Pangdalawam-pong apat na Pahina

182 6 0
                                    

TWENTY FOUR PAGE

After a year.......


"BYE baby, alis muna si mommy." Hinalikan ni Rosel ang pisngi, labi at noo ng kaniyang anak para magpaalam dito. "Kayo na munang bahala kay baby, mama." Pagpapaalam nito sakaniyang Ina.


"Oo naman anak, ingat kayo ng kapatid mo doon." Sambit naman ng Ina.



"Oo, ma." Ngumiti si Rosel at saglit pang nilaro ang anak bago sila umalis ng kaniyang kapatid. It's been a year since nanganak siya, napagpasyahan niyang ituloy ang kaniyang pag-aaral. Nasa second year college na ang kaniyang kapatid samantalang incoming first year naman siya ngayong pasukan. Sayang naman kase ang perang binigay sakanya ng Don kung hindi rin niya gagastusin ng maayos. Gaya din ng sabi ng Don paminsan-minsan itong dumadalaw para bisitahin ang kaniyang anak.


Nagtricycle nalang sila papuntang school. Public ang paaralang balak niyang pasukan para less gastos na din. Ngayon ang entrance exam niya kaya naman kailangan niya talagang pumunta sa paaralan. Doon din nag-aaral ang kaniyang kapatid sa kursong BS in culinary arts.


"Bayad ho." Binigay niya sa driver ang kanilang pamasahe at agad bumaba.


"Paano ate, sa kabilang building na ako. Diyan sa malapit na building kayo mag-exam, kaya maghihiwalay tayo ng landas." Sambit sakanya ng kaniyang kapatid. 



"Sige, hintayin mo nalang ako sa labas ng gate kapag mauna kang matapos sa gagawin mo." Sabi nito sakaniyang kapatid. Nang umalis ang kapatid niya saka lang siya nagtungo sa building kung saan ito magtake ng entrance exam.



"Saan po dito ang room para sa mga  freshmen na magtatake ng entrance exam?" Tanong ni Rosel sa isang teacher na dumaan sakaniyang harapan.



"Ito na iyon, iha. Pumasok ka nalang, maya-maya lang ay magsisimula na ang exam niyo." Sagot sakanya ng teacher.



"Sige po, salamat po." Nakangiting pasasalamat niya at agad pumasok sa loob saktong pagpasok niya siya ang huling mag o-occupy sa huling upuan. Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang kanilang exam. Hindi naman ganun kahirap sakanya dahil talagang pinaghandaan niya ito kaya naman siya ang pangatlong natapos sa mga nandoon. Lumabas agad siya at sakto rin naman na nandoon ang kaniyang kapatid, naka-upo sa bakal na stoll sa harapan ng gate kausap ang isang guard doon pero ng mapansin siya agad na silang sumibat para kumain. Medyo malayo ang kanilang tirahan kaya kailangan na muna nilang mananghalian bago uuwi sa bahay.



















🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟

"Lo, what do you prefer about this two?" Tanong ng kapatid ni Gil sakanilang Lolo itinaas pa ang dalawang laruan. Isang pangbabae at isang panglalake.



"Tch! Babae iyon apo, saka wala pa iyong isang taon hindi pa marunong maglaro ng gan'yan." Sagot ng kanilang lolo sa kapatid niya.



"Okay, this one." Seryosong sagot ni Gillion at inilapag ang hawak na laruang panglalake at ang laruan pangbabae ang hawak niya at inilagay sa paper bag. Nangunot ang noo ni Gil habang nakatingin sa kapatid at lolo niya.




"Sinong apo, Lolo?" Curious nitong tanong sa Lolo niya. "At kaninong anak ang pagbibigyan mo ng laruan na 'yan?" Baling nito sa kapatid. Nginisian lang siya ni Gillion nguni't hindi siya sinagot kaya sa matanda ito bumaling ng tingin. Sumusukong tumingin sakanya ang kaniyang Lolo.




My Perfect Bride For Rent: Malvar Brother Bride Series #1 [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon