SEVENTEEN PAGE
"HI lolo." Agad naming pagbati sakanya ng sunduin namin siya dito sa NAIA airport. Ngayon ang uwi niya galing Rome at nagpasundo siya kay Gil sumama na ako.
"Hi mga apo," Nakangiting sumagot si Lolo sa amin ng sumakay ito sa aming sasakyan, mas nauna kase akong pumasok dito sa loob lalo pa at medyo hindi kami pwedeng nagpakita sa publiko kaya naman kailangan pa naming mag suot ng sumbrero at eye glasses para hindi kami agad makikilala, alam niyo mayaman itong kasama ko at maraming nakakakilala sakanya lalo na sakanilang Lolo na matagal na sa industria ng business at talaga namang kilala at sikat ang company ng mga Malvar.
Buong byahe ay napakatahimik tanging ang music na nagmumula sa radio ng sasakyan ni Gil ang maingay, wala din naman kase silang masabi paminsan-minsan lang nagsasalita kapag may nagtatanong ang Isa sa sa mga ito pero kadalasan ang pananahimik nila.
"Gil apo." Pagtawag ng Don sakanyang apo tumingin naman si Gil sa side mirror ng sasakyan bago sumagot. "Kumusta na ang kapatid niyong si Gillion?" Tanong ng Don sakanya natahimik kaming dalawa ni Gil at sandali pang nagkatinginan.
"Hindi po namin alam lo, hindi pa siya umuwi simula ng umalis ng mansion. Akala namin uuwi siya kinabukasan but then he's not going home, until now." Sagot ni Gil sa lolo nito.
"Ganun. Eh ano bang sabi niya?" Tanong ulit ng matanda sakaniyang apo.
"Uuwi daw siya kapag ayos na ang oras niya, I don't know what he do but it's up to him.... He's not a kid anymore and he have his own decision." Sagot naman ni Gil sakaniyang Lolo.
"Lion," Sambit ng Don sa palayaw ng kaniyang apo kaya napasulyap si Rosel dito. "Nagdedesisyon na iyon ng hindi man lang nagsasabi sa atin, hahaha. Hindi na nga siya bata, and seems he's enjoying he's youth with doing his own decision." Tumatawang sambit ng Don alam niyang kahit ganun proud na proud siya rito, mabait at may isang salita si Gillion at alam nitong kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa even without their help.
"Sa tingin ko okay naman ang isang iyon, inspired kase.... Alam niyo na in love ang gago." Natatawang sambit ni Gil.
"In love? With whom?" Takang tanong ng Don dahil sa pag-aalala niya single pa ang apo at umaasa siyang pagtungtong nito sa edad na kung saan handa na siyang magpamilya ay nasa maayos na rin itong trabaho.
"Sa gusto niya, ano pa ba. Pero ayon at hindi pa kase nililigawan, hindi pa ata handa ang isang iyon." Naiiling na sambit ni Gil.
"It's okay naman iyon, apo. Twenty two palang naman siya at bata pa, baka nga hindi pa siya handa magka girlfriend kaya ayaw pa niyang ligawan ang babae." Sambit naman ng Don. Tahimik lang naman na nakikinig si Rosel sa usapan ng maglolo.
"The heck! He's weak, his age cannot define what his age or what. Kung gusto niya talaga bakit hindi niya ligawan, minor de edad nga may jowa na, siya pa kayang legal age na." Sambit ni Gil na siyang nagpakunot ng noo ni Rosel.
"Baka hindi pa nga sigurado apo, Ikaw talaga. And of course hindi naman pwedeng madaliin ang lahat lalo na kung hindi pa handa, right apo?" Natigilan si Rosel ng sakanya tumingin ang Don.
"Oo naman po," Nahihiya niyang sagot hindi kase niya inakalang tatanungin din siya ng Don.
Nang maubusan na naman sila ng topic muling tumahimik na naman ang loob ng sasakyan hanggang sa tuluyan na silang nakarating sa mansion.
BINABASA MO ANG
My Perfect Bride For Rent: Malvar Brother Bride Series #1 [COMPLETED]✓
General FictionGillmar Malvar and Rotella Sellaine Arami