutulugan kaya ayon wala kaming choice kundi magsama sa iisang silid pero hindi naman ako papayag na sa iisang kama kami matutulog kaya siya sa sofa at ako sa kama, ayaw naman niyang ako ang matutulog sa sofa kaya siya nalang ang nahiga doon.
"Uhm, looks so good." Sambit nito mula sa likuran ni Rosel, nagulat pa ito dahil naramdaman niya na napakalapit nito sakanya na halos madikit na nga ang kanilang katawan eh. Napalunok nalang tuloy si Rosel at pilit tinutuon ang atension sa ginagawa para mawala ang distraction galing sa asawa.
"What are you doing?" Kumabog agad ang dibdib ni Rosel ng may biglang magsalita mula sa likuran nila, iyon ay walang iba kundi ang bunsong kapatid nila Gil malamig ang mga mata niyang nakatingin sa dalawa ng lingunin nila ito. Gulat na tumingin si Rosel kay Gil ng bigla nalang itong lumingon ulit sakanya at dahil sa sobrang lapit nila kamuntikan ng magkadikit ang kanilang labi, naramdaman agad ni Rosel ang pamumula ng kaniyang pisngi kaya agad itong nag-iwas ng tingin at pilit tinutuon ang atension sa ginagawa.
Huk!
Napasinghap ito ng maramdaman ang kamay ni Gil na biglang pumulupot sa kaniyang bewang, nakaramdam si Rosel ng parang kuryente dahil doon. Kung may salamin lang sana sa harapan ko kitang-kita ko na sana kung gaano kapula ang mukha ko dahil sa lalaking ito sambit ni Rosel sakanyang isipan.
Tinampal nito ang braso ni Gil kaya mapabitaw ito. Nahihiya man ay nagawang siyang lingunin ni Rosel. "Ano bang ginagawa mo?"Mahina nguni't may inis ang boses nito ng tumingin si Rosel sakanya, dahil mas matangkad ito sakanya kinailangan pa nitong tingalain siya para lang makita ang mukha niyang nakatingin sakanya. Seryoso ang mga mata niyang sinalubong ang tingin ni Rosel tumagal pa ang kanilang titigan at wala pa sanang balak mag-iwas ng tingin pero ng tumagal pa ng isang minutong nakatitig ito sakanya ay kusa na siyang umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
My Perfect Bride For Rent: Malvar Brother Bride Series #1 [COMPLETED]✓
Ficción GeneralGillmar Malvar and Rotella Sellaine Arami