TWELVE PAGE
NAGISING si Rosel ng maramdaman ang kamang gumalaw, alam niyang ang asawa niya iyon. Pakiramdam niya nandidiri siya rito lalo ng maalala ang dahilan kung bakit ngayon lang iyon pumasok ng kanilang unit.
Bakit nga kase hindi nalang siya nag request ng Isa pang silid, total pagmamay-ari din naman pala nito ang Hotel. Sambit ni Rosel sa sarili at tila napasong umusog para makalayo ito kay Gil. Agad siyang bumababa ng kama na siyang pinagtaka ni Gil.
"What are you doing?" Kunot ang noo ni Gil kaya tumingin siya rito, kitang-kita niya ang Hindi normal na pagkapula ng labi niya alam niyang dahil iyon sa lipstick na gamit ng babaeng naka make out niya kanina sa labas, hindi na nahiya malapit lang naman ang hotel bakit sa labas pa nila ginawa ang ganong kababalaghan.
"Wag kang tatabi sa akin, sa sofa ka." Pagtataboy niya rito pero hindi natinag ang lalake at lalo pang nangunot ang noo niyang nakatingin sakanya.
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gil kay Rosel.
"What-whatin mo mukha mo, ang lapit-lapit lang ng hotel sa labas ka pa nakipagjugjugan. Hindi na kayo nahiya, paano kung may nakapansin sainyo don!" Masungit niyang sagot kay Gil. Napamaang namang napatitig sakanya si Gil pero kalauna'y napangisi ito habang nakatingin kay Rosel.
"Why are acting like that?..... Are you jealous, aren't you?" Nakangising tanong sakanya ni Gil, bigla naman siyang nakaramdam ng hiya at pairap itong tumalikod para hindi makita ang pisngi niyang namumula.
"Eh di gago ka pala eh, kung wala kang paki-alam sa pangalang iniingatan mo eh di hayaan mo akong sumama rin sa ibang lalake para hindi lang Ikaw ang nambabae!" Pasigaw na sambit ni Rosel habang nanatiling nakatalikod kay Gil. Mabilis namang sumama ang timpla ni Gil dahil sa narinig.
"No. Don't you dare! Kapag nakita kong sumama ka sa ibang lalake, lalong-lalo na sa Renato na iyon. I swear, honey..... I swear, mawawala iyang iniingatan mong dangal kapag ako ang ginalit mo." Seryosong sambit sakaniya ni Gil, bigla nalang kumabog ng mabilis ang puso ni Rosel at pakiramdam niya parang luluwa na ito sa lakas ng kabog nun. Napalunok nalang siya dahil doon, pero ang galit at inis niya sa lalake ay Hindi mawala-wala, ewan ba niya kung bakit ganun nalang ang inis niya rito nandidiri siya sa iisiping nakisping ang asawa sa ibang babae tapos tatabi sakanya.
"At sinong tinakot mong ugok ka. Saka isa pa kaibigan ko si Renato, kaibigan mo rin kaya wag mo akong pigilang lumapit sakanya." Sagot sakanya ni Rosel at humarap kay Gil na hindi pa rin nagbabago ang masama nitong awra. Kitang-kita ni Rosel kung paano tumaas baba ang paghinga ni Gil habang nakatingin sakanya dahil na rin siguro sa adams apple nito sa leeg na siyang hindi maiwasan ni Rosel na matukso, saka lang siya napaiwas ng tingin ng mahuli siya nitong nakatitig doon.
"Don't ever dare, Misis Malvar. Hindi mo gugustuhing magalit ako at hindi mo gugustuhing galitin ako kapag nakita mo kung paano ako magalit, kahit kaibigan ko siya wala akong paki-alam!" Matalim ang tingin ni Gil sakanya na para bang sa bawat salitang binibitawan niya ay may patalim itong patungo sa akin para pigilan ako sa binabalak ko. "I swear.... Hindi ako nagbibiro at hindi ako madaling maloko, babae." Dugtong nito at walang ano-anoy tumayo at mula sa kama at naglakad palabas ng hotel unit. Napatingin nalang si Rosel sa pintuang pabagsak na naisara.
BINABASA MO ANG
My Perfect Bride For Rent: Malvar Brother Bride Series #1 [COMPLETED]✓
Fiksi UmumGillmar Malvar and Rotella Sellaine Arami